CHAPTER 62 Bridget's POV "Sana lagi mo akong pinaglulutuan 'no?" Sabi ni Luke matapos niyang sumubo ng iniluto kong bilu-bilo. Hinaplos ko ang buhok niya, "Lagi naman kitang pinaglulutuan ah? Araw araw pa nga eh." Nakangiti kong sabi. Nasa kuwarto niya kami ngayon. Kaming dalawa lang. Lagi naman nandito si Luke sa kuwarto niya eh. Pati sa pagkain niya, nandito lang siya sa kuwarto niya. Tumatayo na nga lang yata siya kapag magsi-CR siya eh. Pero hindi naman natin siya masisisi sa lagay niya, dahil kahit siya naman kasi ay ayaw naman niya na lagi nalang daw ganun. Pero kasi, kailangan niya laging ganyan. Kahit ngayon lang. Para rin sa ikabubuti niya. "Okay nga 'to eh. Edi parang asawa na rin kita." Pinalo ko siya ng mahina. Naisip niya talaga 'yun ah? "Ikaw talaga..." "Oh ano? Ayaw m

