CHAPTER 38 Bridget's POV Andito ako ngayon sa tapat ng playground. Dito lang naman masiyado walang tao eh. Ayos na rin 'to. Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon... Sana nalang talaga, walang ibang makatagpo sa akin dito. Sobra na kasi 'yung mga nakikita ko kanina. Hindi ko na kinakaya ang pagiging sweet ni Michaela kay Luke. Parang mas nararamdaman ko kasi na, nakakapangsisi pala. Mahirap pala para sa akin, ang makitang may kalandian siyang iba. Isasama pa niya sa loob ng room namin? Katabi pa namin? Ayy nako. Hindi ko sila kinakaya. Nalalaman tuloy nila ang tunay kong nararamdaman. I used to be naive, numb, at walang pakielam sa paligid. But when I met him... muntik na akong mabulunan sa paglunok ka lahat nung mga sinabi ko sa sarili ko, at mga sinabi ko sa kanya. Kung dati lang,

