"Lintik na yan! Ang layo pala ng Bldg. 5 sa Registration Building!" sigaw ni Scartell, I mean Akina. Ugh! Bakit pa kasi kailangan ng nickname? Tsk! Nasa dulo ng North Wing and Bldg. 5, halos nasa kabilang dulo pa naman ang RB. Siguradong malayo nga. Hinihingal na huminto kami sa waiting shed. Tagak-tak na ang pawis ko sa noo kaya naman pinunasan ko ito gamit ang likod ng aking palad. Bigla na lang kaming hinawakan ni Mer-it's Yuna. "Bakit?" tanong ni Trina. "Basta! Humawak kayo sa akin nang makapunta agad tayo sa pupuntahan natin!" sabi niya. Bahagyang akong nagulat nang bigla na lang kaming lumubog sa aming kinatatayuan. Kamuntikan pa akong matumba dahil hindi ko ito inaasahan. "Nandito tayo sa ilalim ng mga anino, humawak lang kayo sa akin, baka maligaw kayo." Kumapit na lamang

