Sobrang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Kung kahapon naiinis lang ako, ngayon halos isumpa ko na siya. Hindi ko kasi ine-expect na gano'n ang sasabihin niya sa'kin dahil mukhang mabait naman siya roon sa mga unang mensahe niya sa akin. Pero hindi pala.
Pakiramdam ko susukuan ko na talaga siya kasi 'di ko matanggap na ininsulto niya lang ako. Sino bang maganda ang papayag na mainsulto? Duh.
Swerte niya pa nga kasi ako na ang nag-first move, e. It's not my thing kaya, pero para sa kan'ya, ibinaba ko na ang pride ko. Tapos gano'n lang ang sasabihin niya? Una pa lang, inis na agad ang naramdaman ko sa kan'ya, pero pinagpasensyahan ko na lang dahil nga crush ko siya at limang taon akong naghintay para makausap man lang siya. Pero 'yong sabihan niya akong may sakit sa utak? Hindi ko matatanggap iyon! Isa iyong paglapastangan sa aking kagandahan!
Kaya naman sobrang dami kong nasabi sa kan'ya dahil hindi ko na-control ang aking sarili. Pero hindi na siya nag-reply. Binitawan ko na 'yong cellphone ko bago ko pa iyon maibato sa kung saan at inubos ko na lang 'yong mga pagkaing binili ni Aly—hindi na kasi siya pumunta sa bahay namin. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na pinagtuunan 'yon ng pansin.
Ilang minuto pa akong naghintay ng reply niya pero walang dumating marahil ay tulog na siya, maghahatinggabi na rin kasi sa kanila.
Siguro ang himbing at sarap ng tulog niya ngayon dahil may na-basted siyang napakagandang dilag. Samantalang ako, hindi makalma sa sobrang sama ng loob ko sa kan'ya.
I decided to go upstairs to take a nap. Pero napasarap ang tulog ko at alasyete na ako nagising.
Agad kong binuksan ang aking telegram para tingnan kung nagreply na ba siya or na-seen man lang ang messages ko. Pero wala pa rin. Maybe he's still asleep as of the moment kaya tinitigan at binasa ko na lang ulit 'yong convo namin.
Zachary Villareal
(Last seen a long time ago)
I'm sorry to destroy your
phantasm, but I don't want to
marry someone who’s mentally ill.
11:03 AM
Me:
What? Ako? mentally ill!?
11:05 AM ✔
Kasalanan ko bang crush na
crush kita, Zach, ha!? Kung
tutuusin, ikaw nga ang may
kasalanan kung bakit ako baliw
na baliw sa'yo, e.
Ba't kasi napakagwapo mo?
11:05 AM ✔
Sobrang dami bang
nagkakagusto sa'yo na
magaganda kaya iniignore
at iniinsulto mo na lang ang
beauty ko dahil sawa ka na?
11:06 AM✔
Well, I just want you to know
that I'm not really serious with
what I said to you! I'm just playing
around. I'm just bored. Gusto ko lang
malaman if there's someone who can
turn down my beauty and unfortunately,
ikaw ang una.
11:07 AM ✔
Pero okay lang talaga sa'kin,
alam ko naman na kahit gaano
ka pa kabait o kaganda, may mga
tao talaga na hindi ka
magugustuhan at problema
na nila 'yon.
11:08 AM ✔
Oh, wait... did you assume that
I have a crush on you? Well,
sorry to say pero nagsusurvey
lang ako.
11:08 AM ✔
Yes, nagsurvey lang talaga ako
at hindi ako baliw sa'yo kaya
p'wede ka na magreply.
11:09 AM ✔
Uso mangseen at magreply.
11: 11 AM ✔
Hoy! Hindi nga kasi kita
crush! Kaya magreply ka na.
11:14 AM ✔
Napa-facepalm ako nang mabasa ko ulit 'yong mga sinabi ko kanina.
Sh*t!
Sa daming p'wedeng sabihing alibi, nag-survey pa talaga!? At bakit no'ng una, galit na galit ako tapos biglang pinipilit ko na siyang mag-reply? Bakit sobrang rupok mo, Khyrss?
Buti na lang hindi pa niya nasi-seen. Dahil mukhang tama siya, may sakit na nga talaga ata ako sa utak. Baka kung ano pang sabihin niya 'pag nabasa niya ulit 'yong kagagahan ko at mainsulto na naman ako nang sobra.
And what's with the 'last seen a long time ago' under his name?
I decided to call Frea to ask her something. It took her almost five minutes before she answered.
"Hoy, Franzyn Eallana! What took you so long to answer my call?" bungad ko.
"Kakatapos ko lang maligo, duh. Why did you call?"
"What's the meaning of 'Last seen a long time ago' sa telegram?" I asked.
I know she knows that kasi tambay siya ro'n. Ayaw daw niya dalhin sa messenger mga kalandian niya kasi mas maganda raw sa telegram.
"Bakit, 'te? Are you using telegram na rin ba?" usisa niya.
"Nope, I'm just asking," tanggi ko.
"Try harder. Been there, done that. 'Di mo na ako maloloko. Tsaka saan mo naman makukuha 'yan kung hindi ka user?" Tumawa siya. "So, who had the guts to block the Almighty Khyrss?" she continued.
Asshole! He f*cking blocked me after insulting me! Leche!
Dahil sa sobrang inis ko, napatayan ko si Frea ng tawag nang hindi man lang nakakapagpaalam. After few seconds, I felt my phone vibrated kaya tiningnan ko iyon. She sent me a message.
Frea:
You're always welcome, b***h-who-got-blocked
Me:
Sml?
Nang-asar pa ang gaga! Magsama sila ni Aly. Mga walang magawa sa buhay.
Kainis!
But what makes me upset the most is the fact that she's right. Zach blocked me at hindi ko iyon matanggap! Nanggigigil ako, gosh! Any tips on how to slap someone through social media?
I was about to throw my phone away when it vibrated again and this time, it's from Aly. Oh, speaking of the devil.
I read his message.
Aly:
Mom's looking for you.
Me:
On my way.
Dumiretso muna ako sa cr para ayusin ang sarili ko dahil kakagising ko nga lang. When I'm done, lumabas na ako ng kwarto at naglakad papunta sa kanila.
Sakto, hinahanap ako ni tita. Isusumbong ko sa kan'ya ang kalapastanganang ginawa sa'kin ng panganay niya.
Aba, ininsulto na nga ako, nang blocked pa! Taas naman ng tingin niya sa sarili niya para gawin sa akin 'yon!
Nang makapasok sa bahay ng mga Villarreal, nadatnan ko sila sa living room. Kumpleto sila ngayon maliban do'n sa damuhong nasa ibang bansa. Sana 'di na siya bumalik. Kumukulo ang dugo ko sa kan'ya, leche siya!
Agad akong lumapit kay tito at hinalikan siya sa pisngi.
"Hi, Tito. Hindi kita masyadong nakikita nitong mga nakaraang araw, ah! Nagsasawa ka na po ba sa kagandahan ko?" biro ko bago umupo sa tabi niya.
Natawa naman siya sa akin. "Ikaw talaga, syempre hindi. Naging busy lang talaga ako nitong mga nakaraang araw," paliwanag niya. "Kumusta ka naman? Lagi ka pa rin bang binubully ni Algid?" tanong niya.
Napatingin ako kay Aly na nakaupo sa kaliwa ni tito. Sinamaan niya ako ng tingin. Natawa naman ako.
"Yes, Tito. He never stops getting into my nerves kaya ayon, lagi ko siyang nasasaktan."
"Sure kang nasasaktan lang? E, no'ng isang araw nga, iniwan mo ako sa gilid ng kalsada gamit 'yong kotse ko pagkatapos kitang hintayin," parang batang sumbong ni Aly.
"You pissed me off, remember?" Inerapan niya ako.
Mukha kaming magkapatid na nagsusumbong habang ang ama namin ay natatawang nakikinig lang sa amin.
"Oh, andito ka na pala, Khyrss. Pinatawag kita dahil may ipapakilala ako sa'yo." Iniabot ni tita 'yong dala niyang isang basong tubig kay tito bago naupo sa tabi ko.
Bigla kong naalala 'yong ginawa sa'kin ni Zach. Ibinaling ko 'yong katawan ko sa kan'ya.
"Pass muna ako riyan Tita, ma—" She cut me off.
"Kahit na sabihin kong si Shein ang ipapakilala ko sa'yo?" Nagsalubong ang kilay ko by the mere mention of his name.
"You don't have to, Tita. Kilala ko na siya, matagal na. At galit ako sa kan'ya ngayon. Alam mo ba ang ginawa sa'kin ng panganay niyo, Tita? He insulted me! Sinabihan niya akong may sakit sa utak and after saying that, he blocked me! Napakabastos, Tita! I never expected that he's so full of himself that he had the guts to do that to me." I just stopped to breathe kasi malapit na akong mawalan ng hininga dahil sa mahaba kong litanya.
"Actually, Khyr—" May sasabihin sana si Tita but Aly cut her off.
"Mom, let her say what she got to say." Natatawang pigil ni Aly sa kaniyang ina.
Napatingin si Tita sa harapan bago ibinaling iyon kay Aly at sa akin. There's something in her facial expression but I just ignored it to continue my rants.
"So, ayon, Tita, I just want to say sorry kung hindi ko na matutupad 'yong promise ko na maging part ng family niyo as your daughter-in-law, sinusukuan ko na po kasi 'yong panganay niyo, Tita. Baka mabaliw lang ako nang dahil sa kan’ya. But you can always have me here, anytime. Magkatapat lang naman po 'yong bahay natin." I hugged her arm.
The Villareals laughed in unison. I pouted.
"Why are you guys laughing?" I asked while looking at them. "Seryoso po ako!" I frowned.
"Ang bilis mo naman ata sumuko? 'Di ba ilang taon mo na siyang crush tapos dalawang araw mo pa lang siyang nakakausap, ayaw mo na? What happened to your positive fighting spirit?" Natatawa pa rin na tanong ni Aly.
"Blame your gwapong-gwapo sa sarili na kapatid." I rested my back at the couch and crossed my arms. "Oh, I have a favor. Kung makakausap mo man siya, sabihin mo sa kan’ya na aspalto sa kapal 'yong mukha niya para insultuhin ako. Sa ganda kong 'to, hindi siya kawalan. Duh." I rolled my eyes heavenward.
"Actually, I don't have to..." Aly said and pointed the laptop in our front— rested in the center table. Bakit hindi ko 'yon napansin kanina?
"Sari, I want you to meet my brother and say hi to him." Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Zach! s**t! Oo! They're on video call! All this time, ando’n lang siya at nakikinig sa mga pinagsasasabi ko! Kaya pala gano'n ang itsura ni tita habang nagrarants ako, at kaya pala kanina pa ako pinagtatawanan ni Aly dahil he knew that Zach was there, listening to me, bashing him.
Mabutas ka sofa at lamunin mo na ako! Nakakahiya! Sh*t!
Ngayon ko lang sila naabutan na ka-video call si Zach. Madalas kasi, nasa school kami ni Aly. At never din nila akong naipakilala sa kan'ya through call kasi akala nila nakakausap ko na si Zach. No'ng isang araw ko lang nabanggit kay tita na hindi niya pa rin ako naa-accept kaya siguro pinapunta niya ako ngayon dito.
"Oh, Sari, bakit ka naestatwa r'yan? para kang nakakita ng multo, a. Kalma, future husband mo lang 'yan." He emphasized 'future husband' to tease me.
Natawa si tito at tita. "Malay mo naman. We'll never know what our future looks like," Tito said.
Zach smirked at me. Imbes na magalit, bakit ang gwapo no'n sa paningin ko?
Oh, my, God! Am I slowly losing my sanity?
This can't be! Khyrss, get a hold of yourself! 'Wag kang maging marupok!
Natigilan ako nang magsalita na si Zach.
"Oh, so, you're Khyrss Villareal." In-emphasize niya 'yong pagkakasabi niya ng apelyido nila na para bang inaasar ako.
Hindi ako umimik at tinitigan lang siya. Kaya naman nagsalita muli siya.
"Nice to finally see you, my future wife," he said in a husky voice. My heart skipped. Normal ba ang pagiging sexy ng mga boses ng lalaki t'wing bagong gising!?
I know he just said that to mock me but why do I have this feeling that he's flirting with me!? At bakit imbes na mainis ay kinikilig ako!?
Bakit ba ang rupok ko pagdating sa kan’ya!? Hindi ako natutuwa! Hindi 'yon maari! Galit ako sa kan’ya kaya bawal akong kiligin.
Khyrss, pigilan mo 'yang kalandian mo!
Nanatili akong tahimik. I forced myself to glare at him baka kasi kung anong isipin niya dahil nakatitig lang ako sa kan'ya.
"Dude, baka mamatay 'yan sa kilig." Aly and their parents laughed.
Bakit pakiramdam ko pinagkakaisahan ako ng pamilyang 'to? Ugh!
Tumayo na ako para umalis dahil nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko kanina dahil alam kong narinig niya iyon. Wala rin naman akong magawa kundi ang tumitig sa kan'ya because I felt like my voice left me the moment I saw him through screen. Pa'no pa kaya 'pag sa personal 'di ba?
"Where are you going, Sari? It's your chance to talk to him. You should grab it." Aly winked at me.
I mouthed him 'f*ck you'.
He just laughed, natutuwa sa reaksyon ko magmula nang makita ko si Zach.
"Oo nga, Khyrss, anak. Why don't you stay a little longer? Para naman makausap at makilala mo na siya. That's the reason why I called you here." Napapikit ako at huminga nang malalim bago lingunin si tita.
I tried to smile at her pero aware akong mukha iyong ngiwi. Kasi naman, 'di ba niya feel na nahihiya ako sa anak niya? Tapos gusto niya pa akong mag-stay. Baka asar-asarin lang ako ng magkapatid na 'yan kaya mas mabuti nang umalis ako rito as soon as possible.
"I'm sorry, Tita. Ngayon kasi ang uwi nila mommy at daddy from Ilocos and I want to cook for them before they got home," I reasoned out. Pero totoo 'yon. Uuwi na sila mommy ngayon, though I'm not sure if they haven't eaten yet kasi mga alas nuwebe pa sila makakarating, baka kasi dumaan na lang sila sa isang resto para kumain.
"Sus, reasons," Aly said as if I'm just making things to avoid his brother. Pero medyo totoo naman 'yon.
"If you want, you can go with me and watch me cook while waiting for my parents." I rolled my eyes at him.
"No thanks, baka ro'n mo pa ako gantihan at hindi na ako makauwi ng buhay dito." He gestured me to go away.
"Whoa! buti at naisip 'yan ng utak mo? Nakakagulat, 'di ako makapaniwalang gumana 'yan ngayon." I said, shock plastered on my face to make it look dramatically.
"Ano'ng gusto mong iparating, ha?" hamon niya.
"Nothing... I just find it amusing since your brain doesn't usually work." I shrugged my shoulders and started to walk away.
"Sari!!" Aly shouted while his parents started laughing at him.
"Send our greetings to your parents, then," tita finally said. I nodded before I started walking away.
"I like that one. She got you there, bro." Zach laughed.
Suddenly, I felt my heart started pounding so hard. Napahawak ako sa dibdib ko at napahinto sa paglalakad.
Did I hear him laugh?
At bakit ganito ang reaksyon ko?
I don't usually have such reactions to sounds as I do to his laugh. I do enjoy the sound of the camera while I'm taking photos, and I love the sound of rain when it falls. But these sounds don't usually carry the same amount and variety of feeling to my heart as his laugh does to my heart.
Sh*t!
Hindi maari!
Binilisan ko ang lakad ko at nang makarating sa aming bahay, napasandal ako sa likod ng pinto at napahawak nang mahigpit sa aking dibdib.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili.
Why do I still hear his laugh in my head?
At sa bawat segundong lumilipas, mas bumibilis ang t***k ng puso ko.
Pwede ba 'yon? 'Yong ma-inlove ka sa isang tao na hindi mo pa nakikita o kahit nakakausap?
Kasi kung oo—no! Hindi! Imposible iyon. Bakit naman ako ma-iinlove sa isang taong ni minsan ay hindi ko nakita sa personal o kaya ay nakausap man lang? Isa 'yong kahibangan.
I've been with Aly for almost a decade but my feelings for him never changed more than friends. Kaya ang ma-inlove sa not-really-a-stranger-but-a-stranger ay isang kabaliwan.
At hindi ako baliw. Hindi pa.
Pero bakit ganito ang t***k ng puso ko? Parang gustong kumawala sa dibdib ko.
Bakit ba kasi naka speaker pa sila? Hindi ba nila maririnig kung sa laptop lang? 'Yan tuloy, narinig ko 'yong tawa niya. Nagkakagulo tuloy ang buong sistema ko ngayon. Ugh!
Nang maalala ko 'yong mga sinabi ko sa telegram na hindi pa niya nababasa, dali-dali kong dinelete iyong buong conversation namin tho hindi ko alam kung mabubura ba iyon sa kan'ya. Baka kasi pag in-unblock niya ako ro'n ay mabasa pa niya 'yon. I don't really have any idea how that app works. But I hope hindi na niya mabasa iyon. Baka wala na akong mukhang maiharap sa kan'ya if ever na mangyari ulit 'yong kanina.
After five minutes of calming myself, dumiretso na ako sa kusina. Tiningnan ko kung anong pagkain ang p'wede kong lutuin. But I found nothing. Hindi pa pala ako nakakapag-grocery.
I texted mom if they need me to cook late dinner for them and luckily, she replied saying they are eating right now in a restaurant.
Sana all nakain na, mom and dad. 'Yong anak niyo kasi, hindi pa nakain simula tanghali.
Huling kain ko pala, e 'yong mga binili ni Aly na not-so-healthy foods and after that, natulog na ako nang hindi man lang nagla-lunch.
I decided na kumain na lang sa labas. Gusto ko sanang makikain nalang ulit kila Aly kaso sabi ko kila tita magluluto ako para sa parents ko. Baka magtaka sila. Though totoo naman 'yong reason ko. Ayaw ko lang asarin ako ni Aly.
Umakyat muna ako sa kwarto ko saglit para magpalit ng top at inayos 'yong buhok ko. Naglagay lang ako ng powder at kaunting liptint. Kinuha ko na rin 'yong sling bag at 'yong susi ng kotse ko bago naglakad palabas.
I ended up in a resto bar near our subdivision dahil gutom na gutom na talaga ako. Wala na akong energy para maghanap pa ng ibang makakainan.
Pumasok na ako sa loob at inikot ang paningin para maghanap ng table. The place was crowded. Wala akong makitang bakanteng table pero may nakita akong bakanteng upuan sa isang table for two. May nakaupong isang guy do'n at mukha namang mag-isa lang siya.
Kaya naman lumapit ako sa kan'ya to ask if I can occupy the seat. Makiki-share na lang ako sa kan'ya kaysa maghanap pa ako ng ibang makakainan.
"Hi, is this seat available?" I politely asked.
"Do I look like I have a girlfriend?" he asked back. Medyo natawa naman ako ro'n. Bitter ba siya dahil wala siyang girlfriend? Nagtatanong lang naman ako about sa upuan, e. Hmp!
"Honestly, I don't have any idea. And that's not what I'm asking about. I'm asking about the availability of this chair," I answered. He stared at me for a few seconds before he speaks.
"Tss. You can sit there, I'm alone." Pagsusungit niya. Oh, okay, he's weird.
"Thanks." I smiled at him bago ako naupo. Nilapitan naman ako kaagad ng waiter para makuha 'yong order ko.
After placing my order, I roamed my eyes around to search for familiar faces. At hindi ako nabigo! I saw Frea na nasa table lang sa likuran ng lalaking nasa harap ko! And she's with someone. A guy I'm not familiar with.
Kaya pala kakaligo lang niya nang tawagan ko siya kanina. May date pala ang gaga! Kawawang Aly. Napaka torpe, e. Ayan tuloy nauunahan.
I get my phone to take a photo of her. Aasarin ko lang si Aly. It's payback time, dude.
"Hey, what are you doing?" tanong ng lalaking nasa harap ko nang itutok ko na ang camera ng cellphone ko kay Frea.
"Taking a photo," I said.
"Of me?" He smirked.
"What? No! Why would I?" Ang kapal naman ng mukha niya, ha! Though mukha ngang siya ang pi-picture-an ko, pero kahit na, uso kaya ang magtanong bago mag-assume.
"Bakit nasa akin 'yong camera?" he asked, not convinced.
"Oh, sorry, mister, but I'm not taking a photo of you. My friend's just in your back and she's the one I want to take a photo of," I explained. Gwapo mo sana, kaso assumero ka.
Wow, coming from me!
"You sure?" He raised his right brow at me.
"Yes, I am. Now if you don't mind, can you move your head in your right because you're quite blocking her." He laughed. My forehead creased. "Why?" I asked.
"You're cute." Nagulat ako sa sinabi niya pero agad ding nakabawi.
"I know that already." I smiled. "Now, please do me a favor and move a little kung ayaw mong makasama sa picture." Muli kong itinutok ang cellphone ko kay Frea na abala sa pagtawa sa kausap niya. Napairap ako. Ang harot talaga ng babaeng ‘to!
After I took some photos, dumating na 'yong food ko at nagsimula na akong kumain.
While eating, kinakausap ako no'ng lalaki. He's asking me some things and gano'n din ako sa kan’ya at minsan, natatawa kami sa sagot ng isa't isa. Sa totoo lang, mukha kaming magkakilala at sabay na pumunta rito para kumain when in fact, nakiupo lang ako rito.
Mabait naman pala siya. He also knows how to handle a conversation kaya walang masyadong dead air sa table namin.
Nang matapos akong kumain, nag-stay muna ako dahil nae-entertain talaga ako sa kan'ya. I'm really enjoying his company. Maya-maya pa nang maramdaman niyang paalis na ako, he asked for my social media accounts at hindi ako nag-hesitate na ibigay 'yon dahil harmless naman siya.
I opened my sss account to accept his friend request pero nagulat ako kasi ang dami ng notifications ko.
What caught my attention was Frea's name.
Franzyn Eallana tagged you in a post.
20 minutes ago
Pinindot ko iyon at agad na nanlaki ang mata nang makita kung ano iyon.
It was photos of me... and this guy in front of me with a caption 'Look who got herself a boyfriend without telling her friends?'
Sh*t! Napaka-issue mo talaga, Frea!
Her post consists of four photos—all stolen. At kailan pa siya naging paparazzi!? Pinindot ko 'yong post niya para tingnan ang mga iyon.
The first one is I'm holding my phone while he's blocking the camera. It looks like pini-picture-an ko siya pero ayaw niya. In the second one, I'm licking my lower lip while looking at him. I scrolled down to see the third photo. In this one, I'm smiling at him. He complimented me here that's why I'm smiling. Tiningnan ko pa 'yong panghuli and in that photo, tapos na ako kumain at nakapangalumbaba na ako habang nakangiti kay Saimon—his name.
Hindi ko na nabilang kung ilang beses kong namura sa isip ko si Frea dahil sa kabaliwan niya. Gaga talaga ang babaeng 'yon! Spreading fake news is indeed her hobby.
Pumunta ako sa comment section at isa-isang binasa ang comments ng mga kaibigan ko at ilang kaklase.
Brenda Lopez: Ang galing magtago ng gaga!
CJ Rodriguez: Who’s the lucky guy?
Brenda Lopez: Face reveal!!
Rina Cruz: Sure na ‘yan? Si Khyrss may boyfriend naaa??
Steffan Marquez: Sh*t! Likod pa lang ang gwapo naaaa!!! Ehem, baka gusto mong ipakilala sa amin yan?
Algid Villareal: @Zachary kaya pala siya nagmamadaling umalis kanina dahil may date pala. Who’s that guy, @Khyrss Sariah? Baka naman gusto mong ipakilala sa akin?
Algid Villareal: @Khyrss Sariah, uwi na agad ha? U need to explain yourself.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang unang comment ni Aly. Lecheng lalaki ‘to minention pa talaga ang kapatid niya. Balak pa ata akong siraan, e alam naman niyang wala akong boyfriend!
Ang sarap nilang pag-untugin ni Frea.
Pakiramdam ko nawalan ako ng hininga nang may nag-popped up na chat head ng hindi ko inaasahang tao sa aking screen. Nanginginig ang kamay ko nang buksan iyon. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang mabasa ang mensahe niya.
Gonna cook dinner for your parents, huh?
Zach said and I know he's being sarcastic. I checked my f*******: notifications once again and there, I saw his name.
Zachary Shein Villareal accepted your friend request.
1 hour ago
Sh*t! I'm sure he saw Frea's f*cking post that's why he's being sarcastic!
Don't you f*cking dare show me your face, Franzyn Eallana 'coz I'll surely kill you!