Chapter 111 Aki's POV "Ah..." ang pinakamahabang alam kong naisigaw ko simula nang sumalang ako rito sa delivery room. Halos takasan na ako ng lakas at hangin sa ginagawa kong pag-iri. Naghalo-halo na ang mga pawis at mga luha sa mukha ko. Hindi na alam kung ano ang unang iindahing sakit sa katawan. Lahat naman ay masakit sa akin, pati puso ko ay tila nahiwa rin katulad ng parteng iyon sa gitna ko. Ang magluwal nang wala si Audrei sa tabi ko ang isa sa pinakamasasakit na naranasan ko sa buong buhay ko. Siyempre, numero uno pa rin ang pagkasaksi ko sa pagsabog ng sinasakyan niyang helicopter, ang pinapaniwalaan ng lahat na sanhi na rin ng pagkamatay niya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay naging manhid nang buo ang katawan ko. Kung hindi lang dahil sa umaabot hanggang butong hapdi at s

