CHAPTER 68 Drew’s POV “Pauwi na raw sila!” Sabi sa amin ni Dezza habang binabasa niya ang text sa phone niya. Baka ang Mommy ni Luke ang katext niya. “Ayun! Tamang-tama lang pala ang pagpunta natin nang maaga dito.” Pumapalakpak nang medyo light si Pam. “Excited ka nang makita siya?” Tanong ng manliligaw niyang si Jiro sa kanya. Nagseselos na naman 'to kay Luke, panigurado. “Huh? O-oo naman! Siyempre, bukas na kaya ang alis niya.” “Baka may mas malalim ka pang irarason dun?” Taas kilay na tanong ni Jiro. “Eh ano pa bang gusto mo?” Halata sa mukha ni Pam na nalilito siya sa tanong ni Jiro. Ang slow talaga nitong kapatid ko. Hindi man lang nagmana sa angking talino ko gamit ang common sense ko. “Wala.” Heto na lang ang naisagot ni Jiro. Kailangan lang niyang intindihin na ganyan ang

