KHEYIEN’S POV
Nasa freeway na ako papuntang airport para sunduin ang kapatid ko nang mag-ring ang phone ko. It was Attorney Grey. Sinagot ko agad, umaasang tapos na ang lahat.
"Hello, Mr. Grey. I’m expecting good news," bungad ko. Pero katahimikan ang sumalubong sa akin. Isang mabigat na buntong-hininga ang narinig ko na nagpakunot ng noo ko.
"I'm sorry, Ms. Lim, pero ayaw pumirma ni Mr. Marasigan sa divorce papers."
"What?!" Muntik ko nang ma-step ang brakes sa gulat. Mabuti na lang at naalala kong nasa freeway ako. My heart hammered against my chest.
"Yes, Ms. Lim. Galit na galit siya at pinalayas ako sa office niya." Napangitngit ang ngipin ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa ulo ko.
Damn him! Ano bang sinusubukan niyang patunayan?! He should be thankful na ako na ang kusang gustong tapusin ang pagiging kasal namin!
"It's okay, Mr. Grey. I know him. May isang salita ‘yon—kapag sinabi niyang hindi siya pipirma, hinding-hindi niya talaga gagawin ‘yon no matter what happens," sabi ko bago ko tinapos ang call.
Hinigpitan ko ang hawak sa steering wheel.
"Relax, Kheyien. Handle this calmly. Be wise and stay calm," bulong ko sa sarili ko.
Nakarating ako sa airport at mabilis na natagpuan sina Margaux. Masaya silang tignan bilang isang pamilya kasama si Migz at ang anak nilang si Minji, pero imbes na mainggit, parang may kung anong sumisikip sa dibdib ko.
"Marga!" tili ko para makuha ang atensyon nila. Nagyakap kami nang mahigpit ng kapatid ko. Halos isang taon na rin kaming hindi nagkikita. Sandali lang kaming nag-kamustahan tungkol sa recovery ni Papa bago kami nagpasyang umuwi na.
Habang tinitingnan ko ang pamangkin ko na si Minji na naglalambing sa mga magulang niya, biglang may mga memories na pumasok sa isip ko. Nanikip ang dibdib ko. Ramdam ko ang pamilyar na kirot sa puso ko.
My eyes started to water, kaya tumingala ako agad para pigilan ang luha. This is not the time to be emotional.
"Khey, okay ka lang?" untag sa akin ni Margaux.
Tumango lang ako at pilit na ngumiti. "Yeah, pagod lang sa drive."
Nung gabi, pagkatapos ng dinner kasama si Daddy, kaming dalawa lang ni Margaux ang naiwan sa living room. Ramdam ko ang titig niya sa akin.
"Khey, successful ka nga, pero hindi ka naman happy," diretsahang sabi niya.
"Naka-move on ka na ba talaga?"
I sighed in defeat. Hindi ko talaga maitatago sa kanya. "Sino ba ang madaling makakalimot, Marga? Until now, masakit pa rin."
Yinakap ako ni Margaux. "Shhh. It's okay to grieve, Khey. Hindi mo kailangang magpanggap sa harap namin." Doon na bumigay ang control ko. Bumuhos ang luha ko na parang talon.
Akala ko sapat na ang pagiging workaholic para makalimot, pero ang sakit pa rin pala talaga.
Pagkatapos kong mahimasmasan, naungkat ang tungkol sa divorce.
"I don't know, Marga. Ayaw talagang pumirma ni Derrick,” frustrated kong sabi.
"I’m sorry to say this, Khey," sabat ni Migz na kakababa lang galing sa taas. "Pero knowing Derrick, kung sinabi niyang hindi siya makikipag-divorce, paninindigan niya ‘yun."
Napangitngit ang ngipin ko sa narinig. "I hate your friend, Migz. Kung akala niya makukuha niya ang gusto niya, nagkakamali siya. Gagawin ko ang lahat para mapapirma siya."
"This is exciting," biro pa ni Migz. "Let's see kung sino sa inyong dalawa ang unang bibigay."
Inirapan ko lang siya at tumayo na. "Akyat na ako. I need to rest."
The next morning, pagkatapos naming dalawin si Papa sa hospital, pinush ko na ang plano ko. Nag-drive ako mag-isa papuntang Marasigan building. Hindi ako pwedeng magpatalo sa laro niya.
Pagbaba ko pa lang ng sasakyan, ang bilis na ng t***k ng puso ko. Ramdam ko ang kaba sa bawat hakbang, pero binalewala ko ‘yun. I entered the tall glass building with my chin up.
Today is the day. Magkakaharap na rin kami ni Derrick.
Add po ninyo sa library ninyo new story ko po, Title: HIS DANGEROUS LOVE by Bawlabac