Dating Mr. Conceited [80]

2972 Words

CHAPTER 69.5 Bridget’s POV Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, ay hindi na rin nagsalita ang nars. Sinara na lang niya ang pinto, nang nasa labas pa siya. Kaya kaming dalawa na lang talaga ni Luke ang naiwan dito ngayon sa loob ng kuwarto. Nakatalikod sa akin si Luke, kaya hindi pa rin niya ako nakikita. Pero narinig na naman siguro niya ang pagtunog ng pinto nang maisara ito. Ramdam na rin naman niya yata na nandito na ako, since ako lang naman ang pinatawag niya dito… “*Ehem*” Ako na ang unang nagbigay ng sign na nandito na ako. “Bakit ngayon ka lang.” Halata sa boses niya ang pagkaseryoso. Humarap din naman kaagad siya sa akin. Napaayos ako ng upo. Ang seryoso na ng tingin niya sa akin. Panigurado, galit na talaga siya. Baka nga kanina pang pagkagising niya, nang malaman niyang um

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD