"Pst! Khyrss, naghihintay na ‘yong boyfriend mo sa labas." Nilingon ko si Frea at sinamaan ng tingin bago ako sumilip sa may pintuan. There, I saw Algid leaning on the wall while patiently waiting for me.
As if he felt that I'm looking at him, he turned to me. I raised my hand and gestured for him to wait because I'm still busy packing my things.
I shifted my gaze to Frea who has been watching my every move. I raised my right brow.
"Why are you watching me?" I asked her.
"Ang sweet talaga ng boyfriend mo. Palagi kang inaantay, nakakainggit." She giggled habang magkasalikop ang kan’yang mga kamay sa ilalim ng kan’yang baba.
"Para kang tanga r'yan, Frea, tsaka how many times do I have to tell you ba na hindi ko nga siya boyfriend? He's just my best friend," I explained to her for like countless times already. Palagi niya kasing sinasabi na boyfriend ko raw si Algid kahit hindi naman. Ang issue niya, ha.
"E, ba't ba kasi wala kayong mga jowa? Tapos palagi pa kayong sabay pumasok at umuwi, do you like each other ba? MU, gano'n? 'Wag ka nang mahiya, sis, I'm your friend naman. Uso umamin," she said while wiggling her eyebrows. The side of my lips immediately rose with what she said. Napaka-issue talaga ng babaeng ito kahit kailan.
Sinenyasan ko s'ya na lumapit sa'kin. At excited namang lumapit ang bruha, akala niya siguro may aaminin ako, e, wala naman. Nang makalapit siya sa akin ay agad ko siyang binatukan. Awtomatiko namang lumipad ang kamay niya sa parteng iyon ng kaniyang ulo bago lumayo sa akin.
"Aray! Napaka-sadista mo talaga kahit kailan, Khyrss!" reklamo niya.
"Napaka-issue mo kasing bruha ka, tse! Aalis na nga ako! Bye!" Kumaway ako sa kaniya habang natatawang lumabas ng classroom.
"Madapa ka sana!" pahabol niya na tinawanan ko na lang. Isip bata talaga siya minsan, e.
Nang makalapit kay Algid, agad kong kinawit ang kamay ko sa braso niya at nagsimula na kaming maglakad palabas ng building.
"Hello, babe, how was your day?" I asked using my super sweet voice.
Inismiran niya ako at pinitik sa noo. "Hoy, 'di tayo talo." Natawa ako sa reaksyon niya.
"I know, sis." Humagalpak ako sa tawa nang bigla siyang lumayo sa akin.
"Tigilan mo nga ako sa kaka-sis mong iyan. Baka mapagkamalan pa akong bakla ‘pag may nakarinig sa’yo."
"Charot lang, ito naman, 'di mabiro." Lumapit ulit ako sa kaniya para ikawit ulit ang kamay ko sa braso niya habang binabaybay namin ang daan patungo sa kotse niya. Hindi na siya umimik kaya nagsalita ulit ako at nag-open ng panibagong topic.
“What’s with you these past few days? Hindi mo naman ako dati sinusundo sa building ko, a? Akala tuloy ng mga kaklase ko boyfriend kita.”
"What’s with you these past few days? Mas lalo kang nagiging clingy. Akala tuloy ng mga kaklase ko girlfriend kita." Napairap ako sa panggagaya niya. Kailan ko ba nakausap nang matino ito? Wala akong matandaan.
"Ba't kasi wala kang girlfriend? 'Yan tuloy ako ang napagkakamalan.” Tinaasan ko siya ng kilay.
"E, bakit ikaw, wala ka rin namang boyfriend, a?"
"Ba't parang may pag-atake?" Inis na sabi ko at nilingon siya.
"Pikon ka, sis," he said, mimicking my voice.
Humagalpak ako sa tawa dahil sa sinabi niya.
"Gago! Para kang bakla!" Hinampas ko siya sa braso bago ako napahawak sa tiyan ko dahil sa sobrang pagtawa. Napakabenta no'n. Kung may iba lang siguro na nakarinig, iisiping bakla talaga siya, e. Napakaarte kasi nang pagkakasabi niya.
"Tama na, ako lang 'to, ‘yong bestfriend mong pogi, baka ma-inlove ka pa niyan." I looked at him in disgust.
"Lol! Inlove mo mukha mo. Kung magiging Villareal man ang surname ko, 'yon ay galing sa kuya mo, hindi sa’yo!" sabi ko nang mahimasmasan sa pagtawa.
Nang makapasok na kami sa sasakyan niya ay saka niya pa lang ako sinagot.
"Kung ma-iinlove sa'yo si kuya." Panunuya niya na para bang napakaimposibleng mangyari ng bagay na 'yon bago pinaandar ang kotse niya palabas ng university.
"At bakit hindi? Over my dead gorgeous body? Sinong hindi ma-iinlove sa akin?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"The Villareals," he said in a casual tone.
"Napaka mo talaga! Panira ka kahit kailan! Support naman kahit kaunti r'yan, o!" bulyaw ko sa kan’ya.
"Sari, I'm just stating a fact here," he said while smirking. Sarap basagin ng pagmumukha.
"Ireto mo kasi ako sa kuya mo! Napakadamot mo naman! Alam mo, kaunti na lang, iisipin ko na may gusto ka sa'kin kaya ayaw mo akong ireto sa kuya mo." Tiningnan ko siya nang may halong pagdududa.
"Wow, Sari! Mas mataas pa sa Burj Khalifa ang tingin mo sa sarili mo, a? Kaya siguro 'yong iba walang tiwala sa sarili nila kasi nasobrahan ka masyado. You know what, 'di masamang mag-share." Sinamaan ko siya ng tingin bago pinaghahampas sa sobrang inis.
"Leche ka talaga!"
"Chill, woman. Nasa America ang kuya ko, wala sa impyerno." Tumatawa-tawang sabi niya pa. Halatang enjoy na enjoy sa pambubwiset sa akin.
Kinurot ko siya sa tagiliran, "At ano'ng gusto mong iparating? Na hindi ako sa langit mapupunta, ha?" Mas diniinan ko pa ang kurot ko sa kan’ya.
"Aray, aray, aray, Sari! Masakit, aba! Napakapikon mo! Nagbibiro lang, e!" Diniinan ko muna lalo ang pagkakabaon ng aking kuko bago ko siya binitawan. Serves him right.
"Matuto kang gumalang sa future sister-in-law mo." Nakangiting sabi ko sa kan’ya. Inilabas ko na lang ang cellphone ko para roon ituon ang aking atensyon. Mahirap na, baka ma-highblood ako rito kay Algid at hindi kami makarating nang buhay sa bahay namin.
Ano na lang ang mangyayari sa lovelife ng kuya niya? Baka tumanda siyang binata, ayaw ko namang mangyari 'yon.
I shifted my attention on my phone and opened my f*******: account para tingnan kung in-accept na ba ng kuya niya yung friend request ko, only to find out na hindi pa rin. Lumipat naman ako sa i********:, pero pati roon ay hindi pa rin. Napasimangot ako. Napaka pa-famous talaga niya! Hindi ba siya marunong mag-accept?
"Tss. Future sister-in-law daw, e, maglilimang taon ka na nga sa friend request ni kuya, e." Napahagalpak siya nang makita ang itsura kong busangot na nakatingin sa kan'ya. "Anong mukha iyan? Mukha pa ba ‘yan?" I shoot him a death glare.
"Oo nga 'no? Ang tagal ko na palang nag-aadd sa kaniya. Alam mo may narealize ako." Tinaasan niya ako ng kilay. "Narealize ko na... wala man lang akong makuhang support system sa’yo! Kapatid mo ‘yon tapos ilang taon na tayong mag best friend, hindi mo man lang masabihan na i-accept ako! May gusto ka talaga sa akin, ‘no? kaya ‘di mo man lang ako masuportahan sa kuya mo. Uso umamin, Aly.” Napatakip siya sa magkabilang tainga niya dahil sa sigaw ko. Pasalamat siya at nakahinto kami sa stop light, kung hindi, baka sumabog na tainga niya sa sobrang lakas ng sigaw ko sa kaniya.
Pa'no ba naman kasi, high school pa lang kami nung in-add ko sa f*******: ‘yong kuya niya pero hanggang ngayon, ga-graduate na kami ng college at lahat-lahat, nasa friend request pa rin ako.
Ilang beses ko na siyang kinukulit pero hindi man lang ako tinutulungan. Kung hindi lang naka-private account ‘yon, edi okay lang. At least pwede kong i-message, pero hindi, e.
“Ang lakas talaga ng tama mo kay Kuya,” umiiling-iling na sabi niya sa akin. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil totoo naman iyon. Hindi ko pa nakikita sa personal si Zach—kuya niya, pero crush na crush ko na siya.
Nagsimula ang pagiging attracted ko kay Zach noong umuwi sila Aly at yung parents nila from Canada. May dala silang family portrait. Hindi kasi umuuwi ng Pilipinas ang kapatid niya kaya roon sila nagpakuha ng litrato ng kanilang pamilya. Napaka-gwapo ni Zach sa litratong iyon, malayong-malayo sa itsura niya roon sa mga lumang litrato niya sa photo albums na naka-display sa bahay nila. Grabe ‘yong glow up niya. Halos hindi ko siya makilala.
Simula no’n, naging crush ko na siya. In-add ko agad siya sa mga social media accounts niya kasi gusto ko siyang makausap pero ewan ko ba kung bakit, pero never niya akong in-accept. Nagpatulong na ako kay Tita—’yong mom nila, pero wala pa ring nangyayari.
"Alam mo kung bakit ‘di kita nirereto ro'n?" Napabalik naman ako sa ulirat nang marinig ko ang seryosong tanong ni Aly.
"Bakit?" I asked curiously.
"Kasi… p'wet mo, may raket." Humagalpak ulit siya ng tawa. Napapahampas pa ang loko sa manibela. Siya kaya ang ihampas ko sa manibela? Walang k'wentang kausap amp! Akala ko pa naman may importanteng sasabihin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa labis na inis.
"Gusto mo bang ako na ang magmaneho para makatawa ka nang maayos? Palit tayo ng upuan. Nakakahiya naman sa'yo baka maistorbo 'yang kasiyahan mo," nagpipigil na sabi ko sa kan’ya. Sisiguraduhin kong may paglalagyan siya. Tingnan ko lang kung makatawa pa siya.
Napangiti ako sa sarili ko nang agad siyang lumabas ng kotse para umikot papunta sa passenger seat. Pero bago pa siya makapasok ay dali-dali kong ni-lock yung pinto tsaka lumipat sa driver's seat. Ibinaba ko nang kaonti ang bintana at sinilip siya sa labas.
"Tawa ka muna r'yan kahit kailan mo gusto, then, 'pag natapos ka na, tsaka mo isipin kung pa'no ka uuwi. Binubwesit mo 'kong leche ka! Kanina ka pa! P'wes, bahala kang umuwi mag-isa mo!" Biglang nawala ang tawa sa mga labi niya nang makitang seryoso na ako.
"Hoy, Sari! Baka nakakalimutan mo, akin ‘yang kotse!" natataranta niyang sabi nang makitang malapit na matapos ‘yong stop light.
"So...what? Edi iuuwi ko na lang sa inyo. That's what you get from pissing me off!" I rolled my eyes.
Itinaas ko na ang bintana dahil ten seconds na lang, mag-go go na. Panay naman ang katok niya sa bintana pero binelatan ko na lang siya at pinaandar na ang sasakyan. Kala niya ha! Hindi ako papatalo, duh!
Tiningnan ko siya sa side mirror. Napahawak siya sa batok niya bago inilabas ang cellphone na nasa kan’yang bulsa.
Maya-maya lang, my phone vibrated. I checked his message at ni-reply-an siya.
Aly:
You're not serious, are you?
Me:
I'm dead serious.
Aly:
Napakapikon mo talaga! Nagbibiro lang, e
Balikan mo ako!
Me:
Nagbibiro lang din ako pero bukas ko pa babawiin.
MANIGAS KA DYAN!
Aly:
Dali naaaa!
Promise ilalakad na kita kay kuya
Me:
Ul*l ka! Hindi ako uto-uto!
Don't text me na nga, I'm driving.
Aly:
Hoy! Sariah paano ako uuwi aba?
Me:
Not my problem anymore
Bye. See you later
Aly:
Remember to bring your own car next time kasi hinding-hindi na kita isasabay pag-uwi!
Natawa na lang ako sa huling text niya at hindi na nag-reply. As if naman 'no!
Kumakanta-kanta pa ako habang binabaybay ang daan pauwi sa bahay. Ang sarap sa feeling na maisahan ang mokong na 'yon. Napakalakas kasi mang-asar, 'yan tuloy ang napala niya.
Nang makapasok ako sa main gate ng subdivision namin, my phone vibrated again.
Aly:
I will sue you for carnapping my car!
Me:
Matatakot na ba ako?
Aly:
Napaka mo talaga!
Hindi ko na pinansin ang huling mensahe niya dahil nasa tapat na ako ng bahay nila. Nang maiparada ko na ‘yong sasakyan niya sa garahe, naglakad na ako papasok sa kanilang bahay.
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. There, I saw Tita Merelle—his mother, who was so busy checking the oven not noticing my presence.
I grabbed a glass of water at nilagok iyon bago lumapit kay tita.
"Hi, Tita! I'm home. Busy?" Tsaka palang siya lumingon nang magsalita ako.
"Oh, andito ka na pala. Sorry 'di kita napansin. I was so busy checking if the temperature was right. I'm trying to make cookies, e," paliwanag niya bago ibinalik ulit ang atensyon sa oven.
"Wow, sakto tita, medyo gutom na ako," sabi ko habang tinitingnan yung workplace niya. Medyo magulo dahil sabog-sabog 'yong ibang ingredients. Never ko siyang nakitang nag-bake, kaya sure ako na first time niya lang ngayon.
"Where's Quinzy nga pala?" she asked, this time her attention was all on me. Napatingin siya sa likuran ko bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Ah, Tita 'di ko po kasi siya kasabay. Umuna na po ako sa kanya." She was asking about Aly. Algid Quinzy kasi ang buong pangalan no’ng mokong kong best friend.
"What? Hinayaan ka niyang umuwi mag-isa? Nag-commute ka ba? ‘Yong batang iyon talaga, naku! Humanda siya sa'kin pag uwi niya." Kawawang Aly, mas mahal pa ako ng sarili niyang ina kaysa sa kaniya.
Lumapit ako sa kan’ya at ipinulupot ang aking kamay sa kan’yang braso like what I always did with Aly.
"Actually, Tita, dala ko po yung sasakyan niya. Siya po yung mag-cocommute."
"Ah, gano'n ba? I thought hinayaan ka niyang mag-commute mag isa, e. Lagot naman siya sa'kin ‘pag nagkataon."
"Love na love mo talaga ako, Tita!" natutuwa kong tugon at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Of course, para na kaya kitang anak," she said while pinching my hand on her arm lightly.
"Gusto mo ba akong maging anak, tita?" Napatili ako nang bahagya dahil sa pumasok na idea sa aking isip.
"Oo naman! Why not, 'di ba? Wala naman akong anak na babae. Kaya p'wedeng ikaw na lang."
"Your wish is my command, Tita. Dahil grateful po ako sa lahat ng pagmamahal niyo sa akin these past few years, I will reserve myself to become a Villareal. Kung papayag po kayo, aasawahin ko po ang isa sa mga anak niyo—panganay niyo po specifically. I will be your daughter soon maybe not by blood, but daughter-in-law will do, right, tita? Gusto mo 'yon? Gusto ko 'yon!" biro ko. Pero totoo talaga 'yon.
Natawa si Tita sa sinabi ko at pati ako ay natawa na rin sa kabaliwan ko.
"If he wants to, why not? Matagal na kitang kilala at mas gugustuhin kong ikaw ang maging daughter-in-law ko kaysa iba.” She patted my hair.
"No, Mom! I refused to accept her as my sister-in law.” Sabay kaming napalingon ni Tita sa entrance ng kitchen nang biglang nagsalita ang kadarating lang na si Aly. Buti naman nakauwi siya agad. Akala ko aabutin siya ng gabi, e.
Napangisi ako nang masalubong ko ang masama niyang tingin sa akin.
"Your opinion doesn’t count, duh! Anyway, welcome home! I'm glad nakauwi ka na." I gave him my sweetest smile para asarin pa siya lalo.
Inerapan niya lang ako at bumaling kay tita. Natawa ako dahil sa reaksiyon niya.
"Mommy, alam mo ba ang ginawa sa'kin ng babaeng 'yan?" Dinuro niya ako. Nagsusumbong amp! "Pinababa niya lang naman ako sa sarili kong kotse at iniwan. Napaka walang hiya, Mommy!" Nagpipigil ako ng tawa nang balingan ako ng tingin ni Tita to confirm if what he said was true.
"He pissed me off, Tita." I just shrugged my shoulders.
"Ikaw naman pala ang may kasalanan, e." Hindi makapaniwalang tiningnan ni Aly ang kan’yang ina.
"Mommy, baka nakakalimutan mo, ako ang anak mo. Palagi mo na lang kinakampihan si Sari," inis na sabi niya.
"At least you came here safe and sound. Ano bang ipinuputok ng buchi mo r'yan? You seem like a girl on her period, throwing tantrums, Quinzy." Tinalikuran ni tita ang anak at bumalik na sa oven para tingnan ‘yong cookies na nakasalang doon.
"Whatever you say, mom. Makaalis na nga, mukhang ako ang outsider dito, e.” Natawa kami sa sinabi niya. He made face at me bago siya tuluyang lumabas ng kusina.
Nang mawala siya sa paningin ko ay tinulungan ko na lang si tita na ayusin ‘yong mga nagkalat na ingredients habang naghihintay na maluto 'yong cookies niya.
"Oh, my, God! Nasunog!" Napatingin ako sa cookies na inilapag niya sa lamesa. Sunog nga.
"It's okay, Tita. First time mo lang naman, e," I said to cheer for her.
"Wow, Mom! You sucks at making things," ani Aly na ngayon ay nakapambahay na at kapapasok pa lang ng kusina.
"Hoy! watch your words, g*go!" Sinuntok ko ang braso niya.
"Wow, nahiya naman ako sa choice of word mo!" he replied sarcastically.
Tita Merelle patted my shoulder. "It's okay, Khy," she said calmly and shifted her gaze on him. "What did you just say? I suck at making things? Yeah! That's true since I made you!" I burst out in laughter after hearing what Tita just said. Hindi na maipinta ang mukha ni Aly dahil sa sinabi ng kaniyang ina.
"Napaka mo talaga Mommy! Magsama kayong dalawa ni Sariah! Mukhang kayo naman ang mag-ina!" He walked out of the kitchen leaving us laughing so hard. Gotcha!
"You hit the nerve, Tita! Give me five!" Itinaas ko ang kamay ko at sinalubong niya naman ‘yon.
Kaya palagi akong tambay dito sa bahay nila, e. Ang saya kasi nilang pakinggang magsagutan. Para lang silang magtropang mag-ina. Si Tita kasi ay bagets pa mag-isip. Sabay sa trip ng mga kabataan ngayon.
Pagkatapos naming magtawanan ay napagdesisyunan kong sundan si Aly para asarin pa.
Paakyat na ako ng hagdan nang mahagip ng paningin ko 'yong family portrait nilang ubod nang laki. And there, I saw my baby, directly staring into my soul.
Gano'n kasi ‘yong pakiramdam na ibinibigay ng mga mata niya. Sobrang seryoso ng tingin niya na parang kinikilatis ang iyong buong pagkatao pati na rin ang iyong kaluluwa sa lalim ng titig niya.
Palagi talaga akong napapatigil sa parteng ito ng kanilang bahay para lang titigan ang halos perpektong mukha niya. What I wouldn’t give just to see and caress his face personally.
Ano kayang itsura niya sa personal? Siguro mapapanganga ako if ever na makita ko siya. Grabe naman kasi ang pagiging saksakan niya ng gwapo! Paano pa kaya ngayong hindi na siya teenager?
Kailan ka ba uuwi? I've been waiting to meet you personally. Paano magsisimula ang love story natin kung nasa ibang bansa ka?
At higit sa lahat… why aren't you even accepting my friend request? Hindi mo ba ako namumukhaan?
Ako 'to, si Khyrss, ‘yong future wife mo. Hmp!
Brace yourself, dahil sa oras na i-accept mo ang friend request ko, hinding-hindi kita titigilan until you get head-over-heels to me at mapapauwi ka nang wala sa oras sa Pilipinas.
Enjoy your remaining days of being unaware of my existence. Kasi sa oras na makilala mo na ako, you can't get away from me.
That's a curse, Zachary Shein Villareal for not accepting my friend request five years ago.