CHAPTER 44 Luke's POV -1ST DAY- Eto ang kauna-unahang araw na pagsisilbihan ko sila Bridge. Medyo excited na rin naman ako kahit papa'no dito. Siyempre, sa kabila naman ng mga paghihirap na gagawin ko para dito... Makakasama ko naman si Bridge eh. Saka, kasama ko rin siya dito sa hirap na gagawin ko. Grabe, kauna-unahang beses ko talaga 'to gagawin sa buong buhay ko. Dahil kahit kailan, hindi ko talaga ginawa o gagawin pa 'to sa iba. Tsk. Wala eh, sadyang mahal ko talaga si Bridge kaya ako ganito. "Oh. Okay na ba 'tong baon mo for this week, son?" Abot sa akin ni Daddy ng 20k pesos sa tseke. 6am kasi ng umaga ngayon. Ngayon din kasi ang alis nila ni Mommy, out of the country. May aasikasuhin lang daw sila dun, for 2 weeks lang naman. Si Ate naman, ang maiiwang tao dito sa bahay for al

