Chapter 98 Aki’s POV Inalalayan akong makaakyat ng helicopter ni Audrei. Ang pilotong magpapalipad kay Tough ay nakahanda na rin. Sa tabi nito ay isa pang tauhan. Pinili ni Audrei na samahan ako rito sa likod. Ang helicopter ay nag-landing dito sa landing pad ng building. Kanina ay na-meet pa namin ang may-ari ng building na isa pala sa mga business partners ng Farquharson’s Company, isang chinese business tycoon. Nang maihanda na ang lahat ay tiningnan ako ni Audrei sa nagtatanong na tingin. “Are you ready to go home?” Hindi. Hindi naman talaga ako handa pero wala namang choice kundi ang sapilitan kong gustuhin. Kung kasama ko lang sana siya habang nasa poder ako ng pamilya ko ay mapapanatag pa ako, maluwag kong haharapin sila. “Yeah... I’m ready... Pero sana pagkahatid mo sa akin ay

