Chapter 110 Aki's POV "Nasaan po sina Lolo?" nagdidikit ang mga kilay kong tanong kay Mama Cassandra. Busy ito sa paglalapag ng mga plates mesa. Hindi ako nakatulog nang maayos buong magdamag na wala si Audrei. May mga pagkakataong napapabangon ako at napapatingin sa labas ng bintana. Hinahanap sa dilim ang sagot sa mga nagpapagulo sa akin. Nasanay kasi akong pagkabungad ko rito sa dining room nang umaga ay kompleto ang pamilya. Hindi ka pa man nakararating sa mismong area ay naririnig mo na ang mga tawanan, hagikgikan at usapan ng mga ito. Pero ngayong araw ay may kakaiba kumpara sa nakalipas na mga linggong pananatili ko rito. Sobrang tahimik ng buong mansion ng mga dela Cueva. "Gising ka na pala, anak... Halika... Kumain ka na habang mainit pa ang mga pagkain. Saglit lang at tatawa

