Liezel's POV Tumikhim si sir Warren. " Let's go,guys..." sambit niya na nagpatiuna na siya. Agad naman sumunod dito si ma'am Shane. Pinulupot pa nito ang kamay sa braso ng amo ko. Samantalang sumabay naman sa amin si sir Arvin. " First time mo lang ba sa Manila, Liezel?" tanong ni sir Arvin sa akin.Nakaupo na kami dito sa gilid ng pool. Sila sir Warren naman at ma'am Shane ay kanya-kanya nang higa sa lounge chair.Ang ganda ng pool sa mansiyon nila sir Warren. Hindi ko lubos akalain na may ganito palang kagandang design ng swimming pool. " Yes po sir,Arvin. Kaya hindi ko pa po kabisado ang Manila. Naligo na si Miah,sakay naman ito ng salbabida niya. Inaalalayan ito ni sir Arvin. Nakaupo pa ako ngayon sa bench ng pool.Habang ang dalawang paa ko ay nakalublob na sa tubig. " Marunong

