“Khyrss, please? I haven’t seen you since you left. Anim na taon na ang nakakalipas. I miss you so much. Maiintindihan ko kung ayaw mo pa ring bumalik dito sa Pilipinas. But let us visit you there at least. We’ll go there for my bridal shower. Kahit ‘yon na lang kung hindi ka makaka-attend sa wedding ko. Please?” nagmamakaawang sabi ni Frea na nasa screen ngayon ng ipad ko. She’s inviting me to her wedding in the Philippines but I refused. Ngayon ang gusto niyang mangyari ay rito na lang ganapin ang bridal shower niya para makasama ako. Alam kong sabik na sabik na sila sa akin dahil simula noong umalis ako sa Pilipinas ay hindi na ako nagpakita pa sa kanila. Hindi nila ako mapuntahan because I never told them my address. I also warned Aly not to tell them. I’m glad hindi niya sinabi sa k

