CHAPTER 5

4432 Words
"Hey, are you alright?" Napatingin ako kay Saimon nang hawakan niya ang balikat ko. "Uh, yeah." I smiled at him at ibinalik ang tingin ko sa message ni Zach. "Parang may nakita kang multo, e." He chuckled. "I think so." I laughed. Itinago ko na muna ‘yong cellphone ko sa aking bulsa bago humarap sa kaniya. "I'm sorry, but I think I need to go... My parents... parating na kasi sila, so kailangan ko na talagang umuwi. " I raised my hand to call the waiter para makapagbayad na but Saimon stopped me. "It's on me," he said, smiling. "What?" "I'll pay for your orders because you know... I really had a great time here because of you." He shrugged his shoulders. "No, I insist. Nakakahiya naman, ngayon pa lang tayo nagkakilala pero ililibre mo na agad ako." pilit ko. Lumapit na ‘yong waiter sa table namin. I was about to get my wallet in my bag when he gave his card to the waiter. I looked at him, but he just smirked at me. Okay. "I'll pay for you next time," sabi ko na lang dahil wala na akong magagawa kasi nakapagbayad na siya. "Oh, are you asking me out?" He raised his right brow at me. "What? No!" tarantang bawi ko. I didn’t mean it to sound like that. "Aw. Bad. I'm just kidding, e." Hinawakan niya ‘yong dibdib niya na para bang nasaktan siya sa sinabi ko. Napailing na lang ako kasi alam ko namang nagbibiro lang siya. "I'm sure magkikita pa naman tayo." Nakangiting wika ko sa kaniya bago ako tumayo para umalis na. "I'll walk you out." Hindi na ako nakatanggi dahil tumayo na rin siya at sinabayan akong maglakad palabas. "You don't really have to but thank you." He's so sweet at napaka-gentleman pa. Kung ‘di ko lang gusto si Zach malamang nagka-crush na ako sa kan'ya. Though, pwede naman pero pakiramdam ko nagtataksil ako, e. Gusto kong maging loyal kahit malayo siya. Wait, ano ba ang mga pinagsasasabi ko? E, galit nga pala ako sa kan'ya. Napakarupok mo talaga, Khyrss! Bago ako tuluyang makalabas ay nilingon ko muna ang puwesto kanina ni Frea para tingnan kung andito pa ba siya pero mukhang wala na ata dahil iba na ang taong nakaupo sa table nila. Napabuntong-hininga ako at itinuon na lang ang atensiyon sa dinaraanan ko. Nagsigurado na ang gaga. Alam na alam niya kasi na malilintikan siya sa akin ‘pag nahagilap ko siya ngayon. Nang makarating na kami ni Saimon kung saan naka-park ang kotse ko, humarap ako sa kaniya para magpaalam. He was standing there while his hands were shoved inside the pocket of his hoodie. "Thanks for tonight, Saimon. I really had a great time." I smiled at him. "Thank you rin for not ignoring me.” Natawa ako sa sinabi niya. I’m usually a snob to strangers but there’s something in him that made me talk to him back when he initiated a conversation.   “Consider yourself lucky, then,” I jokingly said. “Such an honor.” He chuckled as he scratches the side of his lower lip. A few moments of silence flicked by before he speaks again. “Hoping to see you again, soon." I nodded before I entered my car. Ibinaba ko ‘yong bintana. "Ikaw ba? Hindi ka pa uuwi?" I asked as I started the engine. "Later... I'll stay for a few drinks then I'll go home after." He ran his hand through his hair. "All right, suit yourself. Goodnight!" I waved my hands at him. He smiled. Ang gwapo! "Drive safe." Pahabol niya pa bago ko isinara ang bintana at tuluyang umalis. Wala pa sila mommy at daddy nang makarating ako sa bahay kaya dumiretso muna ako sa kwarto ko para maligo saglit. Pagkatapos, naupo ako sa kama ko habang nagtutuyo ng buhok nang biglang tumunog 'yong messenger ko. Sh*t! Nakalimutan ko na nag-chat pala si Zach kanina! Agad-agad kong binuksan 'yong messenger ko at nanlaki ang mga mata nang makitang si Zach ulit ang nag-chat! What's with him? Bakit siya nag-chachat? Not that I don't like it, I'm just wondering why. Nakapagtataka na nga na in-accept niya ang friend request ko after five years, e. Ano kayang nakain niya ngayong araw? Hindi kaya na-love at first sight siya sa akin kanina? Iniisip ko pa lang, kinikilig na ako. Paano pa kaya kung totoong na-love at first sight nga siya sa akin?   Hindi naman malabong mangyari ‘yon. Pero parang ang assumera ko sa part na ‘yon. Ah, basta! Whatever his reasons, go with the flow na lang ako. Binuksan ko ang chat box namin at nagtipa ng reply.   Zachary Shein Villareal 8:34 Gonna cook dinner for your parents, huh? 9:15 Wow, you're ignoring my chat now. Me: 9:16 I don't think I'm obliged to reply.   Nag-flipped hair ako after ko i-send 'yong reply ko sa kaniya. Akala niya siya lang ang may karapatang magsungit? Duh, I can do it too! Umakyat na ako sa kama ko at humiga. Tinitigan ko 'yong message box namin. Ha! Akala niya ba nakalimutan ko na 'yong kasalanan niya sa akin? Hell, no! Medyo na-turn off ako sa kan'ya dahil do'n. Medyo lang naman. I still like him, though. Gusto ko lang magpabebe kahit na kinikilig na ako dito at dalawang beses niya akong ichinat, omg! Zach: Oh, last time I checked you're dying for my replies on your messages in telegram. Me: Is that so? Tss. How conceited. Zach: I'm not lying and u know that. Me: Sh*t! 'u' raw! Zach: What? Me: Nothing. I just find that one cute   Zach: Huh? Which one? Me:  'u'?   Zach: Are you trying to pull a punch line to me?   Me: What? No! Yung 'u' yung cute, hindi ikaw. Epal ka.   Zach: Are you sure I’m not?   Me: Hindi nga kasi! You're so full of yourself, alam mo ba 'yon? Zach: Hahaha Me: Oh, my God! You laughed! TUMAWA KAAAA!   Zach: What's wrong with it?  It's normal. I'm a human too.   Me: No. The fact na tumawa ka because of me, argggh! Basta.   Zach: Tss. So, how was your date?   Me: It's not a date.   Zach: You don't have to deny it. I saw it on f*******:. You have a boyfriend already yet you're trying to hit on me Does your boyfriend know that?   Me: Alam mo ba? Zach: What?   Me: You're asking me if my boyfriend knows that so I'm asking you back. Alam mo ba?   Char! HAHAHAHA Napakagat-labi ako dahil sa kalandian ko. Can't stop myself, e. 'Yong mga sinasabi niya kasi 'di ko maiwasang hindi makaisip ng banat. Oo na, marupok na. Kasasabi ko lang kanina na pabebe mode muna pero humaharot na agad. Napag-isip-isip ko kasi na tsaka na lang ako magpapabebe 'pag girlfriend na ako. Sa ngayon, lalandiin ko muna. Baka masayang 'yong chance ko ngayon kung magpapaka-dalagang Pilipina pa ako, e. Just wait and see. I'm gonna make him fall in love with me. Zach: Lol. Me: Why are you asking me about that pala?   Zach: Because you told my mom that you're gonna cook dinner for your parents then after that, you're out there, spotted with a guy.   Me: Tss. Ginawa pang reason si tita. Ang sabihin mo, you're just jealous because u think I refused to talk to you just to go out with a guy. Kahit hindi naman talaga ako nakipag-date. Aminin mo na   Zach: Never gonna happen.   Me: Ah, so, nagseselos ka ayaw mo lang aminin? Okay.   Zach: Dream on.   Me: Will keep dreaming, then.   Zach: Matutulog ka na?   Me: Sh*t! Oh, my God!   Zach: What?   Me: Ang pogi mo magtagalog!! Nakaka-inlove!   Zach: Tss. I thought something happened there.   Me: HAHAHAHA nagulat lang ako. Alam kong marunong ka since dito ka lumaki 'di ko lang talaga ine-expect. And sobrang iba lang yung effect niya sa'kin! Omg!   Zach: You're overreacting, u know?   Me: Whatever. Pwede bang more tagalog? Can't wait to hear you speaks tagalog omg!   Zach: I can call you right away if you really want to.   Me: ARE YOU FREAKING SERIOUS!?   Zach: Of course, I'm kidding.   Me: Funny. Haha But it's okay. Maybe you want us to take it slow.   Zach: What slow are u talking about?   Me: Ikaw. Napaka-slow mo. Hina mo pumick up. I'm hitting on you, dude. In case you're not aware Zach: Dami agad sinabi. If you're talking about 'relationship', sorry to break it to you but we're not even friends. Me: Aray ha? Ba't may pag atake? Edi chat mates na lang Pero sure ka? Ayaw mo akong maging friend? Masarap ako maging kaibigan Ayaw mo talaga i-try? Zach: Is that what you really want? To be friends with me?   Me: Hindi. Hehe Gusto ko talaga maging girlfriend mo.   Zach: Why so straightforward? And what if I don't want?   Me: Uy, may what-if, ibig sabihin ba may chance?   Zach: Tss. I don't want you to be my girlfriend.   Me: Ah, baka gusto mo talaga akong maging asawa. Pwede  naman. Since yun naman  yung goal ko sa buhay HAHAHAHAHAHA Ikaw haaaaaaa   Zach: Are you for real? Me: HAHAHAHAHA kilig ka ba? Okay lang kahit di mo  sabihin. Keep it to yourself  na lang..   Zach: You're delusional. Me: Sus! HAHAHAHAHA Seen Me: Awit nang seen na. Okay, bye. Talk to you again!   Nagpagulong-gulong ako sa kama habang tumitili. Niyakap ko pa ang cellphone ko dahil sa kilig. O to the M to the G! 'Di pa rin ako makapaniwala! Nakausap ko si Zach at hindi lang 'yon, sobrang haba pa ng conversation namin at siya pa ang nag-initiate! Never in my life na in-expect ko 'yon! Ang nai-imagine ko kasi kukulitin ko pa s'ya para lang mag-reply tapos kung magre-reply man siya, one word lang. 'Yong typical masungit guy sa fan girls niya, gano'n. Pero he just broke my expectations at sobrang kinikilig talaga ako! Ramdam ko na talaga na malapit nang maglayag ang barkong ako mismo ang nagshi-ship. Epal si Aly, e. Hindi supportive. Si Frea naman, shushunga-shunga. Mali ang sinusuportahan. Before I forgot, kailangan ko pa lang magpasalamat kay Frea kasi kung hindi dahil sa post niya, hindi ako icha-chat ni Zachy babe! Kung kanina halos isumpa ko na siya, ngayon hindi na. Kasi nakatulong 'yong post niya at wala na rin namang puwang ang galit sa aking puso dahil sa umaapaw kong kaligayahan. Natawa ako sa aking sarili. Nagiging makata tuloy ako ng wala sa oras. Iba talaga ang epekto ni Zach sa'kin at kailangan niyang panagutan 'yon. I dialed Frea's number at sinagot niya agad iyon. "Hi, sis! Bakit ka napatawag sa maganda mong paparazzi? Gusto mo ba ipa-take down 'yong post ko? Oh, sorry pero hindi ko gagawin 'yon. My f*******:, my rules," bungad niya. "Gaga. Dami mong sinasabi, nonsense naman lahat. Tinawagan kita kasi gusto ko lang magpasalamat." "Huh? What for?" naguguluhang tanong niya. "Dahil sa post mo, gaga!" I laughed. "Wow, I was expecting you to curse me to death. Kaya nga umalis na ako sa resto bago ko ipinost 'yon, e. Knowing you, that was definitely the last thing I'm expecting to hear from you. And... what's with the mood? Ramdam ko ang saya mo hanggang dito, girl. Care to share it with me?" usisa niya. Napairit naman ako at napapadyak ang paa nang maalala ko na naman 'yong pag-uusap namin ni Zach. Mukhang isang buwan tatagal 'tong pagiging good mood ko, a. Kahit siguro asarin ako nang asarin ni Aly, hindi ako mapipikon. Oa na kung oa, pero ganoon talaga ang nararamdaman ko ngayon. Zach, what have you done to me!? "Hoy, Khyrss Sariah, p'wedeng mamaya ka na muna kiligin? Kwento ka muna dali! Kanina pa kaya kita atat na atat tawagan because of that guy in the resto bar. Baka naman gusto mong ipakilala? Parang 'di kaibigan, e. How long have you been seeing him ba? Sa’n mo siya na-meet? Boyfriend mo na ba siya or manliligaw pa lang? Hoy dali na kasi! Nangangati na ang tainga ko dito o baka gusto mong sugudin kita sa bahay niyo as in now na. Wait, nakauwi ka na ba? Kung oo, hinatid ka ba hanggang sa inyo?" "Girl, kalma. Hindi kasi tugma 'yong mga sinasabi at tinatanong mo riyan sa dahilan ng kilig ko ngayon. We're thinking of different guy right now. And for the record, the guy in the resto bar is not my boyfriend nor suitor or what. It's not what you think, okay? He's a complete stranger when I got there. Naki-share lang ako ng table sa kan’ya kasi alam mo naman sigurong crowded 'yong place, right? And we just talked kasi ang awkward naman kung ang tahimik sa table namin. Issue ka lang talaga girl," kwento ko habang nakatitig sa ceiling. "Omg, really!? My bad.” She laughed. “I thought he's your boyfriend kasi mukha naman talaga kayong magjowa, e. Wait…baka naman siya na 'yong soulmate mo, sis? Hala! Ship ship!" "Soulmate my ass. May baby na ako 'no! Nasa Canada lang." Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil naalala ko na naman siya. Hays... nababaliw na nga ata ako. "We? Sure ka ba riyan?" "Oo nga! Kaya nga ako nagpapasalamat sayo kasi ni-chat niya ako dahil sa post mo! Nagselos siguro kaya sa kan'ya mo na lang ako i-ship. 'Wag na kung kani-kanino." "Wow, ha? Baka nag-aassume ka lang d'yan." "Wala talaga kayong kwenta ni Aly pagdating sa lovelife ko. Magsama nga kayo. Ayaw kong sirain ang napakaganda kong mood. Basta thank you for your post. Pwede mo nang i-delete. Bye! See you tomorrow!" Hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil agad ko nang pinatay 'yong call. Parang may narinig kasi ako mula sa baba. Mukhang nandito na ang parents ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at tumakbo pababa ng hagdan. Hindi nga ako nagkakamali. Andito na sila mommy at daddy. Agad akong lumapit kay mom para yakapin siya, pagkatapos ay kay dad naman ako lumapit. He kissed me on my forehead. "I missed you both," I said. "We missed you too, anak," Mom replied. Naupo sila sa sofa sa sala at dumiretso naman ako sa kusina para kumuha ng dalawang basong tubig. "Kumusta si lolo, Mom? Okay na ba siya?" tanong ko pagkabalik sa sala. Pumunta kasi sila sa Ilocos dahil isinugod daw sa hospital ang lolo ko. Gusto ko sana sumama roon kaso may pasok ako. Kaka-start lang kasi ng huling sem ko kaya hindi ako pwedeng um-absent. "Yes, mabuti naman hindi kung anong malalang sakit. Dala lang ng pagod kaya bumigay ang katawan niya. Ang lolo mo kasi sinasabihan na naming mag-stay na lang sa bahay pero ayaw makinig. Palaging nasa farm, ayan tuloy ang nangyari." "Gano'n talaga, Mom. Baka nabo-bored si Lolo sa bahay kaya he wanted to keep himself busy," pagtatanggol ko kay Lolo. "Pero hindi niya dapat pinapagod ang sarili niya." "Enough. Ang mahalaga okay na si Papa. Matulog ka na, Khyrss, may pasok ka pa tomorrow. Magpapahinga na kami ng mommy mo, napagod kami sa byahe, anak," singit naman ni dad habang buhat ang mga gamit nila paakyat sa kanilang kwarto. "Okay po, goodnight." Umakyat na sila sa taas at sumunod naman ako. Pagkapasok sa kwarto ko, agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at mabilis na nakatulog.   "Goodmorning, honey," bati ni mom nang pumasok ako ng kusina. "Goodmorning din po. Uh, where's Dad?" tanong ko nang mapansing dalawa lang kaming nasa kusina. "Tulog pa, napagod sa pagda-drive kahapon," sagot niya habang naghahanda ng breakfast. "E, ba't kasi ayaw niyong kumuha ng driver? Useful kaya 'yon, Mommy. Lalo na sa mga malalayong byahe," giit ko sabay kagat sa hawak kong toasted bread. "Gusto ko rin naman, 'yong Daddy mo lang ang may ayaw. Ewan ko ba roon." Umupo siya sa katapat kong upuan at nagsimula nang kumain. "Baka gusto lang na solo kayong dalawa. Alam mo 'yon, Mom? Private moments. 'Yong kayo lang dalawa. Ehem, baka gusto niyo akong sundan?" biro ko. Solo child lang kasi ako, e. At ang boring minsan. Wala kasi akong kaaway at kaagaw sa kahit na anong bagay. Pero hindi lang naman 'yon ang dahilan. Gusto ko rin no'ng mga sibling goals, 'yong gagawa ng kalokohan tapos pagtatakpan ang isa't isa. Pagsasabihan ng secrets. Ang saya siguro kapag may gano’n. "We're too old for that, Khyrss. Hindi ko na rin siguro kakayaning magkaanak ulit lalo na at malayo na ang agwat niyo. Mahihirapan ako." "Nagbibiro lang ako, Mommy," bawi ko kasi mukhang nalungkot si Mommy, e. "Sorry kung hindi ka namin nabigyan ng kapatid. Masyado kasi kaming naging busy ng Daddy mo sa trabaho. Naisip din namin na baka mapabayaan lang namin kayo lalo na at hindi rin stable ang business natin noon." Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa table. "Mom, okay lang talaga. I have Aly now. Para ko na siyang kapatid. Kaya 'wag ka nang malungkot." She smiled at me. "Kapatid lang ba ang tingin mo sa kan'ya? Khy, bagay kaya kayo." Napasimangot ako. "Mommy! I already told you na 'yong kapatid niya 'yong gusto ko at hindi siya." Natawa siya sa akin. "Gusto ka ba?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Humalakhak siya dahil sa naging reaksyon ko. "Mommy, ba't may pag-atake, ha?" "What? I'm just asking you," she said, playing innocent. "I think he already did. Kausap ko lang siya kagabi at ramdam ko na siya na ang para sa'kin." "Are you sure?" "Mommy, bakit feeling ko tingin mo sa akin assumera? Hindi ba kayo naniniwala sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya. "Okay, okay. I believe in you. Finish your food at baka ma-late ka na." Pagkasabi niya no'n biglang pumasok si Aly sa kitchen. "Good morning, Tita. Namiss ko po kayo." Lumapit siya kay Mommy at bumeso. "Why are you here?" tanong ko sa kan’ya. "Bakit hindi ka ba sasabay sa akin?" “Sasabay.” I looked at my wristwatch. “Ang aga mo naman. Wait lang ‘di pa ako ready. Nag-breakfast ka na ba?” Tumango siya kaya binilisan ko na lang ang pagkain ko. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto ko at dumiretso sa cr to brush my teeth. After that, naglagay lang ako ng face powder at kaunting tint sa labi. Kinuha ko na 'yong bag ko pati na rin 'yong DSLR mula sa cabinet. "Hoy, aba! 'Yong sapatos mo, nadudumihan 'yong kama ko!" bulyaw ko kay Aly na prenteng nakahiga sa kama ko habang pinapanood ang bawat kilos ko. "Are you done?" inip na tanong niya sabay bangon. "Yup. Let’s go," sabi ko at dire-diretsong lumabas ng kwarto. "Mommy, aalis na po kami," paalam ko nang makita ko siya sa sala na naglilinis. Lumapit ako sa kaniya para bumeso. "Bye, Tita!" "Take care," Mom waved her hands. Tumango na lang ako at dumiretso na kami palabas. Pumasok na ako sa kotse ni Aly at naupo sa passenger seat habang siya naman ay umikot papuntang driver’s seat. Nang napaandar niya na ang sasakyan, nagsalita ako. "I have something to tell you." Nakangiting humarap ako kay Aly. Kumunot naman ang noo niya. "What? That you already got yourself a boyfriend without telling us?" I rolled my eyes at him. Pati ba naman siya? "He's not my boyfriend, okay? Baliw lang talaga si Frea. Pero okay lang, maganda naman 'yong kinalabasan ng fake news niya kasi dahil sa post niya na 'yon, ni-chat ako ng kapatid mo! Sh*t kinikilig ako nang sobra, omg!" "We? Hindi ka nag-iilusyon d'yan?" dudang tanong niya sa'kin. "Hindi kaya, duh! In-accept niya na ako sa f*******:, finally! kaya niya nakita 'yong post. At feeling ko, nagselos siya dahil doon kaya siya nag-chat. Medyo possessive pala siya, pero okay lang. Mas gusto ko 'yon. Kinikilig talaga ako hanggang ngayon kasi ang tagal naming nagusap! Tingnan mo, uuwi 'yon ngayong taon dahil sa'kin! I'm positive!" kinikilig na kuwento ko sa kan'ya. Nakatingin lang siya sa'kin na para bang nahihibang na ako bago siya nagsalita. "Ma," My forehead creased. "Huh? Anong 'ma'?" "Mangarap ka." He burst out in laughter after saying that. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Walang kwenta talaga kausap ang isang 'to. Buti na lang good mood ako kung hindi malamang malilintikan na naman siya sa akin. "You're lucky I'm in such a good mood because of your brother. Kung hindi, malamang magta-taxi ka papasok," I said, voicing out my thoughts. Natahimik naman siya dahil sa sinabi ko. Glad he already knows when to shut his mouth. Nang makarating sa school, bumaba agad ako ng kotse at nagpaalam sa kan’ya bago tumakbo papasok ng building ko. Pagpasok ko sa room na sa akin ang mga tingin ng kaklase ko. I'm sure that was because of Frea's post last night. "Sis, ang blooming mo ngayon, ha?" sabi ni Stefan, my gay friend. I just winked at him. "So, who's the lucky guy?" tanong naman ni Brenda, isa ko pang kaibigan. "Curious kami, sis! Nakatalikod kasi. I'm sure gwapo 'yon, ang gwapo ng likod, e!" malanding sabi ulit ni Stefan. "Sino ba kasi 'yon, ha?" Nakatingin lang sa'min 'yong iba naming kaklase at naghihintay sa isasagot ko. Wow, ha. Feeling ko artista ako ngayon na ini-interview dahil sa kumakalat na picture with an 'unknown guy' sa internet. "Masyado naman kayong nagpapaniwala kay Frea. Alam niyo namang mahilig 'yon gumawa ng issue," sabi ko na lang sabay upo sa upuan ko. "Ay, pa-showbiz ang sagot mga sis!" Natawa naman kami sa sinabi ni Stefan. "Asan na ba kasi si Frea? Siya lang ang makakasagot ng ating mga tanong kung ayaw magsalita ni Khyrss." Napatingin kaming lahat sa may pintuan nang biglang may nagsalita. "Why are you looking for me?" hinihingal na tanong ni Frea. Tumakbo siguro, time na, e. "We need your chika, girl!" Ngumisi si Frea sa kanila at kinindatan ako bago naglakad papuntang table niya. Kung hindi niyo alam, siya lang naman 'yong numero unong source ng chismis sa aming room. Chismosa 'yan, e. Kahit issue sa ibang faculty, alam. Lakas makasagap. Pero hindi naman masagap na may crush sa kan’ya si Aly. Magsasalita na sana si Frea nang biglang pumasok 'yong prof namin. Buti naman. Ang galing mo tumiming, Ma'am! Nagsimula nang mag-discuss si Ma'am about sa portfolio na gagawin namin at lahat ng details sinabi niya. Nagpakita rin siya ng iba't ibang example from old students at namangha naman kami dahil sa galing nilang kumuha ng litrato at sa editing skills na meron sila. By the way, our class is BFA in Photography nga pala. That's why I have DSLR with me. Nagpa-practice kasi ako palagi para talaga sa portfolio making because that's my most awaited part! At sobrang excited na ako. Kapag nage-enjoy ka talaga sa isang class, hindi mo namamalayan na time na pala. That was two hours, yet it only felt like 20 minutes. "Sasabay ba sa ating kumain si Algid?" Tanong ni Frea habang nagre-retouch. "At bakit mo natanong?" Mapang-asar ko siyang tiningnan. "Wala lang. Wala ba siyang friends na p'wede niyang sabayan kumain? Ba't dumadayo pa siya sa'tin?" "Crush ka kasi no'n." Napahawak ako sa bibig ko nang madulas ako at nasabi iyon. Patay ako kay Aly 'pag nalaman niyang sinabi ko kay Frea. "What? Baka ikaw," she said, not believing what I told her. "Ah, oo nga." Sinakyan ko na lang 'yong sinabi niya. Gusto ko kasi kung malalaman ni Frea ay galing mismo kay Aly. Bahala siya sa lovelife niya. 'Di niya nga ako tinutulungan kay Zach, e. Hindi ko rin siya tutulungan kay Frea. Duh! Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, nag-vibrate 'yong phone ko. Aly: I got a table for us. Wow naman, areglado si boss. Iba talaga ‘pag loverboy. Agad ko namang nakita si Aly nang makapasok kami sa cafeteria. Kinaway niya kasi 'yong kamay niya kaya dumiretso na kami sa table kung nasaan siya. "Hi, Algid." Nakangiting bati ni Frea. Seriously? Hindi ba niya ramdam na may gusto sa kan’ya si Aly? Napaiwas ng tingin si Aly. Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya. Torpe ang isang 'to. Ayaw gumaya sa'kin. Edi sana may lovelife na siya ngayon at third wheel na ako palagi. "Ano'ng gusto niyo? Ako na ang o-order. Madami kasing tao, e," sabi niya. Sus, kunwari pa si tanga. Pa-goodshot lang naman. Pero at least, pati ako damay. Kaya hindi na ako magsasalita. After saying our orders, ibinigay na namin 'yong bayad at umalis na siya. Napatingin ako sa wristwatch ko at biglang naalala si Zach. Agad kong binuksan ang messenger ko at ichinat siya kahit hindi siya online. Me: I guess you are already asleep. Meet me in your  dreams, then. Have a good night Binitawan ko na ang phone ko kasi dumating na si Aly dala 'yong foods namin at nagsimula na kaming kumain. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain, may naalala ako. Kinutinting ko 'yong phone ko, pagkatapos itinapat ko 'yon sa mukha ni Frea. Nasamid siya nang makita 'yong picture niya kasama 'yong isang guy kagabi sa restobar. Napainom siya sa iced tea niya. "Akala mo ikaw lang ang meron?" Natawa ako sa reaksyon niya habang si Aly ay nakakunot noong nakatingin sa aming dalawa. "Bakit, anong meron?" tanong niya. Ibinigay ko sa kan'ya 'yong phone ko. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha niya matapos makita 'yong picture. "I think Frea already got herself a boyfriend. What do you think?" I teased him. He glared at me. "Hoy! hindi, a. Chatmate ko lang 'yan sa telegram and we decided na magkita. Pero hindi ko pa siya boyfriend." "Hindi pa...What do you mean by that?" kunwaring interesadong tanong ko kahit na gusto ko lang naman asarin si Aly. Malay mo umamin 'pag nalamang may umaaligid-aligid na kay Frea, 'di ba? "He's courting me pa lang," kinikilig na sabi niya. "May balak ka bang sagutin?" Tanong ko sabay tingin kay Aly. Hindi na maipinta ang mukha ng loko. Sobrang sama na ng tingin sa'kin. Inaano ko ba s’ya, e nagtatanong lang naman ako kay Frea? "Depende." Ibinalik ko 'yong tingin ko kay Frea. "Pero may chance?" "Syempre naman!" mabilis na sagot niya. Napatingin kami bigla kay Aly nang padabog itong tumayo at umalis. He walked out! Napatawa ako. Mauunahan siya sa katorpehan niya, e. Tss. "Hala? Anong problema no'n?" inosenteng tanong ni Frea. Napairap ako sa tanong niya. Isa pa 'to, napakamanhid. Sarap nila pag-untugin. Napailing na lang ako at itinuloy ang pagkain. Biglang tumunog ang messenger ko kaya dali-dali ko iyong tiningnan. At nanlaki ang mata ko nang mabasa ang reply ni Zach sa isa kong mensahe sa kan'ya. Zach: Meet me in your dreams, then. ↪ I'll see you, then.   Sh*t! Sh*t! Sh*t! How to breathe properly!?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD