Casandra Pov!
"s**t!!! " sigaw ni kuya at bigla nalang siya napa preno! Dahil may pumagitna na sasakyan sa line niya! Pero mabilis na umalis ang sasakyan na hindi ko manlang napansin dahil napasubsub pa ako sa harapan.
"Sumubra kana talaga gago ka!! " mga mura ni kuya na mahina lang pero umabot naman sa pandinig ko!
"Kuya kilala mo ba yun?" tanong ko sa kanya! Pero hinarap lang ako at pinagpatuloy pa niya ang pagmamaneho,
Hindi na ako nangulit pa kasi nag iigtingan na ang kanyang mga panga sa galit! Naguguluhan man ako pero tumahimik nalang ako!
Habang nasa byahe kami nang kuya ko, pareho lang kaming tahimik, at rinig kong tumunog na naman ang selfone niya!
"Yes hello!! " sagot niya sa caller niya, pero napakonot pa siya nang noo! Kaya hindi ko maiwasan ang hindi magtaka!
"What??? " sino nagpatawag nang meeting nang wala ako!!! " sigaw niya sa kausap niya siguro mga tauhan sa company, si kuya kasi ang President habang si daddy ang CEO!
"Sabihin mo sa kanila, I dismiss nila ang meeting na wala ako!!! " galit na sagot niya sa kausap niya! At pinatay na ang tawag!
"Cassy I need to go to the office, mukhang dederetso na ako duon! " sabi pa saakin na sinulyapan ako saglit,
"It's ok kuya! Sasama na ako sayo! " sagot ko naman at tinignan ko ang oras, may office ba sa ganitong time!
"Kuya! May tao paba sa company sa ganitong oras? " takang tanong ko sa kanya!
"Suppose to be,No! Pero may epal na sumasabutahe sa companya natin Cassy!" sagot nang kuya ko saakin,
Sinasabi ko na nga ba eh! May nangyayari sa company namin! Kaya naman hinarap ko si kuya na may pagtatanong sa mata ko!
At napalalim lang siya nang hinga, at seryoso na naman sa pagmamaneho!
"Kuya wag mong bilisan ang pagmamaneho! Baka madisgrasya pa tayo! " sabi ko sa kanya na mahinaon! Dahil kulang nalang lumipad na ang sasakyan namin!
Buti naman at binagalan niya ang patakbo sa sasakyan niya, kaya nakahinga ako nang maluwag! Pero nag iigting parin siya sa galit!
"Cassy, kahit anong mangyari itago mo to! " sabay bigay saakin nang isang flashdrive, nagtaka pa ako at hinarap ko siya,
"No need to ask!! Just do what I said!! Kahit anong mangyari wag na wag mong ibibigay kahit kanino yan! Maliwanag ba?? " bilin pa saakin na akala mo napaka importante ang binigay niya,
"Kuya!! " yun lang ang lumabas sa bibig ko dahil nahihiwagaan ako sa kapatid ko, ngayon lang kasi naman nagpatago nag isang bagay at parang importante pa sa kanya!
"Don't worry about me!! Basta ipangako mo saakin na wag mong hahayaan na aapihin ka kahit kanino lalo na kapag nawala na ako! " sabi pa niya na parang kinurot ang puso ko!
"Kuya ano bang pinagsasabi mo! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo! Hindi ka naman aalis diba? " naluluha kong tugon sa kanya!
"Silly! Ofcourse not! Bat naman ako mawawala, sira ka talaga!! " sagot niya saakin na pinasigla na niya ang boses niya! Sabay gulo pa sa buhok ko!
"Kuya naman eh!! Bat mo ba ginulo ang buhok ko! " reklamo ko pa sa kanya! At tumawa lang naman siya! Ang tagal ko din nakita na tumawa ang kuya ko! Mula nang araw na pumasok ako sa kwarto niya kasama ang babae sa luob noon na dahilan para magalit siya saakin!
"Namiss lang kita Cassy!! " sabi niya saakin na nalungkot na naman ang mukha niya! Kaya naman hindi ko talaga maialis ang pagtataka sa kanyang ina akto!
Sa wakas nakarating na kami sa companya nang daddy ko! Agad agad naman na lumabas ang kuya ko! At sinundan ko nalang siya dahil nagmamadali talaga siya!
"Good afternoon sir! Nasa metting na po silang lahat nagpatawag po si Mr. CEO nang emergency meeting sir! " agad na sabi nang kung hindi ako nagkakamali baka secretary nang kuya ko ang babae!
Kaya naman dali dali ang kuya ko na pumasok sa luob! Ako naman naiwan sa labas na parang tanga! Buti nalang at kinausap ako nang secretary niya!
"Ma'am kung gusto niyo maghintay nalang kayo sa office ni Sir! " sabi pa saakin nang babae, kaya naman sinagot ko siya,
"No! Pwede mo ba ako samahan kung saan ang office nang daddy ko? " inbis na sagot ko sa kanya, kasi bata palang ako noong last na bisita ko sa companya ni daddy. kaya halos walang nakakilala saakin,
At nagulat pa ata nang babae saakin dahil sa sagot ko! Kung sabagay sino ba ang mag aakala na anak ako nang may ari nang companya na eto!
"Anak po kayo ni Mr. CEO ma'am? Ibig sabihin kapatid nyo po ang President? Naku po ma'am sorry hindi ko po alam! " nahihiya niyang pahayag saakin,
"No! I mean Its ok Miss! Hindi naman ako parti sa company na to! " sagot ko na nakangiti pa sa kanya kaya naman medyo nagliwanag ang mukha niya na kanina lang nag aalala na!
"Naku ma'am! Ang bait niyo po pala! Halina kayo ma'am ako na maghahatid sa inyo sa office nang CEO." sagot pa niya na nakangiti
Kaya naman sumunod narin ako sa kanya at nakangiti din ako! Pero hindi nakaligtas saakin ang isang pigura na parang nakatingin saakin pagtingin ko kung saan yun bigla nalang nawala! Kaya naman nagkibit balikat nalang ako,
"Dito po ma'am! Pasok po kayo! " anyaya pa niya sakin, kaya naman nagpasalamat pa ako!
"Thank you! Pwede mo na akong iwan,pakisabi nalang sa kapatid at daddy ko na andito ako sa office niya! " bilin ko pa sa kanya na nakangiti.
"Yes ma'am! Makakaasa po kayo! Any drinks you want ma'am? "Pahabol pa niya pero umiling lang ako!
"No need thanks!! " nakangiti kong sagot sa kanya, kaya naman umalis na siya, uupo na san ako nang makapa ko ang flashdrive na bigay nang kuya ko saakin kanina, kaya naman tinago ko na sa luob nang secret poket nang shoulder bag ko,
Habang hinhintay ko silang matapos ang metting nila, nag ikot ikot ako sa luob nang office ni papa! Hindi naman malaki ang office ni papa at hindi rin maliit, kung baga sakto lang!
Saka ang pagkakaalam ko, hindi naman ang companya niya ang malaki, kumpara sa mga companya nang mga billionaryo katulad ni Marco!
Pero napailing ako! "Bakit nasali siya sa isip ko? " kausap ko pa sa sarili ko, "erase, erase erase!! Utos ko pa sa sarili ko na para na akong temang!
Siya naman angpag blag nang pintuan na kinagulat ko pa! Dahil pumasok lang naman ang daddy at kuya ko na parang gusto nang sumugod sa subrang galit!
"Blag!!! "
"Really dad!! Papayag kayo nag maghari hari ang Altameranong yun? " galit na sabi ni kuya kay daddy! At si daddy naman mahinaon lang,
"Anak we don't have any choices! As you see! Lugi na ang company natin! "Mahinaon na sagot ni daddy kay kuya!
"Hindi dad! Plinano niya lahat to! Alam niyo niyan hindi ba!! " sagot na naman nang kuya ko!
"Anak, wala naman mawawala sa companya sa kanya lang naman ang kalahating share! Ikaw parin naman ang magiging CEO dahil ililipat ko sayo ang pangalan ko " mahinaon parin na sagot ni dad sa kapatid ko,
"Pero dad!! " si kuya na na mahinaon na ang boses na para bang may awa sa kanyang mga mata na nakatitig kay daddy, ako naman nakikinig parin sa kanila na para bang hindi nila ako nakikita,
"Anak matanda na ako! Gusto ko narin magpahinga, kaya pinapaubaya ko nalang sayo ang lahat! " si daddy na mahinaon parin,
"Ehem! Baka gusto niyo ako pansinin na andito ako, kung hindi uuwi na ako!! " sabi ko sa kanila na ikinagulat pa nila especially kay daddy!
"Cassy you here anak?? " gulat pa niyang tanong saakin sabay yakap na rin at halik!
"Yes po daddy! Kanina pa po pero hindi niyo ako napansin nakakatampo kayu hah! " kunwari kong tampo sa kanya at tumawa lang naman si dad!
"Sinong kasama mo na pumunta dito anak? " takang tanong pa niya saakin, sasagutin ko na sana siya pero si kuya na ang sumabat!
"I'm with her dad! Iniwan ko siya kanina hindi ko alam na dito pala dumeretso! " sagot ni kuya
"Oh! Ganun ba anak! So, sabay sabay na tayong uuwi? " tanong pa ni daddy saamin habang palipat lipat nang tingin saaming dalawa ni kuya!
"Do we have choices daddy? " biro ko naman na sagot at napahalaklak pa ang ama ko at pati si kuya napailing iling pa at napapangiti na rin, kanina lang seryoso pa siya!
"So, shall we?? " aya pa saamin ni daddy kaya naman napasunod narin kami nang kuya ko sa kanya! At sabay sabay na kaming lumabass sa opisina niya!
Nagsi batian pa ang mga employee sa daddy at kuya ko, nakikita ko din naman na may respeto sila sa mga kasama ko! Kaya naman ngitian ko din sila!
"Bye Mr. CEO, Mr. President, bye ma'am!! Bati nang mga imployee sa kanila, at saakin nginitian sila ni dady pero si kuya as usual seryoso ang mukha! Kaya naman nginitian ko nalang sila!
Ririg ko paang bulungan nila sa mga staff na mukhang nag overtime din dahil sa biglaang metting kanina,
"Alam mo! Ang bait nang CEO natin noh! Pero grabeee talaga si Mr.Altamerano pero hot niya hah! " sabi nang isang babae!
"Wala parin tatalo sa President natin noh! Tignan mo siya kahit seryoso ang hot at grabee ang gwapo!! " dagdag naman nang isa kaya hindi ko mapigilan ang hindi mapabungisngis!
Sabay tingala sa kuya ko na napakonot noo pa sa itsura ko! Kaya hindi ko talaga mapigilan ang mapabungisngis!
"Kuya pogi ka daw sabi nila! " bulong ko sa kanya at tinignan lang ako nang seryoso at sumagot naman!
"I know! " maikli niyang sagot na seryoso parin! Kaya hindi ko mapigilan ang hindi magreklamo!!
"Ang yabang niya dad!! " reklamo ko sa daddy ko! Pero si daddy tumawa lang!
"Mana kayo lang saakin kaya tumigil na kayong dalawa! " sita ni daddy saamin kaya naman masaya kami na lumabas na sa companya at sumakay na sa kotse niya!
Pero parang may nakamasid saamin na hindi ko maintidihan, parang kinakabahan ako na ewan, tumingin naman ako sa paligid pero wala naman akong nakita,
"Are you oka anak? " tanong ni Daddy saakn
"Yes dad! I'm ok! " sagot ko naman na nakangiti, at si kuya siya na ang nag presenta na mag drive kasi si mang celso pina una na ni daddy na umuwi.