bc

Love Me, Mr.Billionaire

book_age18+
763
FOLLOW
11.2K
READ
family
HE
age gap
drama
single daddy
office/work place
like
intro-logo
Blurb

‼️Warning‼️ Mature Content‼️ Dahil sa kulang pinansiyal ang pangarap niyang makapagtapos sa kolehiyo ay pinagpaliban muna ni Liezel. Si Warren Estallion-- isang gwapong bilyonaryo na single dad.Nangagailangan ng yaya sa anak nitong iniwan ng kanyang ina. Sa isipin na makapag-aral siya ulit. Sinunggaban niya ang alok nito na may malaking pasahod. Sa araw-araw nilang pagsasama sa mansiyon.Unti-unting nahuhulog ang loob niya sa kanyang amo na halos kalahati ang agwat ng kanilang edad. Pero hind niya kayang balewalain ang malakas na karisma nito na nagpapawala sa sarili niya kapag lumalapit ito sa kanya. Ngunit anong gagawin niya ngayon.Bumalik na ang dating asawa nito.Na hanggang ngayon mahal parin ito ng kanyang amo.Hanggang lihim na pagmamahal nalang ba ang kaya niyang ibigay sa amo niya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Umagang kay Ganda
Liezel's POV Tilaok ng manok ang nakapagpagising sa akin. Pagkatapos kong magdasal sa panibagong buhay na binigay ng panginoon ay agad na akong bumangon sa kama. Tinungo ko na ang banyo namin upang maligo dahil tutulong ulit ako sa karinderya kanila tita Lita. Pansamantala lang itong pagtulong-tulong ko, habang hindi pa ako tinawagan ng isa kong kaibigan na kasalukuyan nasa Manila ngayon. Huminto muna ako sa pag-aaral dahil nawalan ng trabaho si tatay kasama siya sa na lay-off sa kumpanya nila. Ang aking ina naman ay plain housewife na may kaunti lang pinagkaabalahan ang maliit niyang tindahan. Tatlo kaming magkapatid ako ang panganay, si Brent na sixteen years old at ang bunso namin na si Beatriz na ten years old. Hanggang second year college muna ang natapos ko dahil hindi na kaya ng pinansiyal kahit scholar pa ako sa university namin. Tatlong taon na akong nahinto sa pag-aaral pero hindi dahilan iyon para titigil na ako sa aking pangarap. Magtatrabaho ako sa Manila,mag-ipon tapos mag-aral ulit iyan ang goals ko sa buhay. Dahil bilang panganay hindi ko man obligasyon na paaralin ko ang mga kapatid ko pero likas na sa ating mga pinoy na ang matulungin at handang gawin para sa kanilang pamilya. Kaya saludo ako sa mga OFW's na tiniis ang malayo sa pamilya para sa kinabukasan ng mahal nila sa buhay. " Oyy..Liezel, nakatulala ka na diyan. Kanina pa kumukulo iyan pinainit mo na tubig." basag sa akin ni mama Lina sa pagkatulala ko. Malakas akong nagpakawala ng buntong-hininga ang lalim na pala ng iniisip ko. " Ayy, sorry po. Medyo inaantok pa kasi ako ma, masyadong maaga kasi ang alas kwatro na duty ko ngayon kaysa alas-6 ng umaga na nakasanayan ko." wika ko kay mama. " Ngayon lang naman daw ito,Liezel dahil marami kayong rasyunan gayon. Darating daw kasi ang boss ng bagong tayo ng building sa tapat ng karendirya ng tiya Lita mo. Magpapakain yata sa mga tauhan." sagot naman ng aking ina. " Sige po, papasok na ako sa banyo." tuluyan ko ng paalam bago pumasok sa banyo. Napasigaw pa ako dahil hindi yata tumalab ang init ng tubig na pinakulo ko. Subrang lamig pa din ng tubig kaya ligong mabilisan lang ang ginawa ko. Saktong alas kwatro-medya ng madaling araw ang dating niya sa karinderya ng tiya Lita niya. Nakita na niya ang mag-asawa na abala na sa paghahanda ng lulutuin at iba pa. " Oh, Liezel buti nandito kana ineng. Pakitulungan na si Grace maggayat-gayat ng mga gulay at sa mga rekado.Magsimula na akong magluto." bungad sa kanya ng tiya Lita niya. " Opo tiyang." mabilis niyang sagot. Mabilis ko sinuot ang pulang apron at tinulungan na si Grace maghiwa ng mga gulay. " Mabuti hindi ka pa inaantok Liezel, masyadong maaga pa kasi ang alas-kwatro noh?" bulong sa akin ni Grace. Natawa nalang din ako, kung alam lang nito na inaantok pa ako. Ganitong oras kasi ang kasarapan ng tulog ko. Pero wala eh, pagbibigyan ko nalang si tiyang dahil minsan lang naman ito humiling sa akin. Jackpot pa nga kami kung tutuusin dahil limang putahe ang inorder tapos sikwenta katao pa ang papakainin. Maswerte na din dahil itong karinderya pa ni tiyang ang napili. Sabagay bakit pa sila lalayo kung katapat lang namin ang bagong on-going construction na building. Bukod sa masarap magluto ang tiya Lita ko ay malinis at mura pa. " Liezel, sabi ni engineer Jovan,dito daw kakain ang boss nila kaya ikaw ang mag-asikaso doon. Malaman tagalog iyon dahil taga Manila daw ang may-ari niyan." wika ni tiya Lita. " Opo tiyang." maiksi ko na sagot. " Ibang klase din ang may-ari no, dito pa talaga kakain sa karinderya. Siguro hindi maarte iyon dahil diba, iyong mga mayayaman sa class na restaurant talaga kumakain." wika ni Grace. Ang bilis nitong maghiwa ng mga gulay at mga rekados. Kaya believe ako dito eh, kahit si tiyang gustong-gusto si Grace dahil masipag ito at mabilis kumilos bagay sa kanya ang ganitong trabaho. Pero katulad ko, nakahinto din si Grace ng college dahil sa lack of financial. Matanda lang ako dito ng isang taon. Twenty-three na ako at twenty-two naman ito. Business ad ang kurso nito at Hotel and Restaurant Management naman ang kinuha ko. Dahil namana ko kanila mama at tiya Lita ang hilig magluto at hindi naman sa pagmamayabang kahit si Grace sarap na sarap sa luto ko kapag ako ang pinaluto ni tiyang sa ibang ulam. " Grace, ayaw mo bang sumama sa akin mag-apply sa Manila?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya. " Okay na muna ako dito sa kanila tiya Lita, Liezel." sagot nito. " Sabagay, makakaipon ka din naman dito dahil libre naman pagkain at isa pa saiyo lang naman ang sahod mo." wika ko. " Oo nga eh, hindi naman ako napi-pressure na makapag-aral ulit dahil wala naman akong kapatid. Si tatay sabi niya kunting tiis nalang daw kami makakabayad din daw kami sa mga pinagkautangan namin."mahaba na wika nito. Regular sa trabaho ang tatay nito na isang collector ng Motor Dealer. Nabaon kasi sa utang sila Grace nang nagka breast cancer ang nanay nito. " Alam mo ba Liezel, kaya siguro dito napili ng engineer Jovan na iyon na tayo ang magcater mamaya, dahil pansin ko panay ang tingin saiyo. Lihim ka niyang sinulyapan sa tuwing dito sila kakain ng mga kasamahan niya." natatawang wika ni Grace. Napataas naman agad ang kilay ko. Buti pa ito napansin niya, samantala ako hindi ko napansin iyon. Dahil ang alam ko may relasyon yata si engineer Jovan na iyon sa kasamahan niyang engineer na babae. Nakalimutan ko na ang pangalan nun, hindi ko nga iyon gusto dahil nahuhuli ko siyang inarapan ako ng minsan kinausap ako ni engineer Jovan. May mga tao talaga na hindi naman inaano pero naiinis saiyo. " Tss..huwag kang isyu Grace, magjowa yata sila nung isang kasamahan niya na babae na engineer din." " Ah, si ma'am Irish. Sus, ang arte nun hindi ko iyon bet para kay engineer Jovan. Mabait si engineer pero iyong si ma'am Irish hindi. Panay irap nga iyon saiyo eh." nakanguso na sabi ni Grace. Nagkatinginan kami. Sabay kaming natawa dahil hindi lang pala ako ang nakapansin nun na panay irap siya sa akin. " Bilisan niyo na diyan mga ineng, mamaya na ang daldalan kapag tapos na tayo." basag sa amin ni tiya. Naramdaman ko ang kasiyahan nito kaya aligaga ito. Kumbaga, first time namin na magcater ng ganun karaming tao kaya hindi talaga maiwasan na ma pressure. Pero kami ni Grace na pinsan ko ay kalmado lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook