CHAPTER 67 Luke’s POV Nang magising muli ako, tiningnan ko kaagad ang orasan na nakasabit sa taas ng pinto. 7:15 AM na pala. Ang pagkakaalala ko lang kanina, ay nagising ako kaninang medaling araw pero kaagad din naman akong nakatulog. Marahil siguro dahil din sa mga pinapainom sa aking mga gamot, kaya ganun na lang ako kaantok. Nag-inat inat ako ngayon dito. Feeling ko, ay parang nabugbog nang sobra ang katawan ko sa kakatulog. Mahirap din pala ang tulog nang tulog. Naalala ko lang din kanina, na sabi ni Mommy ay halos magdadalawang araw rin akong nakaratay ngayon dito sa ospital. Grabe, kinaya ko 'yun? Bumangon ka agad ako. Hindi ko na kaya pa ang matulog nang matulog. Lunod na ako sa pahinga, sobra sobra na. Pinindot ko kaagad ang button para may lumapit na nars o doktor dito. Hin

