Chapter 64 Aki's POV Inalalayan ko si Lolo habang naglalakad patungo sa landing pad ng Farquharson company. May one hundred floors ito. Narito kami sa pinakamataas na bahagi. Ang Farquharson company ay nakapangalan din sa akin noon ngunit nang maikasal kami ni Audrei ay ibinigay ko na sa kaniya ang pamamahala rito. Kadadating lang ng helicopter ni Audrei na si Tough. Ito ang maghahatid sa kaniya sa kung saan man. And again, he's wearing the most powerful outfit of a mafia boss, all black. Nakapalibot sa building ang mga tauhan niya sa pare-parehomg kasuotan at tindig. Lumingon si Audrei nang makita kaming paparating. Hinalikan niya ako sa pisngi nang makalapit siyang tuluyan. "Hindi ka ba ihahatid ni Mama Vivian?" tanong ko. "Pinapunta ko siya rito nang maaga. Nakapag-usap na kami."

