Liezel's POV Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pintuan ng guest room. Tatalikod na sana ako ngunit huli na ang lahat. Nakakunot-noo pa si sir Warren nang makita ko. Habang matalim naman ang tingin na pinukol ni ma'am Shane sa akin. " What are you doing here, taba? Are you listening to us?" galit na tanong sa akin ni ma'am Shane. " I'm sorry po, napadaan lang po ako. Pupunta na po ako sa aking kwarto." nakayuko kong paalam. " Tss..." iyon lang ang narinig kong sabi kay ma'am Shane. Hindi ko na narinig pa ang pinag-usapan nila ni sir Warren. Dahil mabilis na akong pumasok sa loob ng kwarto ko. NASA biyahe na sana kami ngayon. Kung hindi pa nagbago ang isip ng boss ko. Grabe naman makapag decision making ang amo ko. Kung aalis okay kapag ayaw okay lang din. Katok sa pintuan ang

