Unti-unti kong iminulat ang mata ko at tumama ang paningin ko sa mukha ng lalaking hindi ko inaasahang makita sa paggising ko sa umaga. Napapikit ako nang mariin dahil baka namamalik-mata lang ako pero hindi. Nandoon pa rin siya nang magmulat ulit ako. Katabi ko talaga si Zach sa kama! Oh, my God. How did that happen? Hindi ako nakagalaw at inalala ang nangyari kagabi. Ang natatandaan ko lang ay nasa balkonahe si Zach nang tinabihan ko si Ice at niyakap dahil umiiyak siya. Wala na akong matandaan pagkatapos noon. When I felt the weight on my waist, I lowered my gaze. Una kong napansin si Ice na natutulog pa rin pala sa pagitan namin. Medyo mababa lang siya kaya hindi ko agad siya nakita kanina. Nang mapagtanto ang posisyon naming tatlo ay napamura ako. Zach was hugging his son…a

