CHAPTER 58 Bridget's POV Ilang araw nang nag-iiiyak sila Tita dito. At ako naman, medyo napapatagal na ang mga oras sa araw araw na pag-iistay ko dito. Minsan nga ay naga-out agad ako sa school kahit hindi pa dismissal eh. Bakit? Dahil minsan daw ay kailangan daw ako ni Luke, hindi niya raw iniinum ang mga gamot niya hangga't wala pa raw ako sa tabi niya. Kaya naman napapapunta agad ako kahit wala sa oras. Kaya ngayong Sabado, pinapunta ko muna si Drew. Kahit siya nalang muna dahil mukhang busy rin sila Cayden dahil may project daw talaga kami na kailangan na raw ipasa next week. Eh 'yung mga 'yun pa naman, kung kailan last minute saka gumagawa. Pero mukhang hindi pa naman last minute ngayon dahil mayroon pa naman silang mahaba-habang oras para gawin pa 'yun. Ako, ihahapit ko nalang si

