Liezel's POV Kahit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Pinilit ko paring magising ng maaga. Unang araw ko ngayon bilang nanny ni Miah. Mabilis ko ng tinungo ang banyo para sa daily routine ko.Dahil hindi ko nadala ang tuwalya ko. Kaya ito munang damit ang pagtiyagaan kong gamitin. Tinungo ko na ang kusina para magluto na ako. Sabi kasi ni sir Warren, one week kami dito sa penthouse niya. Nakaleave pala si aling Neri,kaya hindi ko siya nakita kahapon pa. Dumiretso pala ito sa kanila pagkarating agad namin dito sa Manila. " Good morning,po sir Warren." bati ko sa babaero kong amo. Maaga din pala itong nagising,nagkakape habang may binabasang diyaryo. Sinaunang panahon...bulong ko sa sarili. " May sinabi ka?" tanong nito. Natigilan naman ako. Binulong ko lang naman,bakit narinig ni

