CHAPTER 59 Bridget's POV "Hindi ba pupunta ngayon ang kaibigan mong si Drew? Ang laki talaga ng naitulong niya sa amin, lalong-lalo na kay Luke." Hinawakan pa ni Tita ang kamay ko habang sinasabi niya 'yan nang nakangiti pa. Tama kayo, si Drew talaga ang nagpakumbinsi kay Luke para pumayag siyang magpaopera sa ibang bansa. Sa lagay ko naman, hindi ko alam kung masasayahan ba ako dahil talagang gagaling na si Luke diyan sa sakit niya, o at the same time ay malulungkot dahil malalayo siya sa akin, at posible nga talaga ang mangyayaring consenquence na mawawala ang alaala niya pagkatapos niya magpaopera. Haaay. "Hindi na raw po siya makakapunta, tita. Sabi niya raw po ay may importanteng pupuntahan daw po silang pamilya, saktong pagkatapos nga po namin ng aming klase. Bibisita nalang daw

