CHAPTER 43.5 Bridget's POV "Daddy, okay lang ba talaga sa 'yo?" Kanina ko pa inuulit-ulit ang tanong ko kung talagang okay lang ba sa kanilang may manliligaw na ako, o kung sasagutin ko man sila Luke, eh payag sa kanila... Sa kanya. "Oo naman. Proud nga ako, dahil akala namin, hindi ka na magkakaro'n ng interes pa sa iba't-ibang lalaki. Jackpot pa, dahil ang anak ng Dean ang napili mo." Sagot naman sa akin ni Daddy habang nagpapahangin sa tapat ng electric fan. Wow. So napatunayan ko ngang hindi galit 'tong si Daddy. Yeeey! 'Yun naman pala eh. Ang saya saya tuloy. Yiee. "Thank you daddy ha. Akala ko kasi, magagalit ka..." "Gusto mo raw siya sabi ng mommy mo ha. Great choice, Gigi." Ang daldal talaga ni Mommy kahit kailan! Biruin niyo 'yun, naikuwento niya agad kay Daddy 'yun? Ayy nak

