"Magpakita ka! Kausapin mo 'ko!" "Kausap naman kita, a?" "Huwag mong idaan sa isip ko! Sumasakit lang lalo ang ulo ko!" Ilang segundo lang din ay nagpakita na naman ang lalaki sa harap niya, nakaupo ito, naka-Indian seat style. "S-Sorry... hindi ko alam na nakakasakit pa la 'yan ng ulo..." sabi nito. "First time kong mag-telepathy. At alam mo ba? ANG COOL NG TELEPATHY!!!" mangha pa nitong sabi. "Bakit ba nandito ka na naman?!" sigaw ni Glen, at 'di na pinansin ang sinabi nito tungkol sa telepathy. "E, kasi... kailangan ko ng tulong mo," sabi ni Liam. "Tulong mo mukha mo!" sigaw ni Glen, at tatayo na sana, pero hindi niya maigalaw ang mga binti niya. "T-T*ng*na, b-ba't hindi ako makagalaw?!" "Ay tae!" Naisigaw ko nalang at agad na tinignan kung sino ang nang gulat sakin. "Justine na

