CHAPTER 51 Bridget's POV "Drew, ano? Kamusta na 'yang kapatid mo? Manunuod ba siya sa laban mo... o si Luke ang papanuorin niya?" Tanong ko kay Drew, habang nakaupo lang naman kami dito. Kasalukuyan kasing hinahantay ng mga players dito ang pagdating ng mga taga-Forestwood. Maya-maya raw kasi, ay dadating na raw ang mga 'yun, kasama yata ang buong batalyon ng mga estudyante nila dun. Ako ang kinakabahan para sa kanila eh. Tumawa si Drew, "Hindi siya manunuod. Hindi ko nga ba maintindihan dun kay Pam kung broken hearted pa talaga siya diyan kay Captain, at kung galit pa talaga siya sa 'yo eh. Hindi ko na kasi siya madalas nakakausap tungkol sa inyong dalawa. Mukhang ayaw na rin naman niyang marinig pa ang mga pagkukwento ko. At baka umiyak na naman 'yun. Haha." Pagbibiro pa ni Drew. I j

