Dito ang takbuhan ko sa tuwing pakiramdam ko ay bibigay na ako. Sa tuwing sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Sa tuwing halos sukuan ko na ang sakit sa puso ko. Siya ang nagbibigay ng lakas sa aking magpatuloy. Siya ang nagpapagaan ng loob ko. Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang siya at niyayakap ako para pagaanin ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili sa tabi niya bago ko napagdesisyunang umuwi. Ayaw ko nang bumalik sa ospital kaya naman ang daan patungo sa aming bahay ang tinahak ko. Umalis ako ng doon nang madilim pa pero nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay maliwanag na. Malayo ang distansiyang nilakad ko pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Manhid na siguro ako. Papasok na sana ako sa gate ng bahay namin nan

