"Good morning, people! Rise and shine!" masiglang sigaw ko pagkapasok pa lang ng bahay ng mga Villareal.
Dumiretso ako sa kusina nang may maamoy na nilulutong pagkain. Nakita ko si Tita na abala na naman sa pagluluto. Minsan napapaisip ako na para lang siyang chef ng mga Villareal, kasi tuwing pumupunta ako rito, madalas ko siyang maabutan sa kusina.
"Hi, head chef, what's for today's breakfast?" nagbibirong tanong ko sa kan’ya habang naglalakad palapit para tingnan 'yong niluluto niya.
Natawa siya nang marahan bago ako lingunin. "Your favorite breakfast," she said, then winked at me. She really adores me. Nakaka-touch.
"I love you so much, Tita. I’m sure you’ll be the best mother-in-law in the world.” I winked at her too.
She smiled. “You’re really serious about marrying my son, huh?”
Agad akong tumango nang ilang beses na parang bata na tinanong ng magulang kung gusto ko ba ng ice cream.
“What if he already got himself a girlfriend there?” Instead of feeling dispirited about her question, I looked at her proudly.
"Syempre, wala 'yon, tita. Wala naman ako do'n, e. At kung magkaka-girlfriend man po siya while he's in Canada, I'll make sure na ako po 'yon. LDR, gano'n." I wiggled my eyebrows at her.
“How…” Natigilan siya nang mukhang may na-realized siya, “Oh, my God, Khyrss, did he finally added you on his social media accounts? are you finally talking to each other na?” excited na tanong niya sa akin na ikinabagsak naman ng balikat ko at sumimangot sa kan’ya.
“Hindi pa rin, Tita. May galit po ba 'yong anak niyo sa akin? Grabe niya ako i-ignore. May prejudice po ba siya against pretty woman like me?”
“I’m sorry. I told him about you last time he called me, akala ko naman sinunod niya ako, hindi pa rin pala. You know what, he’s my son but I don’t understand him either. Sigurado naman akong kilala ka niya kasi naiku-kwento ka naman namin sa kan’ya, but why is he ignoring you? It doesn’t make sense to me.”
Tumango tango ako sa sinabi niya at ngumuso.
Malapit na akong mainis sa kan’ya. Isang pindot lang hindi pa magawa! Masyado niya nang pinapahirapan ang future wife niya, ha! Patay siya sa akin sa oras na ligawan niya ako. Papahirapan ko rin siya.
Pero ba't ang assuming ko sa part na liligawan niya ako?
Ah, basta! Naniniwala ako sa charisma ko! I'm sure if he sees me, he will be instantly smitten. Hindi ako papayag na hindi siya ang magiging asawa ko.
God, kung hindi talaga siya 'yong para sa'kin, pwede niyo po bang gawa'n ng paraan? Sabi po nila, you are the greatest author of everyone's love story, well, not to brag but I was an editor-in-chief for four consecutive years back in high school po. P'wede ko pong i-edit 'yong story na isinulat niyo po para sa'min. Charot! Forgive me, Lord. Nagbibiro lang po ako.
“Oh, right! I forgot to tell you yesterday. He now has a telegram account. You can freely talk to him there!” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
“Really, Tita? You’re not kidding me, right?” Inalog-alog ko ang braso niya dahil sa excitement.
“Yes, search for his name, makikita mo 'yong account niya. Goodluck, my future daughter-in-law. You can court him na.” Natawa kami parehas sa sinabi niya. Napaka-supportive niya talaga sa mga kagagahan ko sa buhay.
"Thanks, Tita! You're the best." I kissed her cheek.
"Alam mo ‘yan.” She laughed again while preparing the dining table.
“Gisingin mo na nga si Quinzy. Sabihin mo, kakain na tayo. 'Yong lalaking iyon talaga ang hilig magpuyat wala namang ka-late night talk. Tss," She said while shaking her head lightly. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa huling sinabi niya. Bagets na bagets talaga ang datingan niya. Feeling ko nga ako 'yong nakahawa sa kan’ya. Halos ako kasi palagi ang kakwentuhan niya, e.
Nagpaalam na ako saglit para sunduin si Aly sa kwarto niya.
I was smiling from ear-to-ear habang papalabas ng kitchen. Tumatalon-talon pa ako dahil sa tuwa. Sa wakas, I can finally talk to him na. Nararamdaman ko na ang aming pag-iibigang malapit nang mabuo. Charot!
But seriously, I'm positive that it will turn out well. Sana naman maki-cooperate siya.
Nang makita ko na naman ang mukha niya sa portrait, napatigil ako sa paglalakad. I smiled at him sweetly at aware akong mukha akong tangang nakangiti rito. E, 'di ko mapigilan, e! Iniisip ko pa lang na makakausap ko na siya, para na akong dinadala sa ulap.
Dahil sa sobrang saya ko, hindi ko napigilan ang sarili kong kumanta at sumayaw nang nauusong dance craze ngayon sa t****k.
"'Wag kang mag-alala, makukuha rin kita, makukuha rin kita, yeah, yeah, yeah," kanta ko habang sumasayaw at tinututo turo siya. Pinaulit-ulit ko 'yon dahil 'yon lang ang alam kong lyrics no'n hanggang sa may narinig akong tumatawa sa may hagdan.
"Pfffttt…! I just woke up, but you literally made my day, Sari!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Aly sa gitna ng hagdan na nakahawak ang kanang kamay sa tiyan at cellphone sa kaliwa habang nakatutok sa akin at humahagalpak sa tawa.
Don't tell me...
"Why did you stop? I'm filming you," he said, still laughing and it's annoying me!
"P*tang*na, Aly! Burahin mo 'yan!" I shouted while running towards him. Tumakbo naman siya pabalik sa taas.
"There's no way in hell I would delete it," he shouted back.
"Hoy! Napaka mo! I-delete mo ‘yan!" Pumasok siya sa kwarto niya at sinundan ko naman siya. "Napakasalaw, e!"
"Wow, coming from you, Sari! Sino kayang pinababa sa sariling sasakyan at iniwanan sa daan? lol! Feel old yet?" He raised his right brow at me.
"Di makamove on?" I shot back.
"Whatever... But I. Won't. Delete. It. Never," he said, emphasizing every word. "Don't worry, I'll just use it for teasing purposes only." He smirked at me.
"And what kind of 'teasing' are you talking about here? I know for sure that I should be worried hanggang ‘di mo pa dine-delete 'yan," I said.
"You really know me, huh?" nakangising sabi niya. Leche! Naiinis ako sa pagmumukha niya. Sarap suntukin!
"Delete it or else..." I tried to scare him.
"Or else?" Tinaasan niya ulit ako ng kilay.
"Or else..." Nag-isip ako ng pang-blackmail sa kan'ya pero wala akong maisip.
"You're trying to blackmail me, pero mukhang wala ka namang maisip. Kung meron man, sorry to disappoint you but nothing you'll say could get me blackmailed. Stop trying, little girl." He's really getting on my nerves!
Kinuha ko 'yong mga unan sa kama niya at pinaghahampas siya. Naiinis na talaga ako sa kan’ya. Pakisabi nga ulit sa'kin kung bakit ko siya naging best friend?
Tumatawa siya habang sinasalag 'yong mga hampas ko at mas lalo akong naiinis dahil sa tawa niya.
"Baliw na baliw ka talaga sa kuya ko 'no? What if I send it to him? I would love to see his reaction. I'm sure you will creep him out at mas lalo kang mawawalan ng pag-asa sa kan'ya." Tumawa pa siya lalo, enjoy na enjoy sa pang-iinis sa akin.
"Subukan mo! Magkakamatayan tayo rito! Parang tanga naman 'to, e. Hindi mo na nga ako sinusuportahan, sisiraan mo pa ako. May gusto ka talaga yata sa'kin, e," bintang ko.
"Lol. In your dreams." Pinitik niya ang noo ko. "Don't worry, 'di ko naman 'to isesend sa kaniya. I was just kidding. Let's go, gutom na ako." Iniakbay niya sa leeg ko 'yong braso niya at hinila ako palapit. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpatianod sa kaniya palabas ng kwarto.
"You're so close. Ang baho mo," biro ko.
"Kaka-shower ko lang, for your information."
"That's my point. Kaka-shower mo lang pero ang baho mo pa rin." I laughed.
Hinigpitan niya 'yong pagkakaakbay niya sa leeg ko na para bang sinasakal ako. "I still have your video, baka nakakalimutan mo," he reminded me. I just ignored it.
"'Di ako makahinga, ano ba!" reklamo ko nang pababa na kami sa hagdan. "Tsaka kung p'wede, tanggalin mo nga 'yang kamay mo, baka makita pa tayo ng kuya mo tapos magselos 'yon." Tinanggal niya ang braso niya sa'kin dahil sa sinabi ko.
"Kuya is here? Kailan siya dumating? Ba't hindi ko alam?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Oh, sorry for making your hopes up, but I’m just talking about your family portrait, duh." Natatawang tugon ko.
He just stared at me for like one-minute bago siya nagsalita. "Are you for real?" tanong niya na para bang nahihibang na ako. "Baliw ka na." Umiiling-iling na sabi niya pa.
"Sure, I am. Nakakabaliw naman kasi 'yong kuya mo. Napaka-gwapo, para siyang Greek God," kinikilig na sabi ko.
"Ah..."
"Lalo na siguro ngayon 'no? Excited na talaga akong makita siya personally." I giggled.
"Ahtdog," He answered bago naglakad nang mabilis papasok ng kusina.
Leche! Napakawalang-kwentang kausap talaga no'n.
Sumunod na ako sa kan'ya papasok ng kusina at nadatnan ko siyang nakaupo habang abala sa pagkuha ng pagkain.
"What happened to you, guys? Bakit narinig ko kayong nagsisigawan? Nag-away ba kayo?" bungad ni Tita. Umupo muna ako sa tabi ng upuan ni Aly bago siya sinagot.
"Not really."
"Mom, 'di ka pa ba nasanay sa asaran namin?" Aly said.
"Kayo talaga, agang-aga. Ginawa niyo nang almusal ang pag-aasaran, e. Para kayong mga bata."
"Where's Tito nga po pala?" I asked. Tatlo lang kasi kami rito sa hapag.
"He's off to work na. Maaga siyang umalis kanina, hindi na nag-breakfast," tita answered. Tumango lang ako bago sumubo ng pagkain.
"Mom, 'di naman ako aware na inampon mo na pala si Sariah," biglang sabi ni Aly nang patapos na kami sa aming pagkain.
"Ha?" sagot ko naman dahil hindi ko na-gets 'yong sinabi niya.
Bumaling siya sa'kin. "Hatdog." He grinned.
Pakiramdam ko nag-usok ang ilong ko dahil sa inis sa sagot niya sa'kin. Napaka-bastos kausap. Kanina pa 'to.
"Galing natin sumagot d'yan, a?" I said sarcastically. Napipikon na ako, e.
"Ay—" Hindi na niya natuloy 'yong sasabihin niya dahil hindi na ako nakapagpigil at pinasakan ko ng hotdog 'yong bibig niya dahil sa sobrang inis.
"Sarap ng hotdog 'no? Ayan, kumain ka lang diyan. Mukhang kanina mo pa gustong kumain niyan, e. Hatdog ka kasi diyan nang hatdog," sabi ko sabay tusok ulit sa isang hotdog at kinagatan iyon.
Lumingon ulit ako kay Aly na ngayon ay umiinom na ng tubig. Inilapit ko sa mukha niya 'yong hotdog para alukin ulit.
"Want more?" I teased.
"No, thanks." Ha! That's what you get from messing up with me.
"Para talaga kayong mga bata," natatawang sabi ni Tita habang ngumunguya. "Anyways, what do you mean by that, Quinzy?" she asked, referring to what Aly said about me a while ago.
Lumingon muna sa'kin si Aly at inerapan ako bago muling binalingan si Tita.
"Lagi kasing andito si Sariah—from breakfast to dinner. Parang dito na siya nakatira. Since, gusto niyo rin naman ng anak na babae, baka lang naman inampon niyo na siya at 'di niyo lang sinasabi sa'kin." Yeah, he's right. Palagi nga akong tambay sa kanila. Wala kasi akong kasama lagi sa bahay, e. Busy ang parents ko these past few months. Pero hindi ako inampon ni Tita, 'no! Duh. No need.
"Lol. Hindi ako aampunin ni Tita kasi alam niyang magiging anak niya na rin naman ako soon. Soon to be daughter-in-law. You know naman na ako ang mapapangasawa ng kuya mo, e. Kaya magbigay galang ka sa akin, kapatid." I wiggled my eyebrows at him.
Gano'n ako ka-advance mag-isip. Dapat focused tayo sa goal natin sa buhay. Always think positive, people!
"Ha?" he uttered as if I said something ridiculous.
"Hatdog." Panggagaya ko sa kan'ya.
"Hassumera." He then smirked.
Nasapok ko siya dahil sa sinabi niya. Buti na lang tapos na kami kumain at p'wedeng p'wede ko nang gawin iyon.
Natatawa lang na nagpaalam sa'min si Tita papuntang banyo.
"Nagsasabi lang ako ng totoo, duh. Hindi ka ba naniniwala sa kasabihang 'pag may tiyaga, may nilaga? Pwes ako, naniniwala, kaya gagamitan ko ng hard work, determination, at perseverance ang kuya mo, hindi lang nilaga ang makukuha ko, kundi ulam for the rest of my life! Charot." Ano ba 'yan Khyrss!
Pinanlakihan niya ako ng mata. "Manyak ka pala! Ba't ngayon ko lang nalaman? Baka minamanyak mo rin ako tuwing nagiging clingy ka sa'kin, ha? Uso umamin," bintang niya.
Binatukan ko ulit siya. This time, mas malakas na. "Bobo! Manyak agad? Sa ganda kong 'to? Duh!" I flipped my hair then crossed my arms. "And not to insult your ego, but gusto ko lang sabihin na, walang kamanyak-manyak sa’yo, duh!" sigaw ko sa mukha niya.
"Fake news ka! Habulin nga ako sa campus, e."
"Yeah, right. Habulin ng mga bakla. Sa bakla ka lang naman mabenta, e. Look at you, still single. Walang babaeng gustong magkamali." His grimaced earned a grin from me. Gotcha!
"Sumosobra na 'yang bibig mo, Sari!" Humalakhak ako. "Ise-send ko talaga 'yong video mo kay kuya." Isip bata amp!
"Subukan mo, sasabihin ko naman kay Frea na crush mo siya kaya lagi mo akong hinihintay sa labas ng pinto ng classroom namin," banta ko pabalik. Akala niya ‘di ko alam? Duh? Ano'ng silbi ng pagkakaibigan if you don't know each other's secret?
"H-how did y-you know?" he stuttered.
"Oh, ba't ka nauutal diyan? Kalalaki mong tao, napakatorpe mo! Kaya 'di ka nagkaka-girlfriend, e." Buti nga ang boys, 'pag nagkagusto sa isang babae, they can court them anytime. E, 'pag babae? Waiting to be noticed ang peg. Kapag hindi mutual ang feelings, kailangan mag-first move kasi walang mangyayari. Kaya nga 'yon ang gagawin ko kay Zach, e. Ako na ang manliligaw sa kan'ya. Charot.
"Ba't may pag-atake?" Natawa ako sa sagot niya.
"Ay, wow! Akala ko ako lang ang magsasabi niyan sa ating dalawa, e. Ikaw din pala?" I teased.
"You, shut your mouth. Don't tell her. Kapag nalaman niya, patay ka sa'kin," seryosong sabi niya.
“Okay, I won’t meddle with your business. Bahala ka kung gusto mong maging single habang-buhay. Choice mo naman ‘yan. I have my own love life to fix pa,” I said, reaching for my phone.
I immediately opened the internet connection at nag-download ng telegram. Wala kasi ako 'non, e. Aanhin ko ba 'yon, e, wala namang telegram dati si Zach. But now, kailangang-kailangan ko na siya! Omg, I'm so excited!
Pagkatapos, dali-dali akong gumawa ng account. Napangiti ako sa aking sarili dahil sa pangalan ko sa telegram. I named myself Khyrss Villareal. Bagay na bagay sa pangalan ko 'yong apelyido niya!
Agad kong hinahap ang account niya at pakiramdam ko ay naghugis puso ang mata ko nang makita ko ‘yon. Totoo nga! Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako na nae-excite. Sh*t! Eto na talagaaa!
Pinindot ko ang account niya at nagtipa ng mensahe. Kahit medyo nanginginig pa ang kamay ko, I managed to type a simple 'Hi'. I don't want to creep him out, e. Nag-iingat lang.
Lumipas ang ilang segundo pero 'di ko pa rin isine-send. Kinakabahan kasi ako na baka ‘di niya pansinin ang message ko. Hindi niya nga pinapansin 'yong request ko sa ibang social media accounts niya, e.
Wow, Khyrss. Ngayon ka pa ba mawawalan ng lakas ng loob?
Pinagkiskis ko muna ang dalawa kong hinlalaki bago pikit matang sinend sa kaniya 'yong 'hi' ko.
Bigla kong naalala na gabi nga pala sa kanila. Baka tulog na iyon. Hays. Paano kami magkakausap kung magkasalungat ang oras namin? Maybe I should sacrifice my sleep na lang. Para sa pag ibig!
Binitawan ko muna 'yong phone ko saglit para tulungan si Aly na iligpit 'yong mga pinagkainan. Siya ang maghuhugas ng plato—wala kasi silang maid. May taga-linis lang sila ng bahay na pumupunta lang para maglinis. The rest, sila tita na ang gumagawa. Syempre, tumutulong din ako. Madalas akong makikain sa kanila, e. Nakakahiya naman kung hindi ako tutulong, though mabait naman sila. Pero mabait din ako para magkusang loob. Kahit hindi halata.
Umupo ako sa island counter pagkatapos magligpit at para na rin panoorin si Aly habang naghuhugas ng mga pinagkainan.
“Kailan ka pa nagkagusto kay Frea?” diretsahang tanong ko.
Natigilan siya ng ilang segundo bago ako sinagot.
“How did you know?”
“I’m your best friend. You can’t hide anything from me,” proud na sabi ko. “So, since when nga?” Pangungulit ko.
“You said it yourself. You’re my best friend and I can’t hide anything from you. Edi alamin mo kung kailan nagsimula.” I glared at him even though he can’t see me because his back was facing me. Kailan ko kaya ‘to makakausap nang matino?
Babatukan ko na sana siya dahil sa sinabi niya nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi kaya...
Dali-dali akong bumaba sa island counter at tumakbo papuntang dining table para kunin ang cellphone kong nakapatong doon.
Halos mawalan ako ng hininga nang makitang sa telegram nga nanggaling ang tunog na iyon!
Nag-reply siya! Nag-reply si Zach! Nag-reply ang future husband ko!
"Guys, I'm getting married!" sigaw ko dahil sa sobrang saya.
"What?" nawi-wierdohang tanong ni Aly pero hindi ko siya pinansin. Nakatuon ang buong atensyon ko sa phone ko.
Binuksan ko 'yong message niya gamit ang nanginginig kong kamay dahil sa pinaghalong saya, kaba, at excitement at sa isang iglap nawala lahat ng 'yon nang mabasa ko ang reply niya.
Zachary Villareal
Online now
Hey!
Are you one of my cousins?
What the hell!?