Chaper 104 Aki's POV Nakangiting ipinagapang ko ang mga mata ko paakyat sa malalaking letrang nakasulat sa bungad ng resort. Elara Sadira's Resort. Dahan-dahan kong pinakawalan ang ngiting nasa mga labi. Hindi ko lubos akalaing ito pala ang tunay kong pangalan, na sa akin ipinangalan ang resort na ito bilang alaala ng mga tunay kong magulang sa akin. Isa ito sa mga patunay na ni minsan ay hindi ako naibon sa limot ng pamilya ko. "Alam mo bang sa iyo nakapangalan ang resort na ito?" nakangiting wika ni Mama na nasa tabi ko na ngayon. "Literal na nakapangalan talaga sa iyo ito. Sa titulo ay pangalan mo rin ang nakasulat na may-ari ng property na ito." I turned to her. Daddy walked forward and put his arm around her waist. "Your mother is right, Elara Sadira..." emosyonal niyang sang-ayon

