CHAPTER 45 Bridget's POV -2ND DAY- "Luke, tulungan mo ako sa mga pinalengke ko rito pagkatapos mong magwalis diyan..." Utos ni Mommy kay Luke na kasalukuyang nasa kusina. "Opo tita!" Magalang na sagot ni Luke habang tinatapos ang pagwawalis dito sa bahay namin. Grabe, ang guwapo pa rin talaga niyang tignan kahit sobrang pawisan na siya. Tapos naka-sando lang siya ngayon oh. Ang cute talaga oh. Yiee. Ako naman, nakaupo lang dito sa sala. 6am pa lang naman. Kaya maya-maya na ako kikilos dito. Buti nga at maaga akong nakagising. Siyempre, ito kayang si Luke kung alam niyo lang na mas maaga pa sa unang tilaok ng manok kung kumilos 'to! Hindi niyo nga aakalaing ang isang LUKE REID DEAN ang gumagawa ng mga gawaing bahay dito sa amin. Pagkatapos na pagkatapos na magwalis ni Luke, dumeretso

