“Wala ka na bang ibang naiwan?” tanong ni Aly sa akin na bitbit ang isa kong maleta habang bumababa kami ng hagdanan. “Wala na, last na ‘yan.” “Mukhang wala ka na nga yatang planong bumalik pa rito. Halos dala mo na lahat ng gamit mo, e,” aniya. Pangatlong maleta na kasi ‘yong dala niya ngayon. Tsaka wala nang laman ang kwarto ko maliban sa mga furnitures. Di-no-nate ko na kasi ‘yong iba last week. “You know I have always dreamed of living in New York. Mukhang ngayon na ‘yon matutupad. Tsaka baka andoon kasi talaga ang para sa akin. Edi pag nag-asawa ako roon edi roon na ako titira syempre,” biro ko naman nang papalabas na kami sa bahay. “Good for you if that really happens.” Binuksan niya ang compartment ng sasakyan niya at inilagay ‘yong huling maletang bitbit niya. Aly, togeth

