Chapter 63 Aki’s POV “You shouldn’t attend to your duty at the hospital when you feel you are not in the mood. Puyat ka, walang sapat na kain at tulog,” malumanay niyang sabi habang ibinabangon niya ang kalahati ng katawan ko. Dalawang unan ang pinagpatong niya sa likuran ko bago ulit niya ako inalalayang sumandig dito. “Hindi mo naman ako kailangan alagaan masyadong, eh... Nahimatay lang ako dahil kulang ako sa glucose. Kung may sapat lang akong kain at tulog, mapaglalabanan ko naman ‘yong takot ko sa dugo at sa mga nakita ko kanina.” Ngumuso ako at napakamot sa ulo. “Ganoon pala kapag nanganganak...” It was as if I was eating ampalaya as I looked back at what I had seen earlier. Namimilipit ‘tong mukha ko sa pandidiri, takot at pagkamangha. Maluwang din pala ang ano ng babae... At k

