CHAPTER 69 Bridget’s POV *DING DONG!* Pinindot ko na ang doorbell dito sa bahay nila Luke. Hindi na ako nagpaabala pang sunduin ako ng barkada sa bahay namin. Siyempre, ayoko namang magpadagdag hassle sa kanila. Buti na lang at nagising din ako kaagad sa alarm clock ng phone ko. Tinatamad pa talaga akong bumangon kanina, dahil gusto pa ng katawan kong matulog. Pagod na pagod talaga ako… Pero dahil nga naalala kong may mahalaga pa pala akong lakad, napakilos naman ako kaagad. Bumukas na ang gate, “There you are, sweetie!” Sinalubong kaagad ako ng isang mahigpit na yakap ni Tita, at halik sa pisngi, “Halika, pasok ka…” Pagyaya niya sa akin sa loob. Pumasok na ako dito sa bahay nila. Maraming mga balloons ang nakalutang sa ere. Anong mayroon? Heto na ba ang handa nila para sa pag-alis nil

