CHAPTER 55 Bridget's POV "It's okay, dear. 'Wag ka nang masiyadong kabahan, and don't blame yourself about what happened to our son. Common lang yata ang mga ganyang pangyayari pag may sakit ang isang pasiyente." Sabi sa akin ng mommy ni Luke. Kagagaling ko lang din sa pag-iyak, dahil talagang sobrang kinabahan ako dun sa nangyari kay Luke. Buti nga at nakaget over na ako KAHIT PAPAANO sa nangyari kanina kay Luke. Mas O.A pa nga yata ang inasta ko, kaysa sa mga magulang nila Luke. Nakakahiya tuloy. "Opo, tita Grace. Pasensiya na po kung naging ganito ako ka-O.A." Sabi ko sa kanya. Ang daddy kasi ni Luke, ay nandun sa may counter ng ospital. Mukhang inaasikaso na nga nila ang operasiyon ni Luke. Hay. Ayoko nga munang isipin 'yun. Nakakapanlambot lang. Saka na pag gising na si Luke. "It

