CHAPTER 3

3029 Words
"Bakit ka nga pala biglang nag walk out kahapon? What happened?" curious na tanong ni Aly pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa cr ng kwarto ko. Umasim na naman bigla ang mukha ko nang maalala 'yong reply sa akin ni Zach kahapon. Excited pa naman akong makausap siya tapos gano'n agad ang atake? 'Are you one of my cousins?' What the hell, 'di ba? Nainis talaga ako nang bongga at hindi ko na siya ni-reply-an pagkatapos no'n. Nag-walk out ako at nagkulong sa bahay namin buong araw. G*go! Future wife mo ako! Cousin ka r'yan!? "Hoy, 'yong mukha mo, ang panget." Napabalik ako sa ulirat nang pindutin ni Aly ang noo ko gamit ang hintuturo niya. Hinawi ko naman iyon at sinamaan siya ng tingin. "Wala ako sa mood makipag-asaran sa'yo," I said bago siya nilagpasan at umakyat sa kama ko. "Ay, sis, may period ka? Next week pa schedule mo, a? Napaaga ba ang dating?" he said trying to lighten up my mood. Kahit ang cute ng 'sis' niya ay 'di ko pa rin makuhang ngumiti. Kasi naman! I expected so much from his brother tapos gano'n ang response niya!? Tss! "Hoy, Sariah, you're spacing out. Is there something wrong? Tell me. You know you can always tell me, right? I'm worried, you're not your usual self since yesterday." he uttered in a concerned voice. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Ipinulupot ko ang braso ko sa braso niya at isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat. Yeah, this is me when he's being sweet—I can't help but to get clingy. Hindi naman kami puro bangayan lang, 'no. "And what's my usual self?" I asked in a low voice. "You, being an annoying bitch." He laughed. "T*ngina mo! Lumayo-layo ka sa'kin at hina-high blood ako sa'yo! Panira ka!" singhal ko, sabay tulak sa kan’ya. I thought he was being sweet. Matutuwa na sana ako, pero 'di pala. "Yeah, right. Sariah and her abnormal mood swing," he murmured. "What did you just say? Pakiulit nga?" I shouted at him, though I heard it clearly. "Nothing," he smiled at me. "Do you want to go out?" he said, changing the topic. "Wala ako sa mood lumabas." Nahiga ako at tinalukuran siya. Nag-iinarte. Feeling medyo broken. Medyo lang talaga. Hindi siya sumagot. I thought he left my room already pero nagulat ako nang biglang siyang sumulpot sa harapan ko at binuhat ako na parang bigas sa kaniyang balikat. "That's why I'm asking you to go out. Wala ka sa mood so I'm gonna treat you. Let's buy your comfort food." Lumabas na siya ng kwarto at dire-diretsong bumaba ng hagdan. "Ibaba mo na nga ako! Ang sakit kaya sa tiyan, g*go ka! Bubuhatin mo na nga lang ako, parang bigas pa!" Hinampas ko ang likod niya. "And how do you want me to carry you? Bridal style? Ul*l. 'Di naman kita jowa kaya okay na'to." This time, kinurot ko naman 'yong tagiliran niya. "Hindi mo ba kayang maging sweet kahit buong five minutes lang? 'Yong walang halong pang-iinis?" Nahihirapang sabi ko dahil sa pwesto ko. "At p'wede ba, ibaba mo na ako! Kaya kong maglakad!" "Paanong baba? Una ang paa o una ang ulo?" Ugh! He's so f*cking annoying! "Do you have a death wish? If you have, I can f*cking kill you right away," I said in between gritted teeth. Pero hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy pa rin siya sa pagbaba ng hagdan. Tuwing humahakbang siya ay para bang naiipit ang mga internal organs ko sa may tiyan. Ang sakit. Sinabunutan ko siya kahit nahihirapan na ako sa p'westo ko. “Ibaba mo na nga ako, sasama na ako! Isa!” "Aray, aray, tama na, Sari! Eto na, ibababa na kita. 'Pag ikaw nabitawan ko..." Kung siya magaling mang-asar, ako naman, physical kung bumawi. Kaya talo lagi siya kasi hindi naman siya gumaganti, e. Gentleman kasi siya, tho, hindi halata. Pero slight lang 'yon, 'no. Pagkatapos ko siyang sabunutan, ibinaba niya na ako. Tinaasan ko siya ng kilay. He pouted. "Napaka-sadista mo talaga!" "Blame yourself, duh. You're asking for it. And it's my honor to give you what you want," mataray na tugon ko. "Edi, wow!" Inerapan ko na lang siya. "Dahil basta mo na lang akong binuhat palabas, ikuha mo ako ng footware sa kwarto ko. Pati 'yong cellphone ko. Bilis!" utos ko. Magrereklamo na sana siya nang samaan ko siya ng tingin. "Eto na nga, kukunin na." Napakamot siya sa ulo bago bumalik sa loob ng bahay namin at sundin ang iniutos ko. Nakapameywang ako habang inaantay siyang bumalik. Tiningnan ko ang suot ko. I'm wearing a black maong shorts and gray spaghetti top. Buti kakaligo ko lang. Lalabas pa naman kami. Maya-maya pa ay dumating na si Aly dala ang mga pinakuha ko. "Oh." Inabot niya sa'kin 'yong cellphone ko habang ibinaba niya naman sa may paa ko 'yong dala niyang slippers. "Good job, alalay ko." "Excuse me? This kind of face, alalay mo? Lol. Kahit sa panaginip mo, wala kang magiging alalay na ganito ka-gwapo, uy!" pagmamayabang niya. "Oh, e,'di ikaw na ang gwapo. Gwapong walang girlfriend." I laughed. "At least, gwapo. E, ikaw? Panget na nga, wala pang boyfriend." I shot him a death glare. He just shrugged his shoulder bago ako iniwan at naglakad papunta sa kotse niya habang sumisipol-sipol pa. Ugh! Bwesit! Napapadyak ako sa inis bago siya sinundan. Asar pa, Khyrss. Tapos 'pag ikaw ang inasar, mapipikon ka. My subconscious said. Nang makarating kami sa 7/11 sa labas ng subdivision namin, bababa na sana ako nang pinigilan niya ako. "What?" Kunot-noong tanong ko. "Ako na lang ang bababa. Just wait for me here," aniya sabay lingon sa gawi ng 7/11. "Ayoko. Sasama ako sa loob." "What for? I know your comfort food. Ako nalang ang bibili. You don't need to come." Nagtataka akong tumingin sa kan'ya. He's acting weird. "Pero gusto ko ring magtingin ng iba pang pwedeng bilhin na pagkain," pilit ko. "You don't have money with you, remember?" "Your treat, remember? Might as well enjoy it. Teka nga, ba't ba kasi ayaw mo akong pasamahin sa loob? Edi sana iniwan mo na lang ako sa bahay at ikaw na lang ang bumili mag-isa!" Naiinis na naman ako. Ba't ba gusto niya akong ma car-zoned? Teka, meron ba no'n? "Look." Tinuro niya 'yong mga kalalakihan na nagyoyosi habang nakatambay sa labas ng 7/11. "Oh, pake ko sa kanila?" "Engot mo naman, Sari, e! Tingnan mo nga 'yang suot mo. Nakapangbahay ka lang. You're showing too much skin. Sa tingin mo ba, hahayaan kitang dumaan sa harap ng mga 'yon? Paano kung mabastos ka? Edi napaaway pa ako," Inis na paliwanag niya sa'kin nang hindi ko na-gets ang gusto niyang iparating. Napangiti ako sa sinabi niya. This is the side of him that I don't always get to see. Kaya everytime na magiging ganito siya ka-overprotective sa'kin, napapangiti ako at natutuwa. Sino bang hindi? "Why are you smiling?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Ang sweet mo kasi sa part na 'yon." Pag-amin ko. "Ha! Ul*l. Ayaw ko lang naman mabangasan 'tong napaka-gwapo kong mukha 'no. Akala mo ikaw? Well, sorry to disappoint you my dear Sari, but what I'm protecting here is my gorgeous face, not you." He then smirked at me. F*cking asshole!  Nagbago na ang isip ko, binabawi ko na 'yong mga sinabi ko kanina! Tho, I know naman na ayaw niya talaga akong mabastos at gusto niya lang akong asarin, pero binabawi ko pa rin. Kainis, e. "Oh, Sari, ang mukha, humahaba." He laughed. Maghahanap pa sana ako ng pwedeng ipang bato o hampas sa kan'ya nang dali-dali siyang lumabas. Pero bigla siyang bumalik nang may maalala. "Kuhanin ko lang 'tong susi, baka iwan mo na naman ako, e." Tinaas-baba niya 'yong kanang kilay niya. "Naninigurado lang. Ayos ba?" "Umalis ka na kung gusto mo pang umuwi na maayos ang pagmumukha mo. Kapag ako 'di nakapagpigil sayo, malilintikan ka sa'kin." He just made face at me bago tatawa-tawang isinarado ang pinto. Kinuha ko na lang 'yong cellphone ko at binuksan 'yong mga social media accounts kong wala namang kwenta kasi walang nag-uugnay sa amin ni Zach. Pagkatapos ko i-check 'yong sss, ig, at twitter account ko, naisipan kong tingnan ang telegram account ko. Oo, naiinis pa rin ako kay Zach dahil sa reply niya pero wala namang mangyayari kung magpapabebe pa ako rito. Hindi niya naman ako susuyuin. Tsaka kasalanan ko rin naman kasi surname niya 'yong ginamit ko. Iisipin niya talagang pinsan niya ako kasi parehas kami ng apelyido at higit sa lahat ay alam ko ang account niya. Pero I doubt that. Tita told me na kilala ako ni Zach kasi naiku-kwento nila ako sa kan’ya. Maybe he’s thinking we’re different person o baka makakalimutin siya at hindi niya tanda 'yong name ko.  Nakatitig lang ako sa screen ng phone ko habang pinagkikiskis 'yong dalawa kong hinlalaki. Nag-iisip kasi ako kung ano ang ire-reply ko sa kan’ya. Magta-type na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at pumasok si Aly dala ang mga pinamili niyang pagkain. Inilagay niya 'yong iba sa backseat at ibinigay naman sa akin ang Pringles ko. "Sinong ka-text mo? Si Frea? Patingin!" Hindi pa ako nakakasagot pero hinalbot niya agad ang cellphone ko. "Nope, I'm not talking with your Frea. That's my baby," sabi ko habang binubuksan 'yong Pringles. Tiningnan niya 'yong nasa phone ko. "We? baby ka d'yan, pinsan ka nga raw, e," sabi niya sabay hagalpak sa tawa. "Kakaiba ka, Sariah! Hindi ka nga na-inbox-zoned, 'di rin seen-zoned, pero na cousin-zoned! Bago 'yon ah. I salute kuya for that. Walang duda, magkapatid nga kami." Walang tigil siya sa kakatawa habang nakahawak ang kaliwang kamay niya sa tiyan. Habang ako naman ay busangot na ang mukha habang pinapanood siya. "I'm sure eto 'yong nabasa mo kahapon kaya ka nag-walk out at sumama ang mood mo hanggang kanina. Nakakainsulto naman kasi talaga, e. Naiintindihan na kita, best friend." He teased more. Ugh! Naririndi na ako sa tawa niya! "Oh, ba't 'di mo ni-reply-an? Matagal mo nang gustong makausap si kuya, a? Dapat bumanat ka, imbes na nagmukmok ka buong araw. Malawak naman ang isip mo pagdating sa kan'ya, e," sabi niya matapos ang limang minutong pagtawa. Yes, gano'n katagal. "'Yon nga, na-blangko ang isip ko dahil sa reply niya." I said, earning another laugh from him. "Ganito dapat sinabi mo..." Nagsimula siyang mag-type nang kung ano sa cellphone ko. "Hoy! ‘Wag mong re-reply-an! Baka kung anong sabihin mo, isa!" I tried to get my phone from him pero kayang-kaya akong pigilan ng isang kamay niya habang ang isa ay nagta-type. "T*ngina, hoy! Subukan mo! Masasampal kita!" banta ko, kinakabahan. Pero tila wala siyang pake dahil nang matapos siyang mag-type, sinend niya iyon at kusang ibinalik sa akin ang cellphone. "Problem solved," he said proudly. Agad kong tiningnan ang ini-reply niya at halos maibato ko sa kan’ya 'yong phone ko nang mabasa iyon. Yes, I'm your cousin. Cousin-tahan. Rawr! What the f*cking hell, Aly!? Sinamaan ko siya ng tingin. Akmang babatuhin ko na siya ng Pringles nang mapansin kong nag-double check na 'yong nasa baba ng message. Ibig sabihin, nakita na niya! "Aly!!!" I shouted from the top of my lungs. Tinakpan naman niya 'yong bibig ko gamit ang kamay niya. "You're so loud, Sariah. At tsaka, ba't ka ba nagagalit? Okay naman 'yong sinabi ko, ah? Ganiyan ka naman bumanat." He laughed. I bit his palm so hard. He yelped in pain. "T*nga, igagaya mo pa ako sa'yo! Napaka-jejemon mong hayop ka!" bulyaw ko sa kan'ya. "Bumabanat ako, oo. But with a class, duh." I rolled my eyes at him bago bumaling sa cellphone ko. Baka ma-turn off sa'kin si Zach, omg! "Sus, with a class ka riyan, parehas lang 'yong banat. Kaartehan mo." Hindi ko na siya pinansin dahil naka-focus ang buong attention ko sa magiging reply ni Zach. "F*ck, ang sakit." Nilingon ko siya at nakita kong ipinapaypay niya 'yong kinagat kong kamay niya. "Buti nga sayo!" "Hinahasa mo ba 'yang ngipin mo? Napakatalas, e! Look, may wounds." Inilapit niya sa mukha ko 'yong kamay niya para ipakita 'yong kinagat ko. "'Look may wounds' ka r'yan. Ano ka, babaeng conyo? Sure kang lalaki ka talaga?" Tinabig ko lang 'yong kamay niya palayo. "Ikaw, sure kang tao ka?" he asked me back. "I should go to hospital and have it checked," sabi niya pa habang tinitingnang mabuti 'yong palad niya. "Oa ka, 'di mo ikamamatay 'yan." "'Di mo sure. Baka kasi may rabies ka, mahirap na." Nagpanting naman ang tainga ko dahil sa sinabi niya. "Do I look like a f*cking dog to you?" Inis na singhal ko. "What do you think?" He looked at me while smirking. "Alam mo, t*ngina mo! Sana nga may rabies ako at mapatay kitang leche ka!" "Ikaw nagsabi niyan, ha? Hindi ako." "That's what your face is telling me!" I shouted. "'Di mo sure." I've had enough. Inubos na niya ang pasensya ko. Kinuha ko 'yong tsinelas ko at pinaghahampas siya. Ginagalit niya ako nang sobra. Leche! "Aray, aray! Aray ko naman, Sariah! 'Pag asaran, asaran lang. Walang pisikalan. Napaka-pikon mo naman, e," sabi niya habang sinasalag ng kaniyang braso ang mga hampas ko. Hinihingal ako nang tumigil ako sa panghahampas sa kan’ya. Mukhang nadala naman siya kaya hindi na siya umimik hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ko. Kinuha ko 'yong mga binili niya at dire-diretsong pumasok sa loob. Umupo muna ako sa living room para intayin siya. Bigla kong naalala si Zach kaya naman dali-dali kong binuksan ang phone ko para mag-telegram. Napangiti ako nang makitang may reply ulit siya. Me: Yes, I'm your cousin 10:23 AM ✔✔ Cousin-tahan. Rawr! 10:23 AM ✔✔ Zach: Lol. Wtf? 10:27 AM Corny. 10:28 AM   Natawa ako sa reply niya. Yes, baby! Napaka corny talaga ng kapatid mo. Ewan ko ba kung bakit, pero kinikilig ako ro'n sa 'lol. Wtf' niya. Nababaliw na ata talaga ako. Sa kan'ya. Para akong tangang nakangiti rito habang tinititigan 'yong sinabi niya.  Napakarupok, Khyrss! Kahapon lang nagtatampo ka r'yan, tapos ngayon kilig na kilig? After a few minutes, I typed my reply. Me: That's your brother And yes, he's really corny. 10:45 AM ✔ Slr. I just fought with him because of that. 10:45 AM ✔ Hindi ko inalis ang tingin ko sa conversation namin dahil iniintay ko siyang mag-reply. Online naman siya, e. I'm sure magre-reply siya. I just realized... Why is he online? It's freaking 10:45 pm there. Lagi ba siyang nagpupuyat? Tss. It's bad for your health, baby. Baka mamatay ka nang maaga. Paano na ako? Ayaw kong tumandang dalaga. Charot! Na-excite naman ako nang makitang na-seen na niya 'yong message ko. At sumunod do’n ay ang reply niya! Omg! Ramdam niyo na ba ang pag-iibigang malapit nang maisakatuparan? Kasi ako, medyo ramdam ko na. I giggled before reading his reply. Zach: Oh... Algid? 10:47 AM Magta-type na sana ako nang mag-reply ulit siya. Napasinghap ako nang mabasa 'yon. Zach: Are you his fiancée? or his wife? 10:47 AM I just want to know 'coz I don't think there's Khyrss in our clan. Not unless you married into our family. 10:48 AM Nafu-frustrate na ako sa kan'ya, ha! I was expecting one word replies from him just like what others do whenever some strangers chatted them but he's not. He's different. And to be honest, I prefer one-word reply from him than this. Kasi naiinis ako! Naiinis ako sa mga pinagsasasabi niya! Para akong naiinsulto dahil hindi niya ako kilala! Hindi niya kilala 'yong future wife niya at iniisip pa niya na asawa ako ng iba! Zach, Ikaw ang gusto ko! Limang taon na!  I wanted to shout at him. Pero kinalma ko ang sarili ko. Relax, Khyrss. Pagpasensiyahan mo na. Breathe in, breathe out. Hindi ko naman siya masisisi kasi hindi naman siya aware kung sino ako sa buhay niya. I just need to be patient with him. Nang makalma ko na ang sarili, nagsimula na akong magtype ng reply sa kaniya. Me: Yes, I'm soon to be married... 10:50 AM ✔✔ What took him so long to reply? Na-seen na naman niya. Na-seen zoned na ba ako? Wait, 'di pa ako ready! I was about to send him 'to you' which is kadugsong no'ng first message ko when he finally replied. Zach: That's good news. Tho, I'm not informed that he had a girlfriend. And you, his fiancee, shocked me big time! 10:53 AM Anyway, congratulations, future sister-in-law! Hoping to meet you soon. 10:54 AM That made me furious. Pakiramdam ko umusok bigla ang ilong ko sa galit dahil sa nabasa ko. P*tangina! I was fuming mad! What did he just say? F*cking future sister-in-law!? Ako? Si Khyrss? Tinawag niyang sister-in-law!? Nang-iinis ba siya!? I was thinking of him as my future husband while he's thinking of me as his future sister-in-law!? What the hell! Can someone remind me that he's my crush and I like him? Kasi imbes na kiligin ako dahil kausap ko na siya ay naha-highblood ako sa kaniya! T*ngina talaga! Me: Kainis! Ang slow mo! 10:57 AM ✔✔ Zach:  Huh? What are you talking about? 10:57 AM Me: Hindi ako fiancée ng kapatid mo! Best friend niya ako! 10:58 AM ✔✔ Ako 'to, si Khyrss, 'yong future wife mo, tapos tatawagin mo akong future sister-in-law?! 10:58 AM ✔✔ You're hurting me and I’m so mad at you because of that. But that's okay, I'll still marry you :) 10:59 AM ✔✔ Yes, I was mad at him few seconds ago. Pero hindi na masyado ngayon. Sorry, marupok lang. Baka hindi kami magkatuluyan kung magagalit ako sa kan'ya. Iintindihan ko na lang siya because I do believe that patience is a virtue. I’m an unbothered queen. I waited for his reply for a few minutes until his message popped up. My jaw dropped after reading it. Zach: I'm sorry to destroy your phantasm, but I don't want to marry someone who’s mentally ill. 11:03 AM Did he just turn me down? At higit sa lahat... Did he just f*cking call me mentally ill!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD