KHEYIEN’S POV
Huminto ang sasakyan ko sa tapat ng naglalakihang glass doors ng Marasigan Company. Pagkababa ko pa lang, ang pamilyar na amoy ng paligid—halo ng mamahaling air freshener at ang "amoy-pera" na vibe ng building—ay agad sumalubong sa akin.
"Ma'am Kheyien?!"
Nanlaki ang mata ng head guard na si Kuya Bert pagkakita sa akin. Agad siyang tumayo nang tuwid at sumaludo, pero hindi niya napigilan ang mapangiti nang malapad.
"Ma'am, bumalik po kayo! Kamusta na po? Ang tagal niyo pong nawala!"
Pilit akong ngumiti. "Ayos naman, Kuya Bert. Long time no see."
Pagpasok ko sa lobby, parang huminto ang oras. Yung mga utility staff na nagmamap ay napatigil. Ang mga empleyadong nagmamadali ay napako sa kinatatayuan nila.
"Ma'am Kheyien! Oh my God, is that really you?"
Si Ate Sol, ang head ng housekeeping na naging malapit sa akin noon dahil madalas ko siyang padalhan ng meryenda, ay halos tumakbo palapit.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Ang ganda niyo pa rin po! Namiss namin kayo rito sa opisina. Akala namin tuluyan na kayong hindi magpapakita."
"Bisita lang po, Ate Sol," maikli kong sagot para hindi na humaba ang usapan. Pero bago pa ako makahakbang, sunod-sunod na ang bati sa akin.
"Welcome back, Mrs. Marasigan!"
"Namiss namin kayo, Ma'am!"
Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Three years. Tatlong taon akong nagpakalayo-layo pero parang kahapon lang ang huling beses na nandito ako. Dire-diretso ako sa reception desk para iwasan ang mga matang nakamasid.
"Hello, Mrs. Marasigan." Ngumiti ang receptionist.
Tumingin ako sa name tag niya. "Correction, Mika. It’s Ms. Lim."
Nawala ang ngiti niya nang saglit, pero mabilis ding bumalik. Parang kabisado na niya ang script niya. "The CEO is waiting for you at the last floor, Mrs. Marasigan."
Sumikip ang dibdib ko sa inis. "What? Waiting for me? I don't even have an appointment with him."
"I don't know, Mrs. Marasigan. Ang bilin lang niya kaninang umaga, the moment you step in, papuntahin ka agad sa office niya."
I scoffed. "Wow, how convenient."
Nakaplano na pala ang lahat. "Anyway, ayaw ko nang tinatawag akong Mrs. Marasigan. Address me as Ms. Lim, okay?"
Naging tremulous ang ngiti ni Mika. Halatang kinakabahan. "I'm sorry, Mrs. Marasigan, but I can't do that. Ayaw ko pang matanggal sa trabaho. Utos po iyon ni Sir Derrick."
Nanggigigil akong naglakad papuntang elevator. Habang pataas ang floor, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko kasabay ng nag-aapoy na galit. Pagkadating sa top floor, sinalubong ako ng executive secretary niya.
"You may go inside, Mrs. Marasigan."
Hindi na ako kumatok. Pabagsak kong itinulak ang pinto at pumasok nang may stoic expression. Nakatalikod siya sa akin, nakatingin sa view sa labas. Magsasalita na sana ako nang dahan-dahan siyang lumingon.
Damn. Sa sobrang inis ko, mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Yung grey orbs niya... those bold eyes. Tatlong taon na ang nakalipas pero bakit ganito pa rin ang epekto niya sa katawan ko?
"At last, my wife finally came. I knew you'd come to me." He gave me that seductive boyish smile—yung ngiting nagpahulog sa akin noon, pero ngayon ay gusto ko na lang burahin sa mukha niya.
"How did you know I was coming here?"
"I just knew." He shrugged and leaned back on his swivel chair. "You've always been predictable, mahal."
"Mukhang hindi yata informed ang employees mo na hindi na ako Mrs. Marasigan. Sabihan mo sila, I hate it," asik ko.
Amusement filled his eyes. "We both know that you're still Mrs. Marasigan, mahal, and will remain one forever."
"I hate you," mariin kong sabi.
Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Panic started to rise. "Don't come closer!" Pero hindi siya nakinig. Huminto siya isang talampakan lang ang layo sa akin. Kahit naka-coat and tie siya, bakas pa rin ang muscular body niya. At yung pabango niya... it’s still the same scent that used to make me melt.
"No, you don't hate me mahal ko."
"I hate you! Ang gusto ko lang ay freedom, pero pati ‘yun ipinagkakait mo!"
"I'm your husband, mahal. Divorce is out of the question. Hinayaan kitang mag-heal ng tatlong taon, pero ngayong bumalik ka na, hinding-hindi na kita pakakawalan. Let's start all over again."
Commanding ang tono niya. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, mabilis na lumanding ang palad ko sa kaliwang pisngi niya. Slap!
"Damn you! After everything, may gana ka pang sabihin ‘yan?!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya hanggang sa mapagod ako. Hindi siya gumalaw. Hinayaan lang niya ako.
"Bakit ka tumigil? Sige lang, hit me all you want."
Tinalikuran ko siya. "Mali na pumunta ako rito."
Maglalakad na sana ako palabas nang bigla niya akong yakapin mula sa likod. Sobrang higpit. "I missed you so much, mahal. You don't know kung gaano ko katagal hinintay ‘to."
"Bitawan mo ako!" My voice was shaking.
"Please, Kheyien... can't you give us another chance?"
Ang aroganteng si Derrick Marasigan, nagmakaawa? Naalala ko si Raze na naghihintay sa akin sa Manila. Hindi ako pwedeng bumigay.
"Another chance?! Are you kidding me?! I already have someone else!"
Darkness filled his eyes. "No. You're lying."
"I'm not." I coldly slammed the divorce papers on his chest. "Sign it. All I want is my freedom."
Tinitigan niya ang papel bago bumuntong-hininga. "Is this really what you want?"
"Yes."
"Okay. I'll give this back after I sign it. I'm busy right now."
"Bakit hindi pa ngayon?"
"Sabi ko busy ako, Kheyien." Bumalik siya sa desk niya.
"Fine. Ibigay mo na lang sa lawyer ko."
Akala ko tapos na. Akala ko nanalo ako. Pero bago ko mahawakan ang doorknob, hinila niya ang braso ko at isinalya ako sa pinto. Isinandal niya ako at kinulong sa pagitan ng mga bisig niya.
"Derr—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinakop na niya ang labi ko. It was hungry, desperate, and authoritative. Ramdam ko ang pait at pangungulila sa bawat galaw ng labi niya. Pilit ko siyang itinutulak pero mas lalo niyang ibinaon ang katawan niya sa akin. Sinakop niya ang buong pagkatao ko sa halik na iyon.
When he finally pulled away, his forehead rested against mine.
"That's for saying you have someone else," he whispered, his voice dark and possessive. "Sign the papers? Over my dead body, Kheyien. You’re mine. At sisiguraduhin kong hindi ka na makakabalik sa Manila."
Iniwan niya akong tulala habang dahan-dahan siyang bumabalik sa upuan niya na parang wala siyang ginawang krimen.
Lumabas ako ng building na parang lumulutang. Pagpasok ko sa sasakyan, doon lang ako nakahinga.
This is going to be a long, messy war. And I’m not sure if I’m ready to win—or lose.
Add po ninyo sa library ninyo new story ko po, Title: HIS DANGEROUS LOVE by Bawlabac