"And... we don't know. I don't know. Baka mamaya palusob na sila dito, tapos wala man lang tayong magawa. Walang nasabing araw at oras pero ang sabi lang nila, papatayin nila tayo isa-isa." Saan ka ba nakakita ng lulusob o susugod tapos sinabi sayo ang oras ng pagsugod nila? "Para saan ang best of the best?" hindi ata ako mauubusan ng tanong hangga't hindi nauubusan ng sagot itong si Trina. Napakarami kong gustong malaman ngunit hindi ko pa rin nasasagot ang iba. "Para malaman kung anong school ang may mga pinakamalalakas na estudyante. Kasalukuyang Rank 1 ang school natin dahil naipanalo ito noong nakaraang taon. Pero... hindi ordinaryong laban lang ang magaganap between schools and students, dahil kailangang pumatay para manalo ka. You need to eliminate other students hanggang ang sch

