Pagdating ko sa baba, na-realize kong nasa The Elite Vanguard Club pa rin ako. Kaya pala pamilyar ang kwarto—VIP room pala ’yun na exclusive lang para sa mga miyembro. Salamat na lang at walang tao kaya nakalabas ako nang walang nakakakita sa akin. Pumunta agad ako sa kalsada at nag-abang ng taxi. Hindi naman ako naghintay nang matagal. Sumakay agad ako. Napatingin ako ulit sa club at nakita ko si Derrick sa entrance, nakatingin sa direksyon ko habang naka-flex ang panga. Boxers lang ang suot niya. Standing there like a proud Greek god. Bigla akong nag-panic. Gusto ko lang makalayo. My eyes widened nang makita kong naglakad siya palapit, kaya mabilis kong sinabi sa driver ang address ko para makaalis na kami. Huminga ako nang malalim nang makita ko sa side mirror na naiwan si Derri

