CHAPTER 63 Pamela's POV Nakakaawa pala talaga ang lagay ngayon ni Luke. At siyempre, sa mga pinagdadaanan din ngayon ng pamilya niya at ni Ate Gitte. Talaga ngang hindi pala basta-basta ang sakit ni Luke. Tinanong ko rin kasi kay Kuya kung ano nga ba ang sagot nito, hindi ko na sinubukan pang intindihin dahil sa pronunciation at spelling pa lang yata ay talagang magulo nang pakinggan. Paano pa kaya kung alamin ko kung anong mayroon sa sakit na 'yan. Binalik muna kaagad si Luke sa ospital dahil nawalan na nga siya ng malay. Kasama doon sila Ate Gitte, ang pamilya nila Luke, at sumama na rin sila Kuya at Kuya Luce. Kaya kami lang nila Jiro, ate Dezza at Kuya Cayd ang naiwan dito sa bahay nila Luke. Mas pinili nalang naming dito nalang maghantay sa kanila sa bahay, dahil parang ayoko ring

