Kinuha na ng bouncer si Cheez at naglakad paalis, lalabas na sana ng arena ang dalawa nang bigla mapaluhod ang kaliwang tuhod ni Akira, tinamaan siguro ito ng karayom. Ang mga karayom pa naman ni Cheez ay nagtataglay ng mga mapanganib na lason na maaaring makapag-paralisado sa natamaang parte ng mahigit isang oras. Inilalayan siya ni Akina at sabay silang lumabas ng arena. Hinatak kona palabas si Yuna dahil alam kong sa likod na ng arena ang magiging exit ng dalawa. Hinintay namin sila doon ng mga ilang minuto hanggang sa dumating na din sila. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Akira at in-inspeksyon ang tuhod niyang hindi niya maigalaw. "I'm fine." pinindot ko ang tuhod niya ngunit hindi siya umimik. "Dalhin na natin siya sa hospital!" suhestiyon ni Yuna, tinanguan ko naman s

