CHAPTER 52 Bridget's POV Nagsisimula na ang game. At talagang sobrang nakakasuspense talaga ang laban na 'to. Kada score ng Forestwood players, may mga pangcheer sila nang sobrang malalakas, mahahaba at maiingay. Masakit talaga sa tainga. Hindi ko ba alam kung nananadya sila, o kung ano lang. Basta nakakainis talaga ang pagtatambol at pagdadrums nila eh. Wala sa beat. Pag kami naman ang nakakascore, hindi rin siyempre nagpapatalo ang pagchecheer namin, at pagtatambol. Parang tulad din dun sa mga Forestwood students, na bigay todo ang pagchecheer sa bawat iskor na maipapasok. Lalo na rin pag hawak ng isa sa mga players namin, o kaya nila, dun din nagtatalunan sa mga pagchecheer. "GO BABY! HWOOOH! GO DREW CHRIS DALTON! 'YUNG NAKA-15! WHOOOOH! DALTON FIFTEEN! I LOVE YOU SO MUCH! KAYANG-KAY

