Mabilis lang na lumipas ang mga araw nang hindi ko namamalayan dahil sa pagiging busy sa school projects. Ganito ba talaga pag graduating, pahirapan ka muna nang bongga bago makagraduate?
Nakahinga ako nang maluwag matapos lumabas ni Ms. A—'yong prof namin sa Portfolio Making. Nagche-check lang siya ng mga improvements nitong mga nakaraang araw sa ginagawa namin at nagbibigay ng remarks. Sinasabi niya sa’min kung anong shot 'yong p'wede pang i-improve at nagsa-suggest din siya kung anong p'wedeng angle para mas maganda 'yong kuha. Pinupuna niya rin 'yong mga edits kung halatang halata ba or kulang pa.
Buti na lang, okay 'yong sa akin. Walang kailangang baguhing edits at maganda naman daw 'yong mga shots ko.
Indeed, practice makes perfect. Though, my work is not that perfect, but I know it really helped me a lot.
"Wow, sa lahat ng graduating students na nakakasalamuha ko, ikaw Khyrss ang pinaka-fresh! Sana all. How to be you po?" pambibiro sa akin ni Stefan na sinang-ayunan naman ng iba naming kaklase.
"Sis, gan'yan talaga 'pag may kalandian na nagpapasaya sa'yo araw-araw. Kahit anong stressful things ang dumating, walang-walang panama. Look at her, palaging blooming sa gitna ng unos," dagdag naman ni Frea na ikinatawa namin.
I combed my hair with my fingers and looked at them over my shoulder. "Duh, maganda lang talaga ako. 'Yon lang 'yon. Stay fresh, guys," I said that earned a disgusted look from them. Mga siraulo.
"Yabang mo! Sabunutan kita r'yan, e. Ewan ko lang kung maging fresh ka pa r'yan," kumento naman ni Brenda.
"Hoy, baka sugurin ka ng Canadian guy niyan," Frea warned.
"Kumusta na nga pala kayo no'ng araw-araw mong ka-chat na Canadian? Kailan kayo mag me-meet?" biglang tanong ni Stefan.
Alam na nga pala nila na hindi ko naman talaga boyfriend 'yong nasa resto bar few weeks ago. Hindi kasi nila talaga ako tinigilan noon kaya kinuwento ko na ang lahat-lahat na p'wede kong ikwento. Mga chismoso at chismosa ang buong populasyon ng aming room, e. Kaya wala talaga akong kawala.
"May gusto na siya sa akin, omg!" kinikilig na sabi ko sa kanila.
"We? Paano mo nasabi?" dudang tanong ni Frea. Itong babae talaga na'to epal kahit kailan, parehas na parehas sila ni Aly. Bagay na bagay.
I gave her a challenging look at pinakita sa kan'ya 'yong convo namin ni Zach.
Me:
7:35
Talk to you later.
Papasok na ako
Zach:
Okay, take care.
Me:
Sweet naman
May gusto ka na rin
sa'kin, 'no?
Zach:
What makes you
think that I like you too?
Me:
Hindi na mahalaga
'yon.
Ayan na, oh. Kasasabi
mo lang.
Grabe mo talaga ako
pakiligin
Panagutan mo'ko.
Zach:
Ayan na, oh. Kasasabi
mo lang.
↪Huh? Wala akong
sinabi.
Me:
Sabi mo kaya,
'I like you too'
What makes you
think that I like you too
↪Eto, o. After no'ng 'what
makes you think that...'
Zach:
You're crazy.
Me:
It's you who drives
me crazy
"Ang baliw na'to kinikilig sa sariling katangahan." Ibinalik ni Frea 'yong cellphone ko sabay batok sa akin.
Imbes na magalit, natawa pa ako.
"Pake mo ba? 'Yon ang trip ko, e," I answered while tying my hair in a messy bun.
"Bakit? Ano ba 'yong nabasa mo?" curious na tanong ni Stefan.
"Nako, sis, 'wag mo nang alamin. Scam yan si Khyrss. Nag-iilusyon lang."
"Hoy! Grabe ka naman! May gusto na rin 'yon sa'kin, ayaw lang umamin. Ramdam ko kaya, duh!" I defended myself.
"Gutom lang 'yan, tara na kumain." Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Frea kasama si Brenda at Stefan na nasa likuran ko at nagchichismisan about do'n sa engineering student na nabuntis ng jowa ng kaibigan.
Wait, hindi ako chismosa, ha? Naririnig ko lang sila dahil malapit lang sila sa akin at ang lakas pa nila mag-usap. Napapaisip talaga ako palagi kung saan nila nasasagap 'yong gano’ng klaseng chismis. At may time pa talaga sila para ro'n ha? Sobrang demanding sa time kaya ng sem namin ngayon.
Bahala na nga sila. Choice naman nila 'yon, e. Binilisan ko na lang lakad ko para mapalayo sa kanila ng kaunti. Ayaw ko kasing makichismis sa kanila. Issue 'yon ng iba, ano bang pake ko, 'di ba? Hindi naman sa ayaw ko sa ganoong ugali ng mga kaibigan ko, iba lang talaga 'yong pananaw ko sa mga gan'yang bagay, e. Oo, nakikichismis din ako minsan lalo na pag nacu-curious talaga ako pero hindi naman palagi. Once in a blue moon lang talaga.
Sumabay na lang ako kay Frea sa paglalakad para hindi ko na marinig ang bulungan no'ng dalawa.
Oo nga pala, simula noong araw na nag-walk out si Aly sa cafeteria, hindi na siya sumasabay sa amin. Hindi na rin niya ako inaantay sa labas ng classroom tuwing uwian. Sa parking lot na niya ako inaantay. Tinanong ko siya kung bakit kahit alam ko na 'yong sagot pero ang sabi niya busy na rin daw siya.
Tss. Akala ko aamin na siya kay Frea, iniwasan naman lalo. Ang tanga talaga ng best friend kong iyon. Hays, kapag naging boyfriend ko na nga si Zach, tuturuan ko na siya kung paano dumiskarte. Kawawa, e, baka tumandang binata. Sayang pa naman ang lahi niya.
Oh, speaking of Zach my babe...
I immediately checked my messenger at napangiti ako nang makita ko siyang online. Alam na alam na niya talaga kung kailan ako free.
Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kaniya.
Me:
Hey, babe, are you
waiting for me?
Zach:
Lol.
Natawa naman ako sa reply niya. Sarap niya talaga! I mean ang sarap niyang asarin at tawaging babe. Palagi kasing 'lol' 'yong reply n'ya, e. Kunwari pa, alam ko namang kinikilig siya sa'kin.
Magta-type na sana ako nang bigla akong hilahin ni Frea at tumakbo.
"Napakabagal mo maglakad baka maubusan ako ng lasagna! Nagce-crave ako ro'n ngayon!" sabi niya habang mabilis na tumatakbo papasok ng cafeteria. Agad siyang nakahanap ng upuan para sa amin at hinila niya ako ro'n.
"Leche ka, Franzyn Eallana! Edi sana umuna ka na. Hinila mo pa talaga ako!" habol-hiningang bulyaw ko sa kan'ya bago ako naupo. Nginisihan niya lang ako bago umalis at tumungo sa counter para bumili ng pagkain niya.
Sobrang hinihingal ako ngayon kahit saglit lang kami tumakbo. Hindi naman kasi ako sanay dahil hindi naman ako palatakbo.
Napaatras ang ulo ko nang may biglang sumulpot na mineral water sa mukha ko.
"Water?" Inalok ako ng tubig ni Cjay—kaklase ko, at agad ko iyong tinanggap. Ibinaba ko sa table 'yong phone ko para mabuksan 'yong mineral water at agad 'yong nilagok. This is what I really need right now. Feeling ko made-dehydrate na ako. Mukhang kulang talaga ako sa exercise. Kailangan ko na talagang maging physically fit. Ang bilis kong mapagod, e. Kaunting takbo lang naman iyon pero yung reaksyon ng katawan ko parang 100m run na 'yong ginawa ko.
"Thanks, Cjay. Hulog ka ng langit," pambobola ko sa kan'ya. Natawa naman siya dahil do'n sa huli kong sinabi.
"Always welcome. Sige, una na ako, mukhang may ka-video call ka, e." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Huh? Ako? May ka-video call?
Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa lamesa nang may marinig akong boses mula roon.
Dinampot ko iyon at bigla ko ring nabitawan nang makita 'yong gwapong mukha ni Zach!
Omg! Bakit may video-call? Sh*t! Natawagan ko ata siya kanina nung hinila ako ni Frea!
Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang tumibok nang mabilis 'yong puso ko. Ramdam na ramdam ko 'yong kabog na para bang gusto nitong kumawala mula sa aking dibdib.
Nagwawala ang buong sistema ko dahil sa kan’ya. E, pa'no ba naman kasi, topless kasi siya at kita ang hanggang dibdib niya sa camera, nakasalamin pa at gulong-gulo ang buhok. Napakagwapo! Gosh!
Teka, ang lakas naman niyang mag-topless. Hindi ba siya nilalamig?
Kinalma ko muna ang sarili ko bago dahan-dahang dinampot ang cellphone kong nakataob sa lamesa.
Medyo nanginginig pa ang kamay ko habang unti-unting tinatapat 'yon sa mukha ko.
Normal lang siguro na ganito ang reaksyon ko 'no? Unang beses lang kasi nangyari 'to. Yeah, we've been chatting for almost a month pero never pa kaming nag-video call or audio call. Plain chat lang talaga. Ewan ko ba, pero wala ni isa sa'min ang nag-iinitiate. Siguro kasi busy kami parehas?
Wow, boyfriend mo, Khyrss?
Napailing ako dahil sa naisip. Huminga ako nang malalim bago ngumiti ng malapad sa camera. Might as well enjoy this chance to talk to him through video call. Makakausap ko na siya, nasisilayan ko pa ang gwapo niyang mukha, 'di ba?
"Uh, sorry if I’m not wearing anything kanina, I was about to wear this, but you called and I thought it's urgent because you never call me, so, I answered immediately," he explained. Nakasuot na siya ngayon ng nude sweatshirt.
Magsasalita na sana ako nang magsalita ulit siya.
"I thought something happened there because you're running but after hearing you said, 'Thanks, Cjay. Hulog ka ng langit', I'm sure you're okay, right?" I hinted something in his voice.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Why are you smiling?" he asked, his forehead creased.
I rested my chin on my palm while lightly tapping my cheeks with my fingertips, still smiling.
"Ang cute mo magselos," kalmadong sabi ko kahit kaunti na lang ay mamatay na ako rito sa kilig.
"What? Who says I'm jealous?" His right brow furrowed.
"I just got a feeling..." nakangiti ko paring sabi.
"Well, you're not feeling well." I playfully rolled my eyes.
"I know you're jealous, you're just denying it, but it's okay, you can keep it to yourself."
"I'm not. And why would I feel jealous?" hamon niya.
"Kasi gusto mo na rin ako." Walang pagaalinlang sagot ko. Saan ko ba nakukuha ang lakas ng loob ko?
"How did you say so?" He then grabbed the water bottle on his side at uminom do'n. Kitang-kita ko ang pagtaas baba ng Adam's apple niya. And I find it so sexy! Is he seducing me? If yes, I'm completely turned on. Charot!
"Basta." I stopped for a moment and an idea popped up in my mind. "I know why you're drinking water right now." I smirked.
He gestured to me to continue.
"'Coz you're thirsty from running through my head all day and all night." I wiggled my eyebrows at him.
"That punchline is overrated; don't you have something new?" He licked his lower lip after drinking. Napaiwas naman ako ng tingin.
G*go, inaakit talaga ako nito! Kanina pa! Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at sigurado akong namumula na ito ngayon.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa kakaibang nararamdaman.
I heard him chuckled. "I just really like drinking water from time to time."
"So, you like water, huh?" He nodded. "If you like water, then you already like sixty percent of me because if I'm not mistaken, our body is made up of water up to that percentage." I continued.
"Seriously?"
"Thank you for that information. Though, I still have forty percent more to go. But I can now rest assured knowing you like me too." I laughed. Thanks to my biology class way back in high school.
He shook his head while biting his lower lip trying to stifle a smile.
"Kinikilig ka ba?" Lumipad ang kanang kamay niya sa kaniyang batok.
"You're crazy." He smiled. My heart skipped. It was beautiful. At mas lalo siyang gumwapo dahil sa ngiting iyon.
"I'm so crazy for you." Wala sa sariling sagot ko, completely enchanted by his smile.
"Hoy, sis! Sino 'yang kalandian mo, ha?" Lilingon pa lang ako kay Stef pero nahablot na niya agad 'yong phone ko mula sa aking kamay.
"Oh, my God! Oh, my God! Oh, my God!" His mouth immediately formed an 'o' habang nakatingin sa screen. Tiningnan niya ako gamit ang nanlalaking mga mata, hindi makapaniwala sa nakikita.
Tss. He’s exaggerating it.
"I understand now why he was ignoring our requests on his social media accounts because he undeniably has the right to do so!" He said more on to himself.
"Hi!" malanding bati niya pagkatapos niyang mag-overreact.
"Hey, there." I heard Zach replied in a shy voice.
"Sh*t! Kahit boses makalaglag panty, 'te! Naiintindihan ko na kung bakit patay na patay ka rito Khyrss, kasi naman, his whole existence is an insult to every famous male model out there! Napakagaling mo pumili!" Tumili siya na nakaagaw ng atensyon ng ibang estudyanteng malapit sa table namin. Nakakahiya, pinagtitinginan na kami rito!
Agad kong inagaw 'yong phone ko sa kaniya. Baka kung anong kabaliwan ko pa ang masabi niya kay Zach, mahirap na.
"Uh, Zach, ibababa ko na, ha? Kakain na kasi kami. Tsaka baka inaantok ka na rin. Sige, ba-bye na! Goodnight." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad ko nang pinatay 'yong tawag. Baka agawin na naman ni Stefan, e.
"Napakaepal mo, girl!" biro ko sa kaniya.
"Curious lang ako sa itsura, sis! Napakadamot mo naman kasi magpakita ng picture. Picture lang, e." Stefan pouted. Baklang 'to!
"Ehem. Baka naman gusto mong ipa-confirm 'yong requests namin," pagpaparinig ni Brenda.
"Huwag na kayong umasa, 'yong pamilya niya nga hindi ako nailakad, ako pa kaya? Mabubulok lang requests niyo ro'n." Tumayo na ako para bumili ng pagkain ko. Alam kong magsosolo 'yon si Frea, e.
"Oh, bakit? Last time I checked, you're so positive that he likes you too, right? I'm sure papayag 'yon 'pag ikaw ang nagsabi," pilit naman ni Stefan.
I rolled my eyes. "Kahit na, ayaw ko pa rin. Baka pagnasaan niyo lang ang baby ko. He's mine. MINE. ALONE." I emphasized the last two words para dama bago ako naglakad papuntang counter.
"Napakadamot mo, Khyrss Sariah!" sigaw niya. Natawa na lang ako at hindi na siya pinansin.
"Hoy, saan ka pa pupunta? I ordered your favorite foods na, nakakahiya naman sa'yo." Nakasalubong ko si Frea at iniabot sa akin 'yong isang tray na hawak niya.
"Wow, anong nakain mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko at sinabayan siya sa paglalakad pabalik sa table namin. Kaya pala ang tagal ng bruhang 'to, idinamay na pala ako.
"Wala pa nga, e. Huwag ka na riyang maraming satsat, baka bawiin ko pa 'yan sayo lalo na at gutom na talaga ako."
"Hindi ka ba kumain ng breakfast?"
"Do you really think I still have time to eat breakfast? E, palagi na nga akong late." she said, being aware of her tardiness.
"Ayan, puyat pa. Telegram pa more."
Tiningnan niya ako. "Gutom man ang aking tiyan, busog naman ang aking puso." She smirked at me.
"Ang landi mo!" natatawang sabi ko.
"At least ako, totoong gusto. Hindi rin ako 'yong bumabanat, ikaw ba?" I gave her a death glare.
"T*ngina mo! Bakit may pag-atake, ha?"
"Huh? I'm just asking lang naman." Painosente amp! Kung hindi lang niya ako nilibre, malamang nagyera ko na siya.
"Whatever." Nilagpasan ko na siya at naunang umupo. Tumayo naman si Brenda at Stefan para sila naman ang bumili.
Naupo na rin si Frea sa tapat ko at nagsimula nang kumain.
"Hoy, can't you wait until Brenda and Stef came back before you eat?" Napatingin sa akin si Frea habang ngumunguya.
"I'm hungry na kaya! Hindi ko na kaya maghintay. Magkaka-ulcer na ako! I'm sure okay lang naman sa kanila. Ikaw nalang ang maghintay." After saying that, she started eating again and ignoring my whole existence.
Maya-maya pa ay dumating na 'yong dalawa at nagsimula na kaming kumain habang si Frea naman ay tapos na at pangingiti na sa harapan ko habang hawak ang cellphone niya. Kausap na naman siguro ang kaniyang kalandian. Sarap batuhin ng tinidor. Char!
Duh, hindi naman sila magtatagal. Dahil siya ay para lang kay Aly. Hindi pa nga lang niya nare-realize.
Pagkatapos kumain, bumalik na agad kami sa classroom para makapag-retouch dahil malapit nang dumating ang next prof namin sa susunod na subject.
After 5 minutes, pumasok na sa classroom si Ms. Rebecca. She just gave us a short briefing about our class for today bago umalis.
"Psst! Khyrss, give me a pose." Napalingon ako kay Frea na ngayon ay may hawak na camera at nakatutok sa akin. I had no choice but to give her what she wants. Ngumiti na lang ako sa camera ngunit ibinaba niya 'yon at tiningnan ako.
"What?" takang tanong ko.
"Huwag nakangiti! Gusto ko seryoso ka. Fierce, gano'n." Itinutok niya ulit 'yong camera sa akin at sinunod ko naman 'yong gusto niya. She just took three shots bago ako sinenyasan na tapos na.
"Para sa'n ba 'yan, ha? Baka nakakalimutan mo, photography rin ang kinukuha ko, hindi modeling."
"Ang ganda mo kasi!" Nilingon niya ako saglit bago itinutok ang atensyon sa litrato ko.
"Ul*l, alam ko na 'yan. Huwag mo akong bolahin, duda ako sa'yo." Natawa naman siya dahil sa sinabi ko.
"You really know me, huh? I'm so touched." She looked at me with her puppy eyes. "Masyado kang oa, may gagawin lang akong edits na natutunan ko. Send ko sa'yo mamaya." Tinalikuran na niya ako para bumalik sa upuan niya at nagsimula nang magpipindot sa kaniyang laptop.
Hinayaan ko na lang siya dahil mukha namang wala siyang balak na masama sa pictures ko. Hindi naman niya siguro 'yon gagamiting profile sa mga accounts for dating na meron siya. Patay naman siya sa'kin, if ever.
Naupo na rin ako at binuksan ang sariling laptop. I still have a lot of things to do para lang tumunganga.
Naging busy ako buong maghapon at hindi ko na namalayang uwian na pala kung hindi pa ako kinalabit ni Brenda.
"Hoy, Khyrss. May balak ka pa bang umuwi?"
Napatingin ako sa wristwatch ko at nagulat nang makitang mag-aalas singko na pala. Napatayo ako. Sh*t! Baka kanina pa ako hinihintay ni Aly!
Dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko.
"You're so serious, Khy. Take it easy, we still have two months for this sem," ani Brenda.
"Si Frea?" I asked her after noticing that Frea is not around.
"Umalis na siya kanina, sinundo ng lalaki niya. Nagpaalam pa nga sa'yo, e. Hindi mo ba narinig?" Umiling ako. "Masyado ka kasing tutok diyan sa laptop mo, e."
Ganoon ba ako kaignorante sa paligid ko kanina at hindi ko na namalayan ang pag-alis ng bruhang 'yon?
Napailing na lang ako at nag-inat saglit nang makaramdam ng sakit sa batok at sa likod ko bago ipinagpatuloy ang pagliligpit.
After packing my things, nagpaalam na ako kay Brenda. "Una na ako, ha? Inaantay na kasi ako ni Aly, e. Salamat, ingat ka sa pag uwi, bye! See you tom!" I waved my hands at her bago dali-daling umalis.
Agad kong natanaw si Aly na nakasandal sa gilid ng kotse niya at masama ang tingin sa akin.
"Akala ko wala ka nang balak umuwi, e. You're not even replying to my messages!" singhal niya sa akin pagkalapit ko at mabilis na umikot papasok sa driver's seat. Pumasok na rin ako at mabilis niya iyong pinaandar paalis.
Wow, ibang level ang pagka-bad mood niya. Bakit kaya?
"Galit ka na niyan? Bakit hindi mo kasi ako pinuntahan sa building ko like you used to do?" Tinitigan ko siya. Iniisip nang mabuti kung bakit ganito ang inaakto niya.
"Ako pa ba ang mag-aadjust para sa'yo?" Napakasungit!
"What? Ikaw ang sumanay sa akin na ganoon. Ginusto mo akong sunduin sa classsoom namin dati, tapos biglang ganito? Pero okay lang naman sa akin kasi hindi mo naman kailangang gawin 'yon. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit badtrip ka? Ano bang problema mo? I'm sure hindi ako ang dahilan niyan."
A look of great bitterness swept across his face that made me even more curious.
"Wala!"
"I know you; you won't be like that without a particular reason. Tell me what it is because I won't stop bugging you until you tell me what your freaking problem is." I crossed my arms.
"You're so persistent, huh? Sometimes I like that attitude of yours pero sa mga ganitong bagay ay hindi."
"Dali na kasi!" pangungulit ko.
"Fine! I saw Frea with someone and I'm certain he was also the guy in the photo you showed me last time. Sila na ba?"
"Oh, so he's the guy Brenda told me who picked her up." Napatango ako sa aking sarili.
"Sila na ba?" tanong ulit ni Aly nang hindi ko iyon sagutin.
"I don't know. She doesn't say much about her love life. She loves to talk about mine, e." I said as a matter of fact.
"Whatever. Wala na akong pake." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Bitter ka lang kasi naunahan ka. Napakatorpe mo naman kasi, e. Ayaw mong gumaya sa'kin. Tingnan mo, improving na kami ng kuya mo." I wiggled my eyebrows at him. "Hayaan mo, magbe-break din 'yon. Hintayin mo na lang." He rolled his eyes on my last statement that earned a laugh from me.
Tahimik na lang siyang nag-drive at hinayaan ko na lang siya. Baka nag-iisip siya kung ano ang dapat niyang gawin para maagapan ang nalalapit na pagkawasak ng kaniyang puso. It's either he just let her or fight for her. Though, I don't know if Frea likes him too. Ang hirap naman kasi no'n basahin pagdating sa mga ganitong bagay.
Hays, ang komplikado naman ng buhay pag-ibig ng best friend ko. Buti na lang kami ni Zach my babe, improving. Kaunting kembot pa, mahuhulog na rin 'yon sa akin.
Can't wait for that day to come, omg!