CHAPTER 57 Bridget's POV "Tita, ayaw niya po talaga. Kanina ko pa siya pinipilit, pero hindi naman niya ako pinapansin." Sabi ko kila Tita Grace at Tito Daryll. Kani-kanina lang ako nakalabas, at hanggang ngayon ay pilit ko pa ring pinapaintindi sa kanila na ayaw talaga ni Luke na mapapayag magpaopera. "Bakit ba kasi ayaw niya. Tsk. Hindi naman puwede 'yun." Sabi ni Tito habang hawak ang noo niya at para bang pipigain na niya ang ulo niya sa kakaisip sa matigas na ulo niyang anak. Hinimas lang nang hinimas ni Tita ang likod ni Tito, "Alam mo naman 'yang si Luke. Matigas talaga ang ulo niyan, nagmana ba naman sa 'yo eh." Nakuha pang magbiro ni Tita kaya natawa nalang ako nang marahan pero sa loob lang naman ng isip ko. "Sa akin daw. Sa 'yo kaya." Pagsagot ni Tito pabalik kay Tita. Naka

