Tumayo na ako dahil nasisiguro kong sasabog na sa inis si Akina. Kahit pala-kaibigan at mabait ang isang 'yan. Meron pa rin siyang naitatagong ka-brutalan. Hindi lang pambabali ng buto ang ginagawa niya. Minsan ay muntik na rin siyang makapatay. "Sino?" seryosong tanong ko na siyang mas lalong nagpatahimik sa kanila. Pilit kaming pinapa-upo nila Trina at Yuna ngunit hindi kami nakikinig. Ayoko nang masyadong galitin si kambal, mahirap pigilin ang isang 'yan. "Ako! Bakit? May angal?" nakangising saad ng babaeng sa pagkakatanda ko ay Cheem ata ang pangalan. "You again?" nagsalubong ang aking kilay. "The one and only!" maarteng wika nito. Nagpatunog muli si kambal ng kamao. Lalo itong nagalit dahil ito na namang babaeng ito ang walang kamodo-modong kumakalaban sa amin. Gumuhit ang isan

