Casandra Pov
"Goodmorning ma'am! Dito po ba ang shop ni Miss Casandra Rodrigez? " tanong nang isang dilivery boy na narinig ko mula sa labas nang shop dahil anduon si Au!
"Yes dito nga! Bakit? " rinig kong sagot naman ni Au sa dilivery boy! Kaya naman napasulyap pa ako sa gawi ni Au!
"Halika pasok ka! Anduon siya! " turo sa gawi ko ni Au kaya naman lumakad din ang lalaki papunta kung nasaan ako, medyo nakakonot noo pa ako kasi parang may bitbit siya!
"Goodmorming ma'am! Kayo po ba si Miss Casandra Rodrigez? " tanong saakin! Kaya sinagot ko naman siya nang may respeto.
"Yes ako nga! Goodmorning! " ganting bati ko at mukhang namula pa siya sa ngiti ko! Napailing nalang ako!
"Paki sign nalang po eto ma'am! Saka para po sa inyo! " sabay bigay saakin ang isang bouquet na red roses na ang dami dami!
"Kanino galing?? " takang tanong ko sa kanya at hindi pa ako naka sign mahirap na baka kanino pa nanggaling ang bulaklak na to!
"Eh ma'am, taga diliver lang po ako, hindi ko po kilala kung sino ang nagpa diliver basta po sumusunod lang ako sa utos sa nakatataas sa amin! " magalang naman na sagot saakin,
Kaya tinignan ko pa siya kung nagsasabi ba nang totoo! Pero napakamot lang siya sa ulo niya! "Paki pirma na po ma'am at itutuloy ko na po ang trabaho ko, dahil kung hindi niyo po to pipirmahan ma'am mababawasan po ang sahud ko! " sabi pa niya saakin na ikinalungkot nang mukha niya,
Kaya naman pinirmahan ko na, mukhang kawawa naman dahil isa lang siyang binatilyo ayun sa obserbasyon ko na nakikita ko sa kanya.
"Ok... Salamat hah! " sabi ko pa nung nakapirma na ako! "Salamat din po ma'am! " sagot din saakin at agad agad nang umalis, siya naman ang pagdating nang kaibigan ko saakin na akala mo may ginawa akong krimen sa mga titig niya!
"Oh! Bat ganyan ang tingin mo saakin? " tanong ko sa kanya pero tinignan pa ako mula ulo hangang paa! Kaya naman sa inis ko binato ko siya nang towel!
"Wow hah!! Mapanakit kana frenny hah!" Sagot pa saakin sabay pailing iling na akala mo isa siyang detective egent na ako ang suspect!
"Au!! Can you please stop!! " awat ko sa kanya, kasi naman paikot ikot pa saakin! Nahihilo talaga ako sa babaeng to!
"Freeny!! Sino nagbigay niyan sayo?? Ang alam ko wala ka naman boyfriend! Yun lang kung.......! " pagbibitin pa niya sa sasabihin niya saakin kaya sinamaan ko siya nang tingin!
"Kung??? " nakataas kilay kong tanong sa kanya dahil may pabitin bitin pa siyang nalalaman!
"Kung may boyfriend kang hindi sinasabi saakin!! OMG!!!! It is true??? " bulalas pa niya na akala mo naman nakakabigla bwisit talaga ang babaeng to ang OA din!
"Tumigil ka nga!! Papaano naman ako magkaka boyfriend! Kapag may nanliligaw saakin bigla bigla nalang naglalaho na parang bola! Alam mo yan diba? "Tugon ko sa kanya na bigla na naman siyang nag isip!
Oo, maganda nga daw ako, according to my mom! Pero bakit ganun wala manlang manligaw saakin! Meron naman nuon yung iba nga staff sa companya ni daddy! Kaso sa sumunod na araw bigla nalang silang naglalaho!
"Oo nga noh! Wala naman problema sayo freeny, isa pa maganda ka naman! Yun lang mas maganda kalang nang dalawang liguan saakin!" sagot pa niya saakin kaya hindi ko na mapigilan ang mapabungisngis! Akala ko pa naman seryoso na ang kaibigan ko!
"Tseeee!! Kahit kailan talaga hindi ka talaga matinong kausap babaita ka!! " sigaw ko sa kanya at siya naman ang napabungisngis! Pero sumeryoso na naman ang mukha!
"Pero bessh! Alam mo nakapagtataka talaga eh! Bigla bigla nalang may nagbibigay sayo nang flower, saka tignan mo oh! Hindi basta basta na shop eto besshy! " bulalas pa saakin, para saakin kasi wala naman akong pakialam kung saan nanggaling ang bulalak, etong kaibigan ko lang talaga ang maraming alam!
"Ewan ko!! Kung gusto mo sayo na! " bigay ko pa sa kanya at umiling din naman! " sorry besshy pero ayaw ko! Baka mamaya killer ang may bigay niyan! Panakot pa saakin kaya naman binato ko sa kanya ang flower!
"Kahit kailan talaga panira ka!! Kung killer pala ang may ari neto di itapon ko na! " sabi ko pa sabay tapon sana sa basurahan nang biglang dumating ang tatlong lalaki na nakita namin kamakailan lang sa restaurant!
At hindi nakaligtas sa kanilang pagkagulat saakin nang nasa ere ang bulaklak na hawak hawak ko na itatapon ko sana sa basurahan!
"Oh uh!!! Mukhang wrong tyming kami sa pasok Miss Rodrigez?? " si Jade ang unang nagsalita!
"Goodmorning Ladies!! " si Lexter naman ang bumati!
"Hi....! " tipid naman na bati ni Franco saamin, ano kaya ang ginagawa nang mga hinayupak na to! Matapos nilang bastusin sa harapan ko ang pinakakamahal kong kuya!
"Anong ginagawa niyo dito?? " pasuplada kong tanong sa kanilang tatlo! Dahil ayun sa kuya ko kailangan kong layuan ang mga to! Syempre paniniwalaan ko ang kapatid ko.
"Ows!!! Mukhang masama ang araw mo ngayon Miss Rodrigez! Ganda nang flower hah" sabay sabi pa ni Franco! Kaya naman tinapon ko na sa basurahan at lahat sila napa nga nga pa sa ginawa ko! Isa na ang kaibigan ko!
"Hindi ko alam kung saan nanggaling yan, aba malay ko kung killer pala! " sagot ko sa kanila na kahit naman hindi nila ako tinatanong! At nagulat pa ako dahil napahalakhak lang silang tatlo!
"Hahahahahhj! Kakaiba ka talaga Miss Rodrigez!! Bilib ako sayo! " bulalas ni Jade saakin sabay hawak pa sa tiyan na dahil hindi matapos tapos sa pagtawa! Eh wala naman nakakatawa sa ginawa ko!
"So, honestly!!! Bakit nga ba kayo andito?? " tanong ko ulit at isa isa na silang nagseryoso sa kanilang mga mukha!
"We are here! Because We just want to say SORRY about what happened 3 days ago Miss Rodrigez! " si Lexter ang unang nagsalita! Kaya naman nagulat pa ako!
Mukha naman kasi silang mababait! Ewan ba kung bakit ganun ang asta nila sa kapatid ko, eh mula bata ako kilala ko na ang kuya ko!
"Wala naman kayong kasalanan saakin, sa kuya ko meron!! " sagot ko sa kanila at hindi nakaligtas saakin ang pag igting nang kanilang panga na para bang ay nagawang krimen ang kuya o nagawang kasalanan??
"I'm sorry Miss Rodrigez pero siguro saamin nalang yun, kung baga ba usapang lalaki! " paglilinaw naman ni Franco saakin! At sumang ayun naman ang dalawa, samantalang si Au naka nga nga sa tatlong lalaking kaharap namin ngayon! Kaya siniko ko siya!
"Ouch.... Naman!!! " pairap niya saakin kasi naman kung maka nganga wagas, tapos kung makatingin kay Lexter kulang nalang tumulo na laway niya!
"Ok! Kung yan ang sabi niyo! Kung sabagay hindi ko naman talaga alam ang nangyayari sa inyong lahat! And I'm sorry too sa inasta ko noon! " paghingi ko din nang paumanhin!
"Apology accepted Miss Rodrigez! And thankyou somuch! By the way! We need to go! And pasyensya kana sa abala! " sabaysabay pa nilang paalam saakin, kaya naman nagpaalam na din ako!
"Ok! Bye! " paalam ko din sa kanila pero tumigil sila sa pagtayo! Parang may gusto pa silang sabihin saakin,
"And about this!! " si Jade ang unang nagsalita sabay lahad ang cheque na sinuli ko noon, "you know what Miss Rodrigez, hindi kami sanay na binabalik saamin ang isang binigay na namin! Kaya nasayo na kung itatapon mo o punitin mo yan! " sabi ni Franco at iniwan na nalang nila ang cheque sa mesa tapos umalis na!
"Napanga nga nalang kami ni Au sa asta nang tatlong nag gwagwapohang lalaki na kanina lang kausap ko!
"OMG my besshy!!! Itatapon daw o pupunitin! Hati na tayo daliiiii! " tili pa niya kaya sinamaan ko siya nang tingin! At napabungisngis naman
"Jowk lang besshy kaw naman seryoso mo talagang tao noh! " bulalas niya saakin, pero naguguluhan talaga ako sa tatlong yun!
Kung sabagay mga Billionaryo silang lahat, according to my research. At ang pinakamayan sa kanilang apat ay walang iba kundi ang mayabang na simpatiko na si Marco Altamerano dahil saan man sulok nang bansa meron siyang mga branches nang kanyang companya!
"Grabeee talaga besshy, kung magtapon sila nang pera parang barya lang sa kanila ang 300thousand mygosh! "Bulalas na naman ang aking kaibigan,
"Oo nga eh!! Kung makatulong lang sana eto sa companya namin di sana tapos na ang problema! " hindi ko mapigilan na bulalas sa kaibigan ko, total hindi na siya iba saakin at nakwento ko din ang nangyari sa company ni Daddy!
"Yaan mo na bessy, ano kaya kung hingi ka nang tulong kay fafa Marco besshy diba mayaman siya, o di kaya naman sa tatlong kaalis lang! " suggest pa saakin na akala mo naman ganun kadali ang sinabi niya eh hindi ko nga close ang apat na yun! Kaya naman pinalo ko siya!
"Bakit?? Kilala ko ba mga yun! Ni hindi ko nga sila kaibigan sira ka talaga noh! " bulyaw ko pa sa kanya at napa peace of sign pa siya saakin sabay bungisngis!
"Sorry na besshy kaw naman, baka lang makalusot malay natin diba? " dagdag pa niya kaya naman binato ko na siya nang ballpen at umalis na sa harap ko, sakto naman na may pumasok na customer.
" Sira ulo talaga siya! " kausap ko sa sarili ko! Tatlong araw na rin ang nakaraan mula umalis si kuya papuntang U. S meron daw siyang importeng gagawin, maraming bilin pa saakin bago siya umalis nuon dahil hinatid pa namin siya sa Airport, mas malala pa siya kay daddy!
"Ikaw cassy hah!! Bata kapa wala munang boyfriend, at kung meron manligaw sayo dumaan muna saakin, o kaya naman kay dad, maliwanag?? " saka wag ka masyado lumalapit sa mga taong nakita mo nuon sa restaurant, iwasan mo sila kapag lalapitan ka! " kabilin bilinan pa niya saakin nang paulit ulit!
Kaya tumango lang ako noon, dahil mas malala pa talaga siya kay daddy! Napapailing na din sila mom at dady nuon! "How about me kuya I have Suitor's already!! " sabi pa nang bunso namin na ikinatawa namin lahat! 7yrds /old palang pero parang lumalandi na!
"Hoy ikaw bubwit!! May gatas kapa sa labi! Suitor's suitor ka diyan!! Halika nga dito! " sabi ni kuya sabay kiliti sa bunso namin noon, kaya naman puro halakhak at masayang araw na yun bago umalis si kuya! Kaya kahit magkahiwa hiwalay kami masaya naman ang nangyari!
Tinignan ko ang wristwatch ko, hapon na naman pala! Kaya naman tinawag ko pa si Au!
"Au meryenda tayo!! " sigaw ko sa kanya at lumapit naman siya na may bitbit na naka box na pagkain?? Bumili ba siya? Mga tanong ko sa sarili ko.
"Naku besshy! May nagpadiliver nang pagkain sayo! mukhang masarap siya oh! " sabi saakin na para bang gusto na niyang buksan kaya tinipa ko siya!
"Teka nga!! Saakin? " turo ko pa sa sarili ko at tumango tango naman siya! Kaya medyo nagtaka pa ako dahil hindi naman ako nag o order online!
"Eto oh! To Miss Casandra Rodrigez! " basa pa niya sa papel na naksulat kaya naman kinuha ko ang papel! At oo nga pangalan ko nga ang andoon.
"Sigurado ka hindi mo inorder to besshy?? " may pagtatakang tanong pa nang kaibigan ko saakin,
"Oo nga! Bat naman ako mag oorder nang pagkain eh kaharap lang natin ang canteen diba? " sagot ko naman kaya napatango naman siya, isa pa mukhang mamahalin ang pagkain, eh parehas kami netong matipid sa pera!
"Oo nga bess! Saka tignan mo tong pagkain mukhang mamahalin! Sigurado ako na pang isang buwan natin badget tong order na to! " bulalas pa saakin,
Oo kahit sabihin pa na hindi kami krisis marunong talaga kaming maghawak nang pera, kaya nga naka renta kami nang shop kung saan kami ngayon nagtitinda.
"So, ano gagawin natin diyan? Baka may lason mamatay tayo? " panakot ko sa kanya katulad nang panakot niya saakin kanina sa flower! Kaya naman tinapon ko!
"Sus ateng nasasayangan ka sa flower? " sigaw nang kabilang isip ko kaya napiling nalang ako kung ano ano pumapasok sa utak ko!
"Wag besshy! Mukhang masarap! Kung ayaw mong kainin ako nalang kakain, total kung may lason eto ako una mamatay hindi ikaw! " sagot pa saakin na nakangisi! Kaya binatukan ko siya
"Alam mo ikaw!! Kung pagkain talaga ang bilis mo! Takaw mo grabeee!! " hindi ko makapaniwalang bulalas sa kanya at natawa lang siya!!
"Halika na kain na tayo besshy dali!! " aya pa saakin ang bilis niya talaga kapag pagkain ang pinag uusapan! Hindi naman siya tumataba, kung sabagay magkaparehas pala kami!
Habang masarap kaming kumakain, nararamdaman ko na parang may nakatitig saamin, partikular saakin kaya naman napaangat pa ako nang ulo at ganun nalang ang gulat ko!
Isang nakangising gwapong nilalang na hulog nang langit at nakatitig saakin na para bang tuwang tuwa sa nakikita niya!
"s**t talaga! Parang patay gutom ang lagay ko neto! " kausap ko pa sa sarili ko!