CHAPTER 39 Luke’s POV “LUUUUUKE!” Lumingon naman kaagad ako sa may tumawag sa pangalan ko, na nasa likod ko lang. “Oh pare…” Nilingon ko si Drew habang kinakain ang Pepero ko. “Teka lang!” Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang tuhod niya, at yumuko siya habang hingal na hingal. Teka, saan ba galing ‘to? Bakit bigla-bigla nalang ‘tong sumusugod dito ah. “Gusto mo ba?” Alok ko sa kanya ng kinakain kong Pepero. Wala lang, baka lang naman gusto niya eh. “Oo, amin na.” Sabi niya at saka kinuha niya sa akin ang isang box ng Pepero ko. Woah. Kinuha niya talaga ah. Aba, ayos din ‘tong si Drew ah. Kabibili ko lang kasi nung Pepero, tapos mga tatlong piraso pa lang yata ang nakakain ko, tapos kakain din pala siya nito. ‘Wag nalang sana niyang ubusin. Umupo siya saglit at… Kinai

