Chapter 65 Aki's POV "Kirara!" umiiyak habang tumatakbo na hiyaw sa akin ng kambal. Kalalapag lang ng helicopter dito sa landing pad dito sa Lacarte. Dito ko na sila pinaghintay para magkita kami agad. Mabilis akong bumaba. Ang ibang mga tauhan ni Kuya ay pumasok para kunin ang mga dala kong bagahe. "Oh, my God! I miss you so much, best!" ani Hachi na mas mabilis na nakalapit sa akin kaysa sa isa. Nadapa pa kasi si Tachi sa may bakong parte ng landing pad sa gilid. Hindi niya nakita iyon kaya natisod siya at napasubsob ang chest nito sa semento. Mabuti na lang at nagawan niya ng paraan. Iyong mukha sana niya ang naitama. Nakita naman ni Hachi ang nangyari sa kambal niya pero hindi siya sa tumigil para tulungang bangunin. Nagtuloy-tuloy ito sa pagtakbo sa akin. Medyo bad iyon. Natawa

