CHAPTER 60 Bridget's POV Kanina pa ako nakatitig sa phone ko at nagdadalawang isip pa ako kung itetext ko ba si Drew... Gusto ko sana, kahapon ko pa talaga gustong-gusto. Pero may parang pumipigil sa akin upang gawin ko 'yun. Nakakaramdam ako ng hiya at hindi ko talaga alam kung bakit. "Okay ka lang ba talaga, Gitte?" Kanina pa nagpapaulit-ulit na tanong sa akin si Luce dito. Wala pa kasi si Cayd, kaya ito pa lang ngayon ang nangungulit sa akin. Wala pa rin naman si Drew, pumapasok ng maaga 'yun ah. Pero ngayon, bakit hindi kaya siya maaga at bakit wala pa siya? Napakurap ako nang ilang beses at tiningnan ko siya, "A-ako? Oo n-naman..." at saka inayos ko ang pagkakaupo ko dito. "Seryoso ka? Parang hindi ka talaga okay eh." "O-okay lang ako ah... 'Wag mo akong alalahanin." Pagdedeny k

