CHAPTER 56 Bridget's POV "Mommy, ilabas niyo na nga sabi ako dito. Tsk." Nandito pa lang ako sa labas ng room ni Luke, ay rinig na rinig ko na ang mga sigaw niya nang makapasok agad si Tita Grace sa kuwarto niya. Malakas talaga ang boses niya, at halatang ayaw niya doon sa loob ng kuwartong 'yun. Namiss ko 'yang boses niya. Pero hindi 'yan ang gusto kong tono ng pananalita niya. Ilang araw siyang nakatulog, walang malay sa loob ng kuwartong 'yan, tapos pagkagising na pagkagising niya ay bigla siyang magpapauwi na parang wala lang? Kinakabahan tuloy ako. "You're not yet allowed to go out, dear. Ang sabi ng doktor, once na magising ka, they will still need to observe you. 'Wag kang magmadaling magpalabas diyan, mag-iistay ka dito kahit mga two or more days pa." Narinig kong paliwanag ni

